Chapter 5

4 0 0
                                    

Halos takpan ko ang aking tainga dahil sa ingay na sumalubong sa'kin. Sampung beses yata ang idinoble ng ingay ng mga kaklase ko. Sobrang nakaririndi. Para silang mga bubuyog. Bahagya nga silang tumigil nang pumasok ako sa pintuan ngunit kaagad rin silang bumalik sa kani-kanilang usapan.

Dumiretso sa'king upuan na parang isang patay. Walang gana kong tiningnan si Luke na nakapangalumbaba't nakatingin sa'kin. Nakakairita.

"Si Ms. Amalia..."

Biglang nabuhay ang kalooban ko sa panimula niya. Ang babaeng 'yon! Tiyak kong marami siyang nalalaman!

"Nasaan siya?" Sabay tayo ko. Naagaw tuloy no'n ang atensyon ng mga langaw kong kaklase.

Ngumuso si Luke ng parang isang babae.

"Nag-resign na siya. Nabawasan tuloy ang maganda rito sa school."

"Bakit daw?"

Mas lalong lumakas ang haka-haka ko. May tinatakasan kaya siya rito sa School?

Nagkibit balikat si Luke at mukhang nalulungkot talaga siya. Hindi pwedeng umalis ng bastabasta ang babaeng 'yon!

"Hindi mo ba sasagutin 'yang tumatawag?"

Natauhan ako nang iritadong itinuro ni Luke ang bulsa ng bag ko kung saan naroon ang cellphone ko. Kanina pa siguro itong nagriring pero hindi ko man lang napapansin. Humalo na yata sa ingay ng mga kaklase ko.

"Hello Keegan! bakit ba ayaw mo kaagad sagutin!"

Nagtaka pa ako dahil hindi ganito magsalita ang tita ko. Siguro'y mahalaga talaga ang sasabihin niya.

"Pasensya na tita. Marami lang talaga akong iniisip."

"Jusko Keegan, unahin mo naman ang mama mo!"

"Bakit ano pong nangyari kay Mama?!"

"Basta pumunta ka na rito sa hospital!"

.••••.

"Over fatigue lang ang mama. Sa susunod 'wag mo siyang hayaang malipasan ng gutom ha."

Huling paalala sa'kin ng Doctor. Ang sabi ni tita, nawalan daw ng malay si Mama habang nagtatrabaho. Hindi naman kase siya sanay. Hindi ganito ang buhay namin nung nasa Australia palang kami. Nung buhay pa si Papa.

Namatay siya dahil sa isang aksidente kung kaya't napilitan kaming umuwi rito sa Pilipinas. Ibinenta na kase namin lahat ng ari-arian namin.

Humalik ako sa noo ni mama at saka tumayo. Mukha namang mahimbing pa ang tulog niya. Bibili muna ako ng pagkain namin.

Habang tinatahak ko ang magulong hallway ng hospital ay hindi ko maiwasang mapaisip. Andaming taong hinihila ni kamatayan. Ang daming tao na araw-araw lumalaban. Paulit-ulit. Walang tigil.

Natatakot ako na baka isang araw ay surpresahin ako ni kamatayan, may dalang sako at handa akong isilid doon gamit ang kanyang palakol.

Hindi ako takot mamatay. Takot akong mang-iwan.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

Si Ms. Amalia! kasama si Faith.... si Betina...

Tikom ang bibig ko. Bumagal ang pagkilos ng lahat. Maging ang mga iniisip ko'y unti-unting naglaho sa kadiliman. Wala akong maisip kahit anong pilit ko.

Tinitigan ko siya. Walang ngiti sa kanyang mga labi. Seryoso ang kanyang mukha. Mukhang nakabuntot lamang kay Amalia. Tila naliligaw na parang isang bata.

"Excuse me? May matanda bang Merlinda Desiderio ang pangalan ang isinugod dito?" Dinig kong tanong ni Amalia sa isang nurse. Ngunit nanatili ang titig ko sa nag-aalalang mukha ni Fait---Betina! Hindi parin ako sanay.

Station FourWhere stories live. Discover now