CHAPTER 1

281 15 4
                                    


Elizabeth's Pov,

Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi.

"Mmmn.."

"Gising na love.."

Agad akong nagmulat ng mga mata ng marinig ko ang boses ni Diego. Ako'y nakahinga ng maluwag dahil mukhang maamo naman ang mukha nito.

"Kain ka na, dinner time na. Masamang walang laman ang tiyan.."

Napangiti ako, balik siya sa pagiging maasikaso niya sa akin. Sana palagi kang ganito Diego. Sana.. Agad akong bumangon para kainin ang dinala niyang pagkain para sa akin.

Katatapos ko lang kumain na mapagpsyahan kong basagin ang katahimikan. Kanina pa kasi siya walang imik habang pinapanood ako sa pagkain ko.

"Masarap ang luto mo.."

"Really?"

"Yes! Maraming salamat Diego.."

Agad naman itong lumapit at umupo sa tabi ko.

"If yes, can I ask a favor Love?"

"What is it Diego?"

"Uhm.. Can you.. Can you call me love too?"

Nabigla ako sa sinabi nito, I thought he didn't want to call him by his name nor an endearment. Dahan dahan na lang akong napatango sa gusto nito.

"Are you sure? Gusto kong marinig Love," pamimilit agad nito sa akin.

"L-lo–" ba't ang hirap bigkasin?

"Go Love! You can say it." nakangiti niyang pang-eenganyo sa akin.

"L-love.."

"Wow! That's the first.. Can you say it again?"

"Love.." nakangiti kong ulit.

"Whoa! I can't believe what I feel. It's feels like i'm a teenager! Kinikilig na marinig ko mismo sa 'yo. Thank you Love! I love you!" bigla na lang ako nitong niyakap.

I was stunned by his three magical words more than his action. Am I dreaming again?

Napansin naman nitong hindi ako yumakap pabalik, "Hey, Love?"

"Did you really said, I love you? Did I heard it right Diego?"

"Yes." bigla itong sumimangot na ikinataranta ko.

"Bakit ka sumimangot Diego? Did I do something wrong?" kinakabahang tanong ko.

"Wala kang ginawang mali, but.."

"But.. what?"

"You said something wrong, actually you said it twice.."

Wait.. Anong mali ba sa sinabi ko?

"Anong mali ang sinabi ko Diego?"

"One wrong word, one kiss.."

"Wait.. Ano ba ang maling sinabi ko Diego?" ulit ko pa sa kalituhan.

Nagulat na lang ako ng bigla nitong tawirin ang kaunting pagitan namin at inilapit ang mukha niya sa akin. Sa kakaiwas ko hindi ko namalayang nakahiga na pala ako na ikinangisi niya at mabilis akong hinalikan.

"Hey! What did I do for you to kiss me Diego?"

Agad nitong itinukod ang magkabilang kamay niya para ma-corner ako sa mga bisig niya. Isa pang halik ang aking natanggap. Nakakailang na dahil konti na lang ang pagitan na aming mga mukha pati ang aming katawan ay dikit na dikit na sa isat-isa.

"Think.. Love.."

Wait. Saang salita ba ako nagkamali?

"I can't think straight.. Lalo't malapit ang mukha mo sa akin Diego. Can you please move a little?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DOUBLE TROUBLED LOVEWhere stories live. Discover now