Chapu Wanu

137 1 7
                                    

Chapter 1: First Day

Chandelle Nove Aria

"Nove! You're gonna be late for school!! Wake up!"

Waaaahhhh ano ba yun? Ingay-ingay naman e, sarap sarap ng tulog ko dito oh!

"CHANDELLE NOVE ARIA JACELA CORTEZ HINDI KA BA BABANGON DYAN?!"

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para makita ang isang napakagwapong nilalang.

"Ang gwapo mo naman. Nasa langit na ba ako para makakita ng katulad mo?" nangingiting sabi ko sa kaharap.

"What are you saying? Tss. Just get out of that stupid bed, I think you're having a dream again. Be at the dining room in 5 minutes, ihahatid kita sa school mo"

Aba at nambatok pa 'tong anghel na 'to! Maya-maya pa'y luminaw na ang aking paningin at nakita si Kuya Janjan. 'Janjan' short for Titus Jan Hugh Jacela Cortez. He is my brother, the eldest of the Cortez family, at pinaka responsible saming magkakapatid. Yun nga lang medyo may pagka-playboy 'yang si kuya dahil gwapo 'raw' siya.

Pero teka, sabi ni kuya kanina may pasok ako? Hmm, asan ba yung alarm clock ko?

"Halaaaa!!!! 8:00 naaaa!!! Late nakoooo!!"

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa dining area para magmadaling kumain. "Kuya Janjan! Bakit ba hindi mo 'ko ginising kaagad? Malelate nako oh!". OA na pagkakasabi ko kay kuya. 

"I thought Grant will wake you up para sabay na kayo pumasok?" aniya. Hindi ko naman ito sinagot dala ng pagmamadali. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na agad ako nang hindi na iniintindi si kuya at pumunta ng kwarto para doon mag-ayos. Nang nakita kong ayos na ako ay bumaba na agad ako at tinawag si kuya janjan na may kausap na naman atang babae. 

"Kuya let's go na, super duper late na talaga ako", I said while fake crying.  

"Okay, ladies first". Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kanyang sinabi.

@ PARKING OF SJU

Humalik na lang ako sa pisngi niya dahil baka wala nakong maabutan sa klase ko.

Bakit ba naman kasi nalate pa ko ng gising!!

"Take care pangit"

Inirapan ko ang kuya kong mapang-asar at saka patalikod na kumaway. Nang makapasok sa loob ay bumalik ang aking kaba. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala, paano nalang ako kapag terror yung teacher? Waaaah! Kaya naman tumakbo nako dahil 4th floor pa pala ang para sa mga Grade 9 nang biglang...

*BLAG!!*

Aray kooo! Sino na naman ba 'tong sagabal na 'to?!

Sa sobrang inis ko ay bigla ko siyang tiningala at muntik na 'kong matumba ulit nang makita ang itsura nito. Ngunit nang muling pumasok sa isip ko ang nangyaring pagbagsak ko sa lupa ay muling bumalik ang aking inis.

"Ano ba kuya? Hindi ka ba nakatingin sa dinadaanan mo?! Ang sakit kaya nun!! Tapos hindi ka man lang nagsorry tss, gwapo ka pa naman". Pahina nang pahina kong sambit dahilan para hindi niya marinig ang huli kong sinabi.

"Ano ba 'yan, late na nga lalo pang nalate" dagdag ko pang saad. Nakatingin lang sakin yung gwapong lalaki. Tss. Parang tanga.

"Mister I-don't-know-who-you-are, sa susunod kapag nakabangga ka, magsorry ka okay ba 'yon?" sabi ko sa lalaki habang naglalakad palayo.

Nakita ko naman siyang ngumisi bago sinabing, "It's not my fault miss. Ikaw 'tong hindi nakatingin sa daan, basta basta ka nalang natakbo at hindi mo tinitingnan ang nasa harap mo. Bakit? Masyado na ba talaga akong gwapo kaya nasisilaw ka na?"

I Loved You At Sixteen (ongoing)Where stories live. Discover now