Episode 2

5.5K 199 5
                                    

"Saan na naman kayo galing na dalawa ha???", salubong na tanong ni lola Masyang. Kakamot kamot ang dalawang bagong dating."Mga damuhong ire,may araw pa ng pauwiin ko kayo ah. Ako ba ay papatayin nyo talaga sa kunsumisyon ha??",tanong uli ng matanda.Lumapit si Caloy dito at umakap. "Ang lola naman, magagawa ba namin sayo yan. Alam mo namang mahhaalll....na mahhaall ka namin" ,kahit pumapalag sa pag akap ang lola ay di ito binibitawan ni Caloy. Lumapit na din si Reden dito at umakap,"Ikaw ang regalo sa amin ng Diyos lola Massy,at mahala na mahal ka namin talaga,..mwah mwah chup chup'', ginaya pa nito ang napanood sa Eat Bulaga.. Umm.."Aray!!!", hiyaw ni Reden.. pano kasi ay binatukan siya ng matanda..."Masyang at di Massy,pinalitan mo na naman ang pangalan ko", natatawang sabi nito. Pinaglinis na sila ng katawan at sabay -sabay na silang naghapunan.

Si lola Masyang ay isang byuda na walang anak,nakatira ito sa isang sulok ng sementeryo. May maliit itong barung-barong na itinayo ng namayapa nitong asawa.Bantay ang asawa nya sa sementeryo at kahit namatay na ay hinayaan ng manatiling manirahan dun ang byuda,siya na rin ang ginawang bantay.

NAKARAAN.........

Nagwawalis si Masyang malapit sa pintuan ng sementeryo,ng maipon ang mga dahong lanta na bumagsak sa damuhan ay sinigaan nya ito. Nagulat ang byuda ng biglang may umubo,ng hanapin nito ang pinagmulan ng narinig ay nakita nya ang isang bata na nakahiga at ubo ng ubo. Nakalanghap ng usok ang bata. Tantiya ni Masyang ay nasa lima o anim na taon ang bata,napakarusing. Tinanong nya ito kung anung pangalan at sumagot naman.Reden ang sabi ng bata. May ilang tanong pa ang ginawa ng babae pero hindi na nasagot ng bata ang iba. Humawak sa tiyan ang bata,gutom. Matapos pakainin ay pinaliguan nito ang batang nakangiti sa kanya. Nagtatawa pa ito na parang nakikiliti habang sinasabunan ang katawan. Natatawa rin ang babae sa twing tatawa ang pinaliliguan. Sinuot nya dito ang isang t-shirt,sa asawa nya ang damit na yun. Payat lang ang lalaki,kaya ng isuot nya ang damit sa bata ay para na itong naka daster. Nakangiti pa rin ito sa kanya habang sinusuklayan. Ipinagtanong ni Masyang ang tungkol kay Reden,naisip kasi ng babae na baka hinahanap na ito ng mga magulang. Nalaman niya ang istorya ng buhay ng batang pinulot. Ipinasya ni Masyang na ampunin ang bata. May apo na siya, may kasama na siya. .

MKNA1-  Ang WriterWhere stories live. Discover now