🌹Chapter 4🌹

2.3K 57 10
                                    

Marcuz's POV:

Marcuz's POV:

Pag-uwi ko ng bahay galing sa opisina, medyo napagod ako dahil sa daming mga paperworks kanina, liban do'n, nakiusap si Cedi na samahan ko siyang magtungo sa mall at tulungang mamili ng pang regalo sa nalalapit na birthday ng pamangkin nito, kaya eto medyo napagod ako.

Pagdating ko sa gate ng aming bahay hindi ko na ito binocinahan pa dahil may dala naman akong susi.

Maliit lang ang bahay ko, oo may negosyo ako, ako ang CEO at majority shareholder ng MMW Clothing Company, Inc. dito sa Pilipinas. Ngunit, mas pinili kong sakto lang ang bahay para sana sa buuhin kong pamilya, pero kami na lang dalawa ng anak ko. Anyway ayaw ko ng pag-usapan pa ang nakaraan.

Kumuha na lang ako ng yaya sa anak ko para may magbabantay sa kanya pag nasa trabaho ako, nasa State kasi ang mga magulang ko at ayaw ko namang malayo sa akin ang aking anak kaya mas pinili ko na lang na kumuha ng yaya para sa kanya.

"Yaya si Martin?" tawag ko kay Yaya Martha nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Tulog na po sir," tanging tugon nito. Tumango lang ako at kaagad na tinahak ang hagdan paakyat sa aking silid.

"Ipaghanda ko po ba kayo ng hapunan sir?" tawag sa'kin ni yaya Martha habang nasa kalagitnaan ako ng pag-akyat sa hagdan, huminto ako saglit at nilingon ang matanda sa kinaroroonan nito.

"Hindi na po yaya, kumain na ako kanina sa mall," hayag ko at tinuloy na ang pag-akyat.

Bago ako tumuloy sa aking silid, dinaanan ko muna ang silid ng anak ko upang tingnan siya, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumapit sa anak kong nasa mahimbing na pagkatulog, naaninag ko ang mukha ng aking anak dahil sa ilaw ng lamp shade sa loob ng kanyang silid, umupo ako sa ibabaw ng kanyang kama at pinag masdan ito, hinaplos ko ng marahan ang kanyang buhok upang hindi ito magising at hinalikan sa noo, tinitigan ko lang ang anak ko, nakita ko sa kanya ang pigura ng kanyang ina mula sa ilong, mata at mga labi kopyang-kopya niya, at dahil do'n napabuntong-hininga na lang ako.

"Pasensya ka na anak at hindi ko maibigay sayo ang isang buong pamilya," marahan kong wika at patuloy na hinagod ng marahan ang kanyang buhok.

Ilang minuto rin ang pamamalagi ko sa loob ng kanyang silid bago ako lumabas.

Bago ako tuluyang lumabas, muli kong hinalikan ang kanyang noo, tapos ay dahan-dahang tumalikod sa kanya.

Nang makalabas ako mula sa silid ng aking anak, mabilis ko namang tinungo ang aking silid, inilapag ko ang dala kong bag sa side table ng aking kama at hinubad ang suot kung long sleeved, kasunod ay ang aking sapatos at pantalon at kaagad na tinungo ang banyo upang maligo.

Matapos maligo, nag bihis agad ako ng kulay puting boxer brief tsaka sando, dahil hindi pa ako inantok, kinuha ko ang aking laptop sa bag at dinala sa terrace nitong aking silid.

Seducing the Businessman (Book I) (Completed)Where stories live. Discover now