Bitter 1:being bitter is better

12 0 0
                                    


Bitter 1.

"Yaya!"

"Yes po mam candy,ano pong kailangan nyo"
Nag mamadaling lumapit saakin si Amanda .Ang katulong namin dito sa mansyon.Halata sakanya na kinakabahan sya.Good!dapat lang na matakot sya,dahil may ginawa syang kapalpakan na ikinainis ko.

"Hindi nyo ba alam na ayoko ng mga pagkain na yan!"Turo ko sa mga putaheng nakahain "Goodness!yaya!ang tagal nyo ng handito tapos hindi mo pa alam ang mga putaheng gusto ko!"
Galit na sermon ko.

"P-pero mam,masasarap naman ho ang putahe-

"I SAID NO!"
Napa tikom at napayuko ito.

"Ayoko ng mga yan!masyadong matatamis,at nakaka umay,kung para sainyo masarap yan di kainin nyo,"

"What's happening?"napunta ang atensyon namin sa panget Kong kuya na kakadating palang galing school.

"Candy?"Baling nya saakin.I rolled my eyes.

"Ayoko ng mga pagkain nayan!"

"E'masasarap naman,tsaka recipe kaya to ni mama,kalimutan mo naba,paborito mo nga tong brownies"

Kadiri dati yun pero ngayun hindi na.

"Nag bago na ang panlasa ko ngayun,I hate sweets food,magpakabusog kayo!"
Nagmamadali akong umakyat patungong kwarto at pumunta sa cabinet saka nag bihis.

Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin suot ang kulay itim na dress.

I love color black.

"Ang ganda ko sobra"

Yup.Proud ako sa sarili ko.
And no one can stop me.

Kinuha ko na yung black channel bag ko at bumaba na.

"O,saan ang lamay?"
What the heck!Ang ganda ganda ng suot ko tapos magtatanong sya kung saan ang lamay!

"Joke bayun?hindi kasi nakakatawa"
Pagtataray ko.

"Lil sis,bat kasi itim na itim ka?e dati hate mo ang Kulay nayan"
Oh please!DATI YUN!
pero ngayun hindi na.

"Ano bang pake mo?lahat ng tao nag babago,"Then I rolled my eyes tapos rumampa na ako paalis .

Madali rin akong naihatid ni manong ester dito sa mall.naramdaman ko ang pah  aalburoto ng tyan ko Kaya sa malapit na coffee shop nalang ako dumeretso.

Nag order ako ng isang large coffee yung pinaka mapait na lasa ang kinuha ko.Sabi ko nga diba I HATE SWEETS .

"Mam isa lang po ba?"
Paki ulit nga ng tanong nya?

"Bakit may kasama ba ako?"
Umiling iling ito .Wala naman pala tatanong pa.

"Pakibilisan nyo nalang kaya,"
Ng makuha ko na yung order ko nag hanap na ako ng mauupuan .

Nag hanap ako ng pwedeng basahin .
Halos tungkol sa lintek na "love"
Wala na bang ibang magazine dito?

Nasa kalagitnaan ako ng pag papahinga ng biglang nag sitilian ang mga tao dito.

Napatingin ako sa lalakeng naka luhod at hawak hawak nito ang kamay ng babaeng kasama nya.
Sa kaliwang kamay nito ay may hawak hawak na isang lalagyan ng singsing.seriously dito sya mag po-propose ?

I lost my appetite .
Binagsak ko ang cup ng kape at lumabas na.

Bago ako tuluyang umalis ,humarap ulit ako sa magkasintahang yun.

"Walang forever"
Bulong ko.

Lumayas na nga ako .

I'm candy Cruz
"Being bitter is better
Keysa maniwala sa forever
Na wala namang katotohanan
Ever"






Ms bitterWhere stories live. Discover now