📌Broken Promises

15 6 1
                                    


|Broken Promises|

—————

Mira's Pov

He's My Savior.
My Protector.
My First Beloved.
My Everything.

"Happy 8th Anniversary,Love" Jay said with full of love in his eyes.

I can feel it. His Love. Nginitian ko siya ng buong galak."Happy 8th Anniversary too,Love"

Sinakop ng dalawang kamay niya ang mukha ko at pinunasan nito ang luhang pumatak sa mga mata ko."Don't cry,okay? It's our day today. I want you to be happy. Smile"

Ngumiti ako at buong pagmamahal siyang niyakap.

"I Love You,love" Mahinang bulong ko na sinuklian niya ng marahang halik sa labi ko.

"And I Love You too,Always" sagot niya at mataman akong tinitigan."Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Binago mo ang lahat sakin. Simula sa pagiging babaero hanggang sa ikaw nalang ang babaeng pinapahalagahan ko bukod sa Mommy ko. Aalagaan kita. Mamahalin hanggang sa makakaya ko. Andito lang ako sa tabi mo. Always"

Nakaramdam ako ng kakaiba habang pinapakinggan ang mga sinasabe niya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na hindi ko maipaliwanag. Nalilito ako.

"Jay"ayoko ng pakiramdam na 'to.

"Kahit anong mangyari. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko" dagdag pa niya kaya nalilitong kumawala ako sa yakap niya.

"Jay. Ano bang sinasabe mo—ano to?" litong tanong ko.

Tumawa naman siya dahil sa kalituhan ko."Ano kaba. Nag-iisip kana naman ng kung ano-ano. Hindi ba pwedeng maging sweet lang?"

Inirapan ko siya at pilit na inalis ang nigatibong pumapasok sa isip ko.

"Heh! Sa susunod kasi,magsabe ka" galit-galitan kong saad at piningot pa ang tenga niya.

"Nasaan ang trill pag nagpaalam muna ako bago magpakilig?" sagot niya at muli akong yinakap.

"Tss. Ewan ko sayo" yun nalang ang sinabe ko at hinayaan siyang yakapan lang ako ng mahigpit."Promise,sa akin ka lang a? Hindi mo 'ko iiwan?"

"Promise. Ikaw lang"

—————

Its been 2 weeks since our romantic night. Sa loob ng dalawang linggo,kahit ni isang text o tawag,wala pa akong natatanggap mula kay Jay. And I'm worried.

Hindi niya ugaling hindi magtext sakin ng ganun katagal. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at text ko. Hindi kona alam ang gagawin ko.

Napabuntong hininga ako at muling tinawagan ang cellphone niya. Pero gaya ng mga una,wala parin.

Napabalikwas ako ng tayo ng tumunog ang cellphone ko. Dahil sa pagkataranta,sinagot ko 'to sa pagkakaalam na si Jay 'yon.

"Jay! Bakit hindi mo——"

"Mira"

Napahinto ako ng iba ang magsalita sa kabilang linya. Tiningnan ko kung sino ang tumawag at labis ang pagkadismaya ko ng si Tanya pala ang tumatawag.

"Tanya. Sorry,akala ko si Jay ang tumatawag" mahinang saad ko.

"Mira. Okay paba kayo ni Jay?" tanong nito sakin kaya nalito ako.

"What do you mean? Malamang okay kami. Ano bang klasing tanong yan?" nagtatakang tanong ko.

"Ahm—kasi—Mira——" utal na panimula nito.

"Tanya. Anong nangyayari? Alam moba kung nasaan si Jay? Nasaan ang kapatid mo? Hindi ko kasi siya matawagan. Nag aalala na ako" dire-diretsong saad ko at ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko sa di malamang kadahilanan.

"Mira——" i cut her off.

"Tanya. Alam mo ba kung nasaan si Jay? Please,tell me. Mababaliw na ako sa pag-aalala. Sabihin mo na,please" hindi ko alam kung bakit naiiyak ako dahil sa sobrang kaba.

"Sumama ka sakin——nasa labas ako ng condo mo" sagot lang nito na agad kong sinunod..

Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng condo ko. Napatingin ako sa suot nito,white dress.

"Tanya—"

"Lets go." Paghila nito sakin palabas ng building.

Hanggang sa makasakay sa kotse niya ay di ko alam kung ano ang nangyayari. Litong-lito ako.

"Tanya. Saan tayo pupunta? Alam mo ba kung nasaan si Jay? Pupunta ba tayo sakaniya?" tanong ko at hinawakan siya sa braso.

Tumingin siya sakin ng may luha sa mga mata" Mira—Si Jay"

Nilukob ako ng kaba." Anong meron kay Jay? Nalilito ako"

"Papunta na tayo sakaniya" sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Talaga? Na busy ba siya? Bakit diko siya matawagan?" tanong ko na ikinaiwas niya ng tingin.

"Tanya?——"

"Lady Tanya. Andito na po tayo" natigil ako dahil sa sinabe ng driver niya .

Tumingin ako sa labas. Simbahan?

Napatingin ako kay Tanya ng lumabas na ito ng kotse kaya sumunod narin ako.

"Sa simbahan? Bat tayo andito?" tanong ko sakaniya. Hinawakan ko siya sa braso."Tanya——"

"Andito siya,Mira" malungkot itong tumingin sakin."Andito si Jay"

Nalipat ang tingin ko sa simbahan. Bakit siya nandyan? Anong ginagawa niya? Bakit?

"Lets go" untag niya sakin at kahit nahihirapang maglakad,sinikap kong makasunod sakaniya.

Habang papalapit ay ramdam ko rin ang kakaibang kaba sa puso ko. Hindi ko nagugustuhan ang pumapasok sa isip ko. Ayoko na iniisip ko.

"Tanya" pagtawag ko sakaniya."Ayoko ng tumuloy"

Umiling ito sakin ng nasa pintuan na kami."You need to see this,Mira. I'm sorry"

Naiyak ako sa sinabe niya. Ng makapasok kami sa loob. Pakiramdam ko gumuho ang mundo sakin. Pakiramdam ko,mamamawalan ako sa tamang ulirat. Nangininig ang mga tuhod ko. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang nakikita.

Ang lalaking mahal ko. Ang lalaking inalayan ko ng aking pagmamahal. Ang lalaking nangako sakin na hindi ako iiwan. Si Jay.....

Nasa harapan ng pari,katabi ang kapatid ko, nasa simbahan. Ikinakasal.

"Mira" pagtawag ni Tanya sakin ng mawalan ako ng balansi

Hindi ito maaari. Hindi 'to totoo.

"J—Jay" napapaos na sambit ko. Narinig niya ata ang boses ko ng lumingon ito sa pwesto ko.

Nanlaki ang mga mata nito. Hindi makapaniwala na andun ako.Nakikita ang nangyayari.

Kumawala ang hikbi at sakit sa puso ko habang nakatingin sakaniya. Pakiramdam ko,niliko ako ng lahat.

"You— promise me,Jay——You promise me—" mahinang saad ko habang lumuluhang nakatingin sakaniya. Nasilayan ko ang luhang pumatak sa mga mata niya. Gaya ko,pareho kaming lumuluha. Ako sa sakit,hindi ko alam kung ano sakaniya.

"You broke your promise,Jay. And I'm wounded"

ONE SHOT'S COMPILATION❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon