Dear Gago (One Shot Story)

16 0 0
                                    

Simple lang naman yung buhay ko eh. Namumuhay ng masaya, paminsan minsan syempre nalulungkot rin ako. May mga pagkakataong nagiging sentimental ako, kung anong kaemo-han yung pinaggagagawa ko sa buhay ko. Minsan nga nagiging clown narin ako para mapatawa mga kaibigan ko. Pero nagulo yun simula nung dumating ka.

Matagal na naman kitang kilala eh, ganun ka rin sakin. Ang kaso nga lang, hindi tayo close, hindi rin tayo nag uusap. Simpleng tanguan lang ang ginagawa natin kapag nagkakasalubong tayo. Panong di ba naman tayo magkakasalubong eh sa iisang subdivision lang tayo nakatira.

Simula nung okasyon na yun, nagbago ang lahat. Akalain mo yun, naging close tayo in just a short period of time. Nakakagulat kasi di ko ineexpect na ganun ka pala, pero natuwa naman ako. Di ko naman plinanong makausap kita nun, sumakto lang yung sitwasyon nung panahon na yun kaya tayo nagkausap.

Halos puro tawa ang pinaggagagawa ko nun dahil kang tigil sa pagpapatawa nun. Nakakatuwa rin yung mga pinapakita mo sakin. Tapos naalala mo ba nung bigla tayong nagseryoso dahil nag aadvice ka na sakin? Ang galing diba. From laughing mode, naging serious mode ka na.

Di rin nagtagal ay nagsiuwian na kayo, naiwan ako dito sa bahay. Medyo may tama na ako pero nagawa ko pa ding magbukas ng Facebook, at tignan mo nga naman oh, may friend request mo kagad. Tutal naman magkakilala na tayo, inaccept ko kagad tapos nagpm ka kagad.

Kakakausap lang natin sa personal pero nag usap pa din tayo ng matagal sa chat. Kinailangan kong magbbye dahil may pupuntahan pa ako kinabukasan. At simula sa chat na yun, nagbago ka.

Anong pagbabago tinutukoy ko? Naging sweet ka sakin. Di ko malaman kung bakit. Assuming na kung assuming pero kung sa iba mo ipapabasa yung usapan natin, iba din ang iiisipin nila. Hindi lang dun nagtatatapos dun, hiningi mo pa ang number ko. At sino ba naman ako para tumanggi? Tutal magkaibigan naman tayo kaya binigay ko na .

Kinabukasan naman nun, nagsimula ka nang magtext sakin, mas nadagdagan pagiging sweet mo. Alam mo bang dudang duda ako sayo? Kasi naman anak naman ng tipaklong! Kakaclose palang natin tapos ganun ka na agad kasweet? Habang tumatagal mas nagigung sweet ka.

Naalala mo ba nung sinabing mong gusto mo akong alagaan? Nung sinabi mong hindi mo na alam yung nararamdaman mo para sakin? Alam mo natuwa ako nun. Nung time na yun nalang kasi ako nakaramdam na maging priority o kahit pansin man lang galing sa iba.

Inabot pa yunh kasweetan mo ng ilang araw, habang tumatagal nasasanay ako na magkausap tayo. Biglang isang araw hindi ka na nagtext, hindi ka na nagpm sakin sa facebook, hindi ka na nagparamdam. Nagtataka ako kung bakit? May nasabi ba ako? May nagawa ba ako?

Kaya naman pala nawala ka bigla ay dahil may girlfriend ka pala. Ang tanga ko diba? Inis na inis ako sa sarili ko! Muntik na eh! Muntik na akong mafall! Ang galing mo eh. Tangina ang sakit lang kasi naloko na naman ako :(

Alam mo nakakagago sa lahat? Pinagmukha mo akong tanga! Para mo akong ginawang "mistress" ! Ang kapal ng mukha mi para gawin sakin yun. Tapos ngayon mababasa ko mga post mo sa fb kung gaano mo kamahal GF mo? Aba tangina mo pala! Hindi lang ako ang niloko mo pati narin siya!

Habang tinatype ko to, sana maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko. Yung sakit na maloko, na magmukhang tanga! Sana magbago ka na.

*THE END *

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Gago,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon