MPG-01

128 0 0
                                    

Ella's POV
Isang maganda at bagong araw!Pero araw-araw naman kasi bago ang araw ko eh.Hays,miss ko na BestFriend ko nasa Manila kasi katulong kasi siya dun at di na kami nag-aaral tinutulungan na lang namin magulang namin na maghanap-buhay para sa aming pamilya at di pa kami highschool graduate hanggang Baitang walo lang kami.Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala,Ako nga pala si Ella Mae Primos,labing apat na taong gulang,laking probinsyana ako at ang BestFriend ko ay si Diana Anne Sacop nasa Manila at katulong daw siya dun mas matanda siya ng isang taon sa akin at parehas kaming nag hahanap-buhay para sa aming pamilya ang saya ko nga ngayon eh,uuwi daw siya para sa araw ng mga patay at ngayon na yung araw ng mga patay!

"Nak!Gising na at kakain na tas pupunta na tayong munisipyo dahil pinapalinis ng mayor ang opisina." - pang-gigising sa akin ni Nanay at tinatapik pa ako

"Nay.Sigeh po sandali at maliligo po ako tas iimpisin ko pa pinagtulugan ko." - sabi ko kay Nanay

Then tumayo na siya at tumayo ako tas naligo na rin pagkatapos nagbihis,at ang huli inimpis ko na ang higaan ko at lumabas na ako para kumain.

"Nak.Bilisan mong kumain,labing limang minuto na lang at aalis na tayo." - sabi ng Nanay

Kaya binilisan kong kumain para eksakto yung oras at nagsipilyo at lumabas nakita ko ang inay na iniintay na ako.

"Nay.Nan dito na po ako." - sabi ko at umakbay kay Nanay

Tas nag lakad na kami.Lumipas ang sampung minuto nakarating na rin kami sa munisipyo at dumiretso sa opisina ng mayor.

"Magandang umaga po mayor." - bati namin ng Nanay

"Magandang umaga rin.Paki linis na lang at pagkatapos ay humingi na lang kayo kay Manang Lucia nang miryenda niyo" - sabi ni Mayor at umalis

Nag simula na kaming maglinis para mabilis kaming matapos pero bukas yung telebisyon narinig ko yung pangalan ng idolo ko!

Wahhh!Ang gwapo grabe!Ang tangkad!At nakakamatay ang mga ngiti niya!Pero pinatay ng Nanay yung telebisyon at nagpatuloy na kami sa paglilinis.

Makalipas ang tatlong oras na paglilinis ay natapos na rin kami at pumunta kay Manang Lucia.

"Manang Lucia.Magandang tanghali po." - sabi ng Nanay

"Oh?Magandang tanghali rin tara at kumain na tayo tas ito yung sweldo niyo sabi ng mayor." - sabi ni Manang Lucia at inabot yung Limang Daang Piso

Tas kumain na kami.Ang sarap kasi lagi na lang tuyo,talong,itlog,daing,at kung ano-ano pa pero meron ring adobo,corned beef at longganisa.Ano bang ulam 'to?

"Manang Lucia.Anong pangalan po nitong inyong ulam?" - tanong ko kay Manang Lucia

"Ah.Menudo bili ko lang diyan sa tindahan." - sabi ni Manang Lucia at nagpatuloy sa pagkain

Makalipas ang tatlong minuto ay natapos na rin kami at niligpit ko na ang pinagkainan namin.At umalis.

Pagkauwi ko.Nakita ko si Tiya Susan ang nanay ng BestFriend ko.

"Tiyang!Si Diana po?" - tanong ko kay Tiya Susan

"Ay oo.Nan dito na pero lumabas eeh baka nasa bahay niyo.Sige una na ako sa sementeryo at babantayan ko pa puntod ng asawa ko." - sabi ni Tiya Susan at umalis na

Naglakad ulit kami ni Nanay.Ay nakalimutan ko ipakilala nanay ko.Ang pangalan ng Nanay ko Rosario pero tawag ay Rose or Rosa pero hiwalay na sila ni Tatay,pangalan ng Tatay ko ay si Ronaldo pero ang tawag ay Ronald.

Pagka dating namin sa bahay nakita ko si BestFriend!

"BestFriend!" - sigaw ni Diana

"Best!" - sigaw ko rin

"Miss na kita best!" - sabay naming sabi at tumawa

"Eh,best musta ka na?" - tanong ko

"Ayos lang.Mag-trabaho ka na rin dun please.Kasi may kapitbahay kami dun at naghahanap ng katulong." - sabi ni Diana

"Ipagsabi mo ko kay Nanay.Kailan naman ang alis natin?" - tanong ko

"Sige ipagsasabi kita.Sa atres na." - sabi ni Diana

Teka eh,auno ngayon ah?Okay payag na ako kung payag ang Namay.Tas hinatak ako ni Diana papunta kayla Nanay at kay Tiya Susan.

"Tiyang!Pwede po ba si Ella?Magtra-trabaho sa Manila?Kapitbahay lang naman po yung pagtra-trabahuhan niya at sa atres na po alis namin.Sana payagan niyo po siya." - sabi ni Diana

"Oh sige.Ingatan mo na lang si Ella pag nan dun na kayo." - sabi ni Nanay

Pero?Wait.Teka!Payag si Nanay!Yehey!

"Tiyang.Salamat po!" - sabi ni Diana na sobrang saya

"Sige na punta na kayong sementeryo.Ella kuha ka nang kandila tirikan mo yung puntod nang kapatid mo." - sabi ni Nanay

At pumunta na ako sa kusina para kunin yung kandila para itirik sa puntod ng kapatid ko.Oo may kapatid ako namatay siya ay sampung taong gulang na siya,dalawang taon na iyong naka-lipas.

Pagkatapos kong kunin nakita ko si Diana na nag iintay.Tas inakbayan ko siya at naglakad na kami papuntang sementeryo.

__________________________

Sabi ng pinsan ko maglagay daw ako ng picture ng Parking5 yung banda daw nila Daniel Padilla.Picture po nasa right side! Hi!

My Probinsyana GirlWhere stories live. Discover now