"Oh? Kailan mo ba balak ligawan ang anak ko?" Ang pambungad na tanong kaagad sa kanya ng Mommy ni Aria.
Napalunok na lamang ng laway si Jae dahil hindi niya alam ang isasagot sa tanong ng Ginang.
"Jae, naman! Libreng libre ang anak ko. Wala ka bang konting pagtingin man lang kay Aria?"
Napakamot siya sa ulo. "Aling Janice, maganda naman ho ang anak niyo. Kaya lang, hindi ho ako papasa sa standards ni Aria dahil sa mga oppa niya," Paliwanag niya.
"Hindi ba't "oppa" ka rin naman?" Hindi lingid sa kaalaman nito na may halo siyang dugong Koryano.
"Hindi naman ho ako legit. Hindi nga po ako marunong magbasa ng Hangul," Tukoy niya sa alphabet writing system ng Korean.
Magsasalita pa sana ang Ginang nang sumulpot bigla si Aria sa salas.
Nabaghan naman ang Mommy nito sa hitsura ng unica hija niya. "Anak, naghilamos ka na ba?"
"Siyempre naman, Mommy. Anong akala mo sa'kin? Walang hygiene?" Napasimangot na wika niya sa Ina.
"Kasi naman, anak. 'Yung mukha mo nagmamantika!"
"Mainit kasi, Mommy," Sagot niya at tumingin sa dako ni Jae. "Oh, anong atin? Naka-iskor ka ba ng complimentary tickets ni Lee Seung Gi?" Pagkabanggit sa pangalan ng aktor ay hindi niya mapigilang kiligin.
YOU ARE READING
Saranghae Oppa! (My Heart Is Pounding!)
RomanceSi Aria - isang dakilang fangirl ng Korean Drama. Wala na yata siyang social life dahil nagkasya na lamang siyang manood ng KDrama buong magdamag kapag walang trabaho. Least priority niya ang humanap ng boyfriend na kinababahala naman ng Mommy niya...