Chapter - 7 Flashback

270 10 0
                                    

Calvin's POV

Inilibot ni Stacy ang mata niya sa buong classroom. At nakita niya na nakatingin sa kanila lahat, kaya mas tumapang ang muka niya. Hahawakan sana niya ang braso ni kitty ko. Para hilahin, pero bago pa niya mahawakan tumakbo ako at ako na mismo ang humawak sa kamay niya

"What do you want for her?" Asar na tanong ko sa kanya

"C-calvin, hi! Nakita din kita sa personal!" Sabi niya kaya ang ginawa ko itinulak ko siya. At hinila si kitty ko palabas ng room

Habang palabas kami ng room nagpupumiglas pa siya. Pero buti nalang mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. At dinala ako ng mga paa ko sa rooftop ng school. At ng makarating kami sa rooftop ako na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya. At bago pa siya makatakbo paalis ng rooftop sumigaw ako

"Ang sarap ng hangin dito no!" Sabi ko habang nakapikit at nakabuka ang mga kamay na para bang may yayakapin. At umikot ako para harapin siya seryoso siyang nakatingin sakin

At parehas kaming nakatayo ngayon at ilang distansiya lang ang layo namin. Feeling ko huminto ang oras ng tumingin ako sa mga mata niya. Ang tagal ko tong hinintay, ngayong  nasakin na hindi kona papakawalan pa

May ilang minuto kami na nakatayo sa pwusto na yun, kaya siguro siya napahinto kase naalala niya ng mga bata pa kami

*Flashback*

"Hoy, mokong san ka pupunta?" Sigaw sakin na tanong ng pagong na to

"Basta!"

"San nga?" Sabi niya at narinig ko na tumakbo siya papalapit sakin. Hinawakan niya ako sa balikat

"San nga?" Sigaw niya

"Dun!" Sabay turo ako. Ng tumingin siya nakita niya ang isang batis. Andito kami ngayon sa farm nila mami, dito kami laging naglalaro

"WOW! Ang ganda mokong" Sabi niya at nagdahan dahan bumaba para makapunta sa batis

"See! Ayaw mo pang sumama sakin dito" Sabi ko at inalalayan siya. Para makababa

"Hindi ko naman kase alam na dito ang punta mo, eh!" Nakanguso niyang sabi. At sabay ngiti

"Sabihin mo natatakot ka lang kase madilim!" Sumbat ko sa kanya

"Naku, hindi, ah!" Depends niya sa sarili niya

"Naku, may fears of the dark ka kaya!" Sabi ko. At ng makababa na kami umupo muna kami sa malaking bato

"Wala kaya"

"Naku, don't me, pagong"

"Ikaw mokong ka, ah!" Sabi niya sabay turo sakin

"Ano? Gwapo!" Sabi ko. Sabay taas baba ng kilay

"Eww! Yuck! Kadiri! Grabe nakakasuka!" Sabi niya at para bang diring diri

"Puta. Kadaming sinabi!" Asar kong sabi

"Pikon ka lang kase!" Pangaasar pa niya

"Ikaw nga, mabagal kumilos" Sabi ko

"Pikon"

"Pagong"

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now