Seben

9 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga panahon.

Kamusta ka na? Ang tagal na rin simula ng umalis ka. Mag si-siyam na taon na, wala ka pa rin. Minsan nga iniisip ko kung babalik ka pa ba o hindi na, pero nangako ka sa'kin na babalik ka diba? Kaya eto, nag-hihintay pa rin ako.

Pumasok na ako sa opisina ng ikaw pa rin ang iniisip. Sabi nga nila, first love never dies, kaya ikaw, hindi ka pa rin mamatay-matay sa puso at isip ko, ako nga itong patay na patay pa rin sa'yo eh. Grabe tumanda lang ako, kumorni na.

Nalulungkot ako sa buhay ko ngayon. Wala na kasi akong pamilya. Wala na si nanay. Namatay siya noong grumaduate na ako ng college. Matagal na ring patay ang tatay ko, grade 5 pa lang ako wala na siya. Wala rin naman akong kapatid. Wala na akong mga kamag-anak, tapos wala ka pa.





Tinapos ko na lang ang trabaho ko at nag-half day na lang dahil medyo masama ang pakiramdam ko.

Hindi kasi ako nakaka-tulog at nakaka-kain ng maayos dahil sa kaiisip sa'yo. Nawawalan na kasi ako ng pag-asa. Wala naman kasi tayong naging komunikasyon simula ng umalis ka. Hindi kasi uso sa'yo ang facebook, hindi ko naman alam kung may e-mail ka, hanap na ako ng hanap ng pangalan mo, wala namang lumalabas.

Kailan ka ba dadating? Na-mi miss na kita. Minsan naiiyak na lang ako dahil ang lungkot ng buhay ko. Wala naman kasi akong mga kaibigan kahit isa lang. Feeling ko tuloy, pinag-kaitan ako. Matalino nga ako, hindi naman ako pina-pasaya ng talino ko.

Kung sana nandyan ka, eh wala ka naman dyan kaya magti-tiis na muna ako.

Alam mo ba na mahal na mahal pa rin kita?

Hindi mo alam? Kasi wala ka naman dito.

Pero kahit ilang dekada ka pang hindi mag-pakita, mag-hihintay pa rin ako. Ang tanga ko noh?

Pero para sa'yo, gagawin ko ang lahat, kahit mag-paka-tanga pa.

Para Sa'yoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن