~Prologue~

11 1 0
                                    

Connor's POV~

It's been almost a month since that thing happened. Ang lahat ay tila ba nawasak ng biglaan. Sobrang sakit na ng buong katawan ko. Nakapasakit na rin ng mga mata ko. Higit sa lahat, sobrang bigat at sakit ng dibdib ko.

Nakaupo ako ngayon sa dating higaan ng aking kaibigan, nakatingala sa kisame na may makukulay na disenyo na binuo mismo ng napakamalikhain niyang mga kamay.

"Katllen......" Bigla ko nalang napasabi ng mahina na tila ba ako lang ang nakarinig. Siyang tunay, ako lang naman kasi ang nasa loob ng kwarto nya ngayon.

Mayamaya pa ay tumayo narin ako at lumakad patungo sa kanyang mesa na may nakapatong na kulay pulang kahon sa ibabaw. Binuksan ko ito at sa aking pagkabigla, nakita ko ang mga lumang liham na ibinigay namin sa kanya nina Ellis, Azmaria, Pola, Clynt at iba pa, kasama ang mga lahat ng litrato naming magkakaibigan.

Isa-isa, tiningnan ko ang mga ito at hindi ko mapigilang mapangiti habang tumutulo ang aking mga luha. Wala nang hiya-hiya! Wala akong pakealam kahit na ano pa man ang sabihin nila!
Oo, lalaki ako. Tipo ng tao na mukhang hinding-hindi umiyak. Pero yun ang akala nila, umiiyak ako, pero sa harap lang ng iisang tao. Sa harap lang ng pinakamamahal kong kaibigan. Sa harap lang ng nag-iisang Katllen na minsan ay patago kong na-ibigan.

'Di rin nagtagal, nang matapos kong tingnan ang mga larawan, ibabalik ko na sana ang mga ito sa loob ng kahon ngunit may isang bagay na pumukaw ng aking atensyon.

Isang liham? Ulit? Ngunit kumpara sa mga liham na naroon ay mukha itong bago! Hindi naman sa pagiging paki-alamero pero tila ba may nagsasabi sa akin na kunin ito at buksan kung kaya naman sinunod ko na lamang ang sa tingin ko ay mainam gawin.

'Pagkakuha ay ibinaba ko muna ang aking mga hawak at kinuha ang isang sobre na kulay rosas at may nakadikit na kulay asul na ulap sa gitna bilang pansara.

Naglakad ako pabalik sa kanyang higaan at muling naupo habang naka-titig sa naka saradong liham. Tiningnan ko muna ang likurang bahagi at napatawa ng kaunti "To: Connor, huh? Para sa'kin naman pala 'to eh!" Mayamaya pa ay binuksan ko na ang liham at hinila palabas ang sulat na nasa loob.

Binabasa ko ang bawat salitang naroon. Natatawa ako sa mga pangungusap na nababasa ko ngayon! 'O, Katllen, kahit sa sulat talaga hinding-hindi ka pumapalpak na mapangiti ako! Isa sa mga bagay na gustong-gusto ko sayo!'

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at sa kalaginaan, bigla nalang parang nagsikip ang dibdib ko.

'Bakit?.... Bakit?!....... Bakit sobrang sakit habang binabasa ko 'to?!' Sigaw ko sa loob ko habang nanginginig ang akong mga braso, hawak-hawak ang papel na naglalaman ng sulat ni Katllen para sa'kin. Bigla nalang muling bumuhos ang aking mga luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.

Huli na... Huli na nang malaman ko ito... Huli na bigla akong nag-sisi. Huli na ang lahat bago ko pa man mapagtanto na sa loob ng napakahabang panahon, may isang sikretong kahit kailan ay hindi ko manlang nalaman

"Katllen... Bakit 'di mo sinabi?!" Sinabi ko sa wala ngunit sa aking sarili.

_(:з」∠)_
~End of Prologue~

Untold Secrets
by EleanorRigbyFlores

Kamusta! Awtor nga pala!
So, ayun na nga 'no?
Sana oks lang sa inyo ang mala-basurang gawa na to.
Ganun pa man, kung nagustuhan or magugustuhan niyo to, sana suportahan nyo ako. May mga panahon kasing 'di ko maiiwasang makaranas ng tinatawag nating "Author's Block"
Na sobrang sakit sa ulo ng kagit na sinong awtor, sikat man o hindi.

Asyst! Tama na nga ang sarili kong drama! Pero... Advance 'Thank You' na kasi at least binasa nyo to.

-EleanorRigbyFlores ^ω^

Untold SecretsWhere stories live. Discover now