Crazy For You

363 16 4
                                    

"Ayan na sya!" lahat ay natigil sa gawain at tila nanigas sa mga kinatatayuan nila ngayon. 

Naglalakad, papalapit ng papalapit at habang unti unti syang lumalapit ay sya namang bilis ng tibok ng puso ko. "Ayan na! Ayan na!" para bang laging naka slowmo pag nakikita ko sya. Lahat ng nadadaanan nya ngayon ay bumabati sa kanya at binabati din nya. "Oh my God, eto na!!!" 

"Good Morning Sir!" masiglang bati nya sa boss nyang kadadaan lang sa harap nya at kapalit nun ay isang kindat mula sa boss nito. "Aaahhh! Ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo talaga nya!" eksaherada ngunit mahinang sigaw nito ng makalampas at makapasok na sa sariling opisina ang boss nya.

"Hoy Ms. Ana Karylle Tatlonghari kalma pwede? baka mahimatay ka na." sabi ng katrabaho at bestfriend nyang si Anne, ng mapansing parang bulateng nabudburan ng asin ang kaibigan. "Ssshhh! Malapit na nga ata, Ning. Nakita mo ba yun? Nakita mo? Kinindatan nya koooo!"  kilig na kilig na sabi ni Karylle at todo yugyog kay Anne. "Aray naman!" inis na sabi ni Karylle habang hinahaplos ang right side ng ulo nya, nabatukan na pala sya ni Anne. "Ano gising ka na? Kape gusto mo? Pagtitimpla kita teka" seryoso pero pabirong sabi ni Anne dito. "Alam mo ang daot mo forever! Yung totoo bestfriend ba talaga kita?" tanong ni Karylle while crossing her arms at nagpout pa na ikinatawa ni Anne. "Sira. Malamang bestfriend mo ko kaya nga ako nandito diba? Magtrabaho na nga tayo, baka maabutan pa tayo ng bruhang Ate ng jowa mo sa daydream mo at mapalayas tayo dito. sige ikaw din." As if on cue, dumating ang kani-kanina lang ay pinaguusapan nila. Pinapagalitan ang lahat ng nakikitang naka-tanga at chumichika lang, at kasama na sila don. "You two!" sigaw ni Ms. Ruffa na may matalim na tingin at nakaturo sa kanila, nagtinginan naman sina Anne at Karylle. "Oo kayong dalawa! You, lady with a big mouth and you... ugly nerdy. Ang papangit na nga mga tanga pa. Back to work... NOW!"

"Kita mo na? Daydream pa more!" asar na sabi ni Anne. "Sorry na, Ning." mahinang sabi naman ni K habang pabalik sila sa kani-kanilang trabaho.  "Akala mo ang ganda ganda nya eh lampas trenta na nga sya wala pang asawa! Buti nga sa kanya." inis na sabi ulit ni Anne. "Ssshhh. Baka marinig ka, tama na okay." pag-awat naman ni K. "Anong awat na? K, sinabihan nya tayong tanga sa harap ng mga katrabaho natin tapos sasabihin mo sakin tama na? Wow ha! at lalong hindi ko matanggap na pangit daw tayo. Duh! hindi kaya ako pangit, ikaw pwede pa..." pigil tawang sabi ni Anne. "Wow Anastacia thanks for being the best friend ever ha!" they both laugh sa kalokohan nila saka bumalik sa trabaho. 

------

"Hi, Sir. Here's your coffee."  kasabay ng pag abot ni Karylle ng kape sa boss nya ay ang isang napakalaking ngiti. Busy naman sa mga papel na nagkalat sa table nito ang boss nya kaya hindi nito ito napansin at tanging "thanks" lang ang sinabi pero nang mapansing hindi pa rin naalis si Karylle sa harapan nya ay tumingala na ito at pinanlakihan ito ng mata na parang nagtatanong na Bakit nandito ka pa? "Ah.. Sir Vice, may gusto pa po ba kayo? Ako.. ay.. I mean, pagkain po. Gusto nyo po ba i-order ko kayo napasin ko po kasing di pa kayo kumakain e." pa-sweet at nagpapa cute pang sabi ni Karylle. Medyo natawa naman si Vice sa ikinilos ni Karylle pero pilit pinigilan ang nagbabadyang malakas na tawa. Tumayo sya at inilapit ng konti ang mukha sa mukha ng kanyang sekretaryang si Karylle. "Awwww. Ang sweet sweet naman ng maganda kong secretary." pambobola ni Vice dito habang hinahaplos haplos pa ang mukha ni Karylle. Paniwalang paniwala naman si Karylle sa sinabi ng kanyang boss, "Thank you, Sir." kinikilig na sagot nito. Natatawa na naman si Vice dahil sa totoo lang ay di naman kagandahan si Karylle kung titingnan, gulo-gulong kulot na buhok, malaking eyeglasses, naka rainbow color na medyas pa kahit hindi naman dapat at siguro dahil sa kagustuhang mapansin sya ng boss nya e naglipstick pa ito nang pagkaka-kapal kapal. "Okay na ko sa coffee mo"  Vice said and winked at her again. "I'm gonna die! I'm gonna die!" isip ni Karylle. "Okay po, Sir." K said at lumabas na ng opisina then went straight at the comfort room. 

Pagkapasok na pagkapasok ni Karylle sa comfort room ay agad agad syang nagtitili at nagtatalon. "OH MY GOD! OH MY GOD! HE SAID I'M PRETTY! NAGAGANDAHAN SYA SAKIN. AAAAHHHH!" OA na sabi nito sa sarili. Sumandal sya sa pintuan at tila nagwo-walling habang hawak ang pisnging kanina lang ay hinahaplos ni Vice. "Ang ganda ganda mo Karylle! Ang haba haba ng hair mo!" pagcompliment nya sa kanyang sarili. 

THE END. 😂😂😂

JOKE! ✌

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crazy For YouWhere stories live. Discover now