Chapter 39: Art of Stalking

14K 546 38
                                    


Nanginginig ako habang paulit ulit na hinihimas ang mga braso ko sa lamig.

Mag-aalas otso na ng gabi at nakaupo ako sa swing sa playground ng park. Nag-ayos ako bilang si Eliza. I'm going to meet Ichabod tonight.

Tinawagan ko siya kanina para sa plano ko. We're ML buddies kaya medyo close na kami kahit hindi siya masyadong nagsasalita. We exchanged numbers nung naglalaro kami. Pinili ko si Ichabod since wala na akong ibang mahihingan ng tulong tungkol dito, isa pa kabarkada niya naman sina Yohann. I have Cole's number pero magkamatayan muna bago ko siya tatawagan, besides I got his number through the real me, baka tawagin lang akong stalker nun pagnalaman niyang may number siya sa akin.

Muli naman akong napatingin sa relo ko.

Ba't ba ang tagal ng taong iyon? Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa kalagitnaan ng parke sa dis oras ng gabi at unti unti nang nauubos ang pasensya ko.

San na ba ang lalaking iyon?

I was just about to stand up and leave nang may kumalabit sa akin mula sa likod.

"It's about time you ca---" natigilan ako.

Inadjust ko ang aking salamin at baka nanlabo lang iyong paningin ko at nagkamali lang nang kita. Baka sakaling magbago iyong mukha.

Instead of Ichabod, I saw the most irritating homo sapiens I have ever seen.

"What are you doing here, King?" I said with a straight face.

"Pinapunta ako ni Ichabod. May iba pa raw siyang pupuntahan ngayon." Tipid niyang sabi habang nakapamulsa.

Nakasuot siya ng plain dark blue shirt na pinatungan ng black maong na jacket tsaka dark jeans.

"What are you planning, asking a guy to meet with you in the middle of the night." Tinignan niya ako na para bang naghuhusga na.

"Anong tingin mo sa akin, malandi? Kung ano mang iniisip mo, itigil mo na. Tinawagan ko siya para magpatulong sa plano ko. Hindi ba sinabi sa iyo ni Ichabod ang tungkol dito?"  I mentally slapped my self, nagmumukha akong defensive sa sagot ko.

"He did." Tipid niyang sabi.

"Ba't ka naman pumayag? I just asked for Ichabod, you didn't have to come."

Mas mabuti sana kung si Ichabod lang yung pumunta para tahimik yung mundo.

Nandilim iyong mukha niya.

"Why did you ask for his help?" Balik niya ng tanong sa akin.

Napatiklop naman ako ng braso.

"I asked first didn't I?"

"I came because it involved my friend.  At sa natatandaan ko, maliban sa madalas kayong magkatabi sa klase hindi kayo kaano-ano pero bakit mo siya tutulungan?"

Hinawakan niya ako sa balikat at mas lumapit sa akin.

"What are you plotting inside that mind of yours?"

Hinawakan ko siya sa dibdib at itinulak palayo. Ghad, gaano ba kalala ang tingin nito sa akin?

"Look, may utang na loob ako kay Yohann, and this is my way of getting back at him. And if you really treasure him as your friend you'd help me help him, got it?"

Napatiklop naman siya ng mga braso niya sa kanyang dibdib.

"And why do I need to go with your plan?" tanong niya.

Ghad, I really wish it was Ichabod, that jerk, sinabi na lang sana niyang di niya kaya di yung iba yung pinasisipot.

"Because, unlike someone, I have a pretty good and decent plan."

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now