Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter Thirteen

344K 6.3K 794
                                    

HINDI na mapalalagpas pa ni Trent ang dalaga. He needs to give her a lesson. Ang lakas ng ginawa nitong pagbraso sa sikmura niya. He knew what she was up to the moment she started seducing him. He was not stupid not to know that. Hindi mahirap pagdudahan ito. Dahil umpisa pa lang, ayaw na nito sa kanya. And then suddenly, naging agresibo ito at mapang-akit. Sinakyan lang niya ito at hinintay ang susunod nitong gawin. Hindi nga siya nagkamali. Balak na naman siyang tuhurin ng babae. Kung noong una ay pinalagpas niya ito, well not this time.

"I'm done playing your games," tiim-bagang na sabi niya saka sinapo ang batok nito.

"I-I'm not... p-playing with you!"

"Right. That's why you seduced me, touched me ,then tried to hurt me and get away with it easily. Tingin mo, ganoon lang kadali iyon ngayon? Not this time, brat."

Parang tinakasan ng kulay ang magandang mukha nito. Rumehistro ang pangamba at takot. That's the first time he saw her like that. But he won't feel sorry this time. Nagpipigil siyang hawakan ito, na makaramdam dito ng pagnanasa. But she triggered him. And she thought she could just play with his emotions like that?

Bumaba ang titig niya sa labi nito. Nangangatal iyon. She has a sexy mouth. Unang kita pa lang niya rito ay iyon na agad ang napansin niya. Malademonyong ngumisi siya. He can't stop imagining the things they can do together with that sexy mouth.

"Trent... S-Stop it. Kung ano man ang binabalak mo―"

"Tsk. Now you're making yourself the victim here."

"Wala akong sinasabing ganoon!" Sinubukan siya nitong itulak. Pero mas lalo lang niyang sinapo ang batok nito at idinikit ang noo sa kanya. May panic na bumakas sa mukha nito. "What are you planning to do? Hahalikan mo 'ko? 'Wag mong sabihing namimilit ka na ng babae ngayon?"

"Malayo sa pamimilit 'yong ginawa natin kanina."

"May consent ko 'yon!"

"Bakit, ako tinanong mo kung okay sa akin 'yon?"

Napaawang ang labi nito. Pagkatapos ay nanlaki ang mata. "Hindi ka ba nasarapan?" singhal nito.

Natawa siya. Sa kabila talaga ng lahat, hindi pa rin nawawala ang pagtataray nito.

"That's not the point here. Pinalagpas ko nang isang beses ang karahasan mo. But this time I will not let you easily get away with it."

"Makasabi ka ng karahasan―"

"Bakit? Ano ba 'yong ginawa mo?"

Naitikom nito ang labi at namula ang pisngi.

"So now I will punish you." Gusto niyang magdiwang nang makita ang sunod-sunod na paglunok nito. "Hmm. Natatakot ka na ba?"

Marahas itong suminghap. "M-Mukha ba akong natatakot? Tingin mo, uurungan kita? Okay, punish me if you want to punish me. I'm not scared."

Muli, malakas siyang tumawa. Binitiwan niya ito at tumayo. "You're really something."

"Ano? Nasaan na ang pananakot mo? Tagal naman," may pang-uuyam na sabi nito.

Inilahad niya ang kamay para tulungan itong tumayo. Pero matalim na tinitigan lang iyon ng babae. Pinulot nito ang mga gamit nitong nasa sahig. Napapalatak ito.

He crossed his arms on his chest. Pinanood niya ang pagtuwad nito sa harapan niya. Damn, he could forever stared at her butt. Maganda ang hubog ng katawan nito. Hindi na siya magtataka kung hindi siya ang unang lalaking nababaliw sa ganda nito.

Pinagsiklop niya ang palad. Kailangan niyang magpigil. Hindi maaari ang gusto niyang mangyari. Ngunit muli itong humarap sa kanya at mataray na inarko ang kilay kaya naputol ang pagpipigil ni Trent.

The Playboy's PunishmentWhere stories live. Discover now