Chapter: 1

3 2 1
                                    


"When the no. 15 becomes a radical expression then the outside of x will be no. 5" page-explain ni mam sa math. Hindi ako masyadong maka pag concentrate dahil natutuon ang atensyon ko sa mga matang nakatingin saaken kanina pa.

Nakalipat na kami sa dito sa Pilipinas nuong nakaraang sabado pa. At nailipat na rin ako ni papa sa RHS ( Rizal High School ). Kanina pa rin ako nakipag kilala sa mga bagong classmates ko. Pero hanggang ngayon na katingin pa rin sila saaken, hindi ko alam kung napapangitan sila saaken o ano ehh..

"Ok. Miss, Czarina tutal bago ka pa naman dito. Gusto kong sagutan mo itong no. 6 para mayroon ka ng recitation agad" nakangiting paunlak saaken ni Mam; Pujitero.

Tumango ako sakanya at inilapag sa desk ko ang ballpen ko na kanina ko pa hawak. Dumaan ako sa pagitan ng 2nd row at 3rd row. Dahi na rin 2nd row ako at nakaupo sa pang-limang upuan.

May iniabot naman saaken si Mam;Pujitero na isang maliit na chalk tinanggap ko naman. Pumunta ako sa black board at nag umpisa ng sagutan ang pinapasagutan ni Mam.

Madali lang naman pala. Akala ko mapapahiya ako sa klase dahil lang sa division of radicals. Nang matapos ko nang sagutan ibabalik ko na sana kay Mam yung chalk ng biglang may pumasok na lalake.

Dumeretsyo siya sa kanyang silya at parang walang teacher na naghihintay na mag sabi siya ng sorry. Tiningnan ko si Mam; Pujitero at nakita ko ang reaksyon niya. Para bang na bastos siya pero nakikita ko rin sa mga mata niya na pinipigilan niyang magalit sa estudyanteng yun.

"You may now sit Miss, Ballano" hindi ko napansin na nakatingin na pala saaken si Mam. Tumango ako sa sinabi niya at mabilis na umupo sa upuan ko. Nang tumikhim si Mam; Pujitero para makuha ang atensyon ng klase niya ay nag umpisa na siyang mag turo ulit.

Kanina pa kase sila nakatingin duon sa lalake na bastos. Bastos naman talaga siya dahil hindi man lang siya nang hingi ng sorry sa pagiging late niya kanina.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa lalakeng binastos si Mam;Pujitero. Tahimik siyang nakikinig kay Mam at wala man lang pinapansin ni isa sa mga sumusubok kausapin siya. Nakita ko rin na maraming kalalakihan ang nakapalibot sakanya syempre mas maraming babae.

Itinaas ko naman ang tingin ko. May maganda siyang mata at bumagay sakanya ang makapal niyang kilay. Pointed nose and skinny checks. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Manipis at pinkish.

Napalunok ako ng makita kong nakatingin na siya saaken. Naka kunot ang noo niya at tila ba gusto akong sindakin sa tingin niyang yun.

Iniiwas ko ang tingin ko at nag focus na lang ulit sa pag tuturo ni Mam; Pujitero. Kinabahan ako roon ahh. Akala ko lalapitan niya ako at sasabihing wag akong tumingin sakanya kung ayaw niyang tusukin   ang mga mata ko.

Napanatag ang loob ko ng ibalik ko ang tingin sakanya ay nakatingin na ulit siya kay Mam. Pero nakangisi na siya at parang may binabalak na masama. Napalunok ulit ako sa pag kakataong ito at humarap ulit kay Mam.

Feeling ko anytime sasapakin niya ako. Mas lalo naman akong kinabahan ng marinig ko ang bell. Hudyat na recess na namin.

Tumingin ako sa lalakeng bastos. Ba ka mamaya sapakin na lang ako nun bigla mahirap na. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na siya sa kinauupuan niya kanina. Ba ka umalis na mabuti naman..

Huminga ako ng malalim at saka binalingan ng tingin ang mga gamit ko sa desk. Mag sisimula na sana ako sa pagliligpit ng may makita akong naka tayo sa harapan ko.

"Hi. I'm Uhna Mae Sanchez. How about you?" Matamis ang ngiti saaken ng babaeng na sa harapan ko. Nginitian ko rin siya at tumayo para naman hindi nakakabastos ang pag papakilala ko. Nakakahiya naman..

"Czarina Gail Ballano. Nice to meet you Uhna" tinanggap ko ang pakikipag kamay niya at ginantihan rin siya ng ngiti. Natapos rin naman agad ang pag shi-shakes hand namin.

Humanap siya ng bakanteng upuan at humarap saaken.

"Gusto sana kitang maging kaibigan. Mukha ka kaseng mabait" nahihiyang punto niya. Nginitian ko siya at umupo na rin sa harap niya.

"Ah. Haha! Hindi naman.. Konti lang" nahihiyang sambit ko sakanya. Tinawanan niya lang ako. Ang ganda niya may katamtaman siyang mga mata matabang pisngi at tama lang rin ang pagkapaula ng labi niya.

"Nagulat ba kita? Sorry ahh. Kanina kase napapansin kong naiilang ka sa mga tingin ng mga classmates ko--I mean natin. Bago ka lang kase dito. At maganda ka rin" tumango ako sa pa puring sinabi niya sa huli.

Tama siya nahihiya talaga ako kanina dahil sa mga matang nakatingin saaken. Bawat galaw ko kase nakikita nila kaya naiilang talaga ako.

"Oo. Nakakahiya kase pag nakita nilang magkamali ako ng kilos ba ka pag tawanan nila ako agad. Salamat sa compliment" nakangiti kong sabi sakanya. Tumango siya saaken at nginitian ako.

"Hahaha! Naku wala yun. Maganda ka naman talaga. Hindi ka ba aware duon?" Tanong niya habang natatawa pa rin. Wala naman akong sinabing nakakatuwa ah? Ehh.. Bakit siya tumatawa?

"A-ah. Haahaha! Alam ko naman na maganda ako. Sabi saaken ni papa dapat daw hindi ko ikinakahiya ang itsura ko. Dahil mas maganda pa raw ako kay mama" taas noo kong sagot sakanya. Tumikhim siya at inayos ang pag kakaupo sa upuan.

"Pwedeng mamaya sabay tayong mag lunch?" Request niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Hindi na nga pala ako nakapag recess ngayon! Magugutom ako nito ehh.. Paano na yun? Mamaya dadaan ako sa faculty ng Science teacher namin. Magtatanong na lang muna ako..

"Gusto sana kitang ipakilala sa mga kaibigan ko. Sigurado akong magugustuhan ka nila!" Masayang dagdag pa niya. Nginitian ko siya at sunod-sunod na tumango.

"Sige. Para marami na tayo" pagpayag ko pa. Nginitian niya rin ako at tumayo na tumayo rin ako dahil alam kong mag papaalam na siya.

"Sige. Una nako Gail. Salamat sa oras. And.. Thank you to accept me as you're friend" naramdaman ko na lang na yakap niya na ako. Tinugon ko yung yakap niya at hinaplos ang likod niya. Hanggang sa narinig na namin ang bell. Sign na tapos na ang recess.

"Wala yun. Mabuti nga may kaibigan na ako ehh.. Sige mamaya na lang ulit. Alis ka na ba ka mamaya ma late ka pa" pananakot ko sakanya. Pero mukhang hindi naman yun gumana.

"Ok. Pupuntahan na lang ulit kita rito. Gotta go! Bye"pagpapaalam na niya. Nag ngitian kami sa isa't isa bago siya tuluyang lumabas ng room.

Narinig ko na lang na may pumasok na mga classmates ko. Kinabahan agad ako ng malaman kong hindi lang basta classmates ko ang pumasok. Yung lalakeng bastos! At ang mga alipin niya!






















★★well tama po kayo ng nabasa. Bastos po talaga siya😎

—sorry for the wrong grammar✌

Kiss by the Innocent Girl (Generation Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ