Chapter 33

9.5K 149 29
                                    

Chapter 33

-Natalie’s POV-

 

“Nasaan po siya?” tanong ko Nanay Miding pagkababa ko ng hagdan.

“Andun siya ija sa may labas, sa may garden” sagot niya sa akin. Tumango ako at nagsimulang maglakad papunta doon sa lugar na sinasabi ni Nanay.

Nung nakarating na kami doon ay agad kong nakita yung lalaking nakatalikod sa amin habang nakaupo siya sa silya. Napangiti ako bigla at tumingin kay Nanay, tumango ako sa kanya at ngumiti siya sa akin tapos ay naglakad na paalis. Ibinaling ko naman yung atensyon ko sa lalaking yun at nagsimulang naglakad palapit sa kanya.

“Renzel…” I called, he looked and smiled at then he stood up.

“How are you?” agad na tanong niya nung makalapit ako sa kanya. Mahina akong ngumiti sa kanya.

“Paanong okay?” I asked.

Napayuko naman siya bigla pero mahina akong tumawa at tsaka umupo sa upuang katabi nung sa kanya. Tumingin naman siya sa akin habang nakakunot yung noo niya.

“I’m physically fine, salamat” sabi ko sa kanya. “Ikaw kamusta ka naman? Lalo kang gumagwapo sa totoo lang”

Which is true, ngayon ko lang napansin na lalo palang gumwapo si Renzel. O baka ako lang yun? Pero seryoso, mas bright siyang tignan ngayon. Halatang in love ang isang ‘to!

“Uhm, I’m fine” aniya sabay upo at harap sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Buti pa sila okay, samantalang ako sa totoo lang hindi talaga. I really find it very hard to accept na wala na kami ni Lyle, na kung meron mang bagay na magbubuklod samin ngayon, yun ay ang anak ko. But then I don’t know if I can face him if we ever meet again, pakiramdam ko hindi ko kaya. Hindi ako galit sa kanya, kahit na dapat ay galit na galit na ako ngayon, he almost killed our baby but my love for him still dominates everything. Nakakainis but I can’t blame myself, wala eh, mahal ko siya eh.

“Your baby? Kamusta?” tanong niya sa akin. Ngumiti ulit ako sa kanya at napayuko tsaka marahang hinaplos ang tiyan ko.

“Okay lang siya, ang tatag niya pa rin hanggang ngayon. He never fails me” sabi ko at tsaka tumingin sa kanya.

“Maybe he wants to tell you that you also need to be strong, Nat.” he said. I just smiled and looked away. “Alam kong mahirap Nat pero kailangan mong maging matatag ngayon. You’re husband is an asshole, ngayon ka pa niya binitawan kung kailangang… kung kailangang ang dami ng bagay ang nawala sa’yo” dugtong pa niya.

Napayuko ako at nakaramdam na naman ako ng kirot sa kaliwang dibdib ko. Sobrang sakit pa rin talaga ng impact kapag sinasabi nilang, wala na kami ni Lyle. Pakiramdam ko talaga sinasaksak ako. I sighed and looked at him again.

“Alam ko,” mahinang sabi ko sa kanya “Kaya kahit alam kong masakit kakayanin ko, maybe it’s hard for me to move forward on my life now that we’re separated but then I need to continue. Kung hindi lang dahil sa baby ko, baka hindi ko na kinaya yung sakit. My baby makes all the pains his father gave me bearable. Kaya magpapakatatag talaga ako, I can’t afford if ever I loss my baby” I sighed.

“Kaya ba nagpasya kang umalis?” tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. I nodded.

“Paano nakarating sa’yo yan? Sinabi ni Lolo? Si Nanay o si Tatay?” napangusong tanong ko sa ka. Ngumiti naman siya at ginulo yung buhok ko. Tinabing ko naman agad iyon at inayos yung buhok kong ginulo niya.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now