Chapter 2

104K 3.1K 831
                                    

CHAPTER 2

"IHATID MO na lang siya sa opisina ni Boss C for her interview. Tamang-tama na nandito si boss para kaagad ng makapag-umpisa ang kaibigan mo sa trabaho kung sakaling makapasa siya." Narinig kong sabi ng manager sa kaibigan kong si Juvy.

Nandito ako sa waiting area ng C'Club at kasalukuyang hinihintay ang kaibigan ko.

"Yes po, manager. Thank you." Sabi ng kaibigan ko at lumapit sa akin.

Kaagad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at hinarap ang matalik kong kaibigan.

"Tutal nandito na rin naman si Boss Pogi, mas mainam na magpa-interview ka na. Minsan lang kasing mahagilap si Boss Pogi 'yon kasi minsan lang napapapasyal dito sa club niya. Palibhasa busy sa girlfriend niya." Anito at hinawakan ako sa kamay.

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Gusto mo talagang magtrabaho dito? I'm not forcing you to do this, Ny. Isipin mo pa rin ang mararamdaman mo lalo pa't ma-e-exposed ka sa mga kalalakihan dito. Mailap ka pa naman sa kanila. Alam nating lahat na halos lalaki ang mga customers sa loob ng club." Anito, nag-aalala.

Tumango ako. Buo na talaga ang desisyon ko.

"Para kay Claude." Sambit ko.

Napabuntong-hininga ito.

"Sige. Don't worry, hindi naman kita papabayaan dito. Mabait naman 'yong magiging boss mo. Malaki pang magpasahod." Anito at hinila ako.

"Ihahatid na kita sa opisina ni boss. For sure sinabi na ng manager na may interview siya ngayong gabi kaya hinihintay ka na no'n. Hindi na siya naghahanap ng resume kapag alam niyang kakilala ng mga empleyado niya 'yong ipapasok dito kaya diretso interview na siya." Sambit nito habang hila-hila ako.

Tumigil kami sa harap ng isang pinto.

"H-Hindi ba nakakatakot ang boss mo?" Alanganing tanong ko.

"Harmless 'yon pero mukhang matinik sa kama." Anito at humagikhik.

Tinignan ko ito ng masama na ikinatawa nito.

"Huwag kang matakot, mabait si boss. Pasok ka na. Dito lang ako sa labas, babantayan kita para hindi ka matakot." Anito at nginitian ako.

"Thank you, Juv." Usal ko at napangiti na rin kahit medyo nakakaramdam ng kaba.

Kumatok ako sa pinto.

"Come in." Bahagya akong napapitlag nang marinig ang baritonong boses na iyon mula sa loob.

Tinignan ko muna si Juvy. Nginitian ako nito at inginuso ang pinto, inuutusan ako na buksan na ang pinto para pumasok.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob at binuksan iyon.

Nang makapasok ay nakita ko ang bulto ng isang matangkad na lalaking nakatalikod sa akin. Kahit nakatalikod ay halata ang magandang pangangatawan nito. At napapaisip ako kung gaano ba ito kaguwapo dahil mukhang guwapong-guwapo ang kaibigan kong si Juvy dito.

"Yes, I'll be there tomorrow, hon. I miss you." Sabi nito habang hawak-hawak ang cellphone na nasa tenga nito.

Ang isang kamay nito ay may hawak na wine glass.

"Okay. Bye for now. May aasikasuhin lang ako. Yes, I know." He chuckled. "I love you, hon." Napakalambing ng boses nito.

Binaba nito ang hawak na cellphone at ibinulsa. Pumihit ito paharap sa akin.

"I'm sorry. Mukhang pinaghintay kita ng mataga-" Natigil ito sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin.

Parang tumigil naman sa pagtibok ang puso ko nang mapagmasdan ko ang kabuuan ng mukha nito. Napakatangos ng ilong nito. Makakapal ang mga kilay na bumagay lang sa guwapong mukha nito. Ang mga mga nito ay itim na itim at ang labi ay medyo mamula-mula.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now