Chapter 1

142 4 1
                                    

"Ten hello's, ten goodbyes." that's something that echoes in Lianne's head everyday. Nagsimula ito nang mapanaginipan niya ang isang babaeng maputi at mala-diyosa ang kagandahan, at hanggang ngayon, hindi n'ya pa rin malaman kung ano ang ibig sabihin noon. 

“Lianne! Male-late na tayo!"sigaw ni Mae habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Lianne. "Fifteen more minutes, Mae! I'm not yet done with my make-up!"sigaw pabalik ni Lianne. Hindi na sumagot si Mae at hinintay nalang ang dalaga sa sala. 

"Kapag nagalit talaga sa'kin 'yung boyfriend ko dahil late tayo sa party n'ya, ikaw ituturo ko."pairap na sabi ni Mae habang nagmamaneho. "Sorry na nga, diba? Don't worry, I'll talk to Ferdie if ever na ma-late tayo. Just chill, Mae."

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na sila sa venue ng birthday party ni Ferdie. Umupo sila sa isang VIP table at hinintay na Iapitan sila ng binata. "Uhm, Mae? Kilala mo ba 'yun?"tanong ni Lianne, pointing at the guy Ferdie was talking to. Tinignan din naman ni Mae ang tinuturo no Lianne at napangiti nang makita kung sino ito. 

"Yes. I know him."

"How?"

"Because he's Ferdie's friend. Kaso ngayon ko lang s'ya nakita sa personal since he was staying sa States."

"So sino nga s'ya?"

"He's—"

"Mahal, si Benjie nga pala,"pagsingit ni Ferdie sa usapan ng dalawa. "s'ya 'yung kaibigan kong fashion designer sa Amerika."

"Ah, yes, I know him. Hi Benj! I'm Mae."bati ni Mae at nakipagkamay kay Benjie. "And this our friend, Lianne."nadako naman ang tinigin ni Benjie kay Lianne. 

"H-hi. Nice to meet you, L-lianne."nauutal na sabi ng binata nang makita si Lianne. "Hi rin. Lianne Rodriguez, cafe owner."pagpapakilala ng dalaga. 

Ferdie and Benjie stayed at Lianne and Mae's table throughout the party. After the party, they had a few drinks. 

"Benj, pwede mo bang idaan si Lianne sa bahay n'ya—"

"Ferdie! No need! Kaya ko nang sumakay ng cab, malapit lang naman 'yung bahay ko."

"Lianne, sorry talaga. Kung hindi lang talaga flat 'yung gulong ko."paghingi ng paumanhin ni Mae. 

"Sige, idadaan ko nalang si Lianne, along the way rin naman 'yung bahay n'ya."nakangiting sagot ni Benjie. "Ayun! Sige, Brad, thank you ha? Ikaw na bahala d'yan sa kaibigan namin."

Nakaupo si Lianne sa passenger seat habang si Benjie, malamang, ang nagda-drive. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?"tanong ni Benjie habang ang tingin n'ya ay nakatutok pa rin sa daan. 

"Nope. Have we met before?"

"Not actually meet. Pero kilala kita, to be honest…"Benjie paused for a second. "Ako 'yung secret admirer mo back in high school." 

"Ikaw 'yun? OMG! How could I not know?"

"Siguro kasi alam ng lahat na bakla ako. And I was the person you would least expect to have a crush on the famous Lianne Rodriguez." 

"I never said this to you, so thank you! Sobra mo akong napangiti nung high school."kitang-kita naman ni Benjie ang kinang ng mata ni Lianne habang sinasabi ng huli iyon. 

"Alam mo, crush pa rin kita hanggang ngayon,"

"Ha?"

Umiling si Benjie habang natatawa at hindi na sinagot ang dalaga. 


Pag-uwi ni Lianne sa kaniyang bahay ay agad n'yang tinext si Mae. 

"Can you give me Benjie's number? I want to be friends with him."

And with that, they both slept with kilig smiles. 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 24, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Pahimakas | ViceRylleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora