.I.S.A.

12 1 0
                                    

Third Person's POV

"Connor?! Connor! Connor where are you?!" Sigaw ng isang batang may maikli at pulang buhok na may natural na kulay blonde ang dulo. Si Katllen. Sa gitna ng isang senaryo na tila ba siya ay nasa gitna ng madilim na gubat.

Siya ay kasalukuyang nasa isang set, umaarte para sa isang teleserye na pinagdududahan nina Alice, Azmaria, Blake, Clynt, Connor, Dylan, Ellis, Gabe, at Pola. Ang Plant 77 ng The Promised Neverland. Kwento ng mga kabataang tumakas sa kanilang tahanan na inakala niya ay isang mapayapang bahay-ampunan lamang ngunit dahil sa mga nadiskubre nilang mga kahindik-hindik na mga sikreto nito, nagpasya silang tumakas palabas dito.

Sa ngayon, ang kinukuhanan na ng set ay isang senaryo na makikitang may isa pang batang lalaki ang tumatakbo palayo sa isang demonyo na nagsisilbing kalaban nila sa istorya. Ang batang lalaki ay may puting buhok na tila ba ito'y nyebe. Siya si Connor.

Nagpatuloy ang shooting hanggang sa oras na upang mamahinga ang mga kabataang gumaganap sa iba't ibang role.

Uwian na, makikita nating magkasabay na lumabas sina Katllen at Connor mula sa gusali, magkausap, nakangiti at nagtatawanan sa mga bagay-bagay na nasa kanilang isipan.

Katllen's POV

Hay sa wakas! Natapos din ang shooting! Akalain mo yun? Nakakapag-salita parin ako kahit sobrang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw sa pangalan ni Conny kanina sa set? *giggles* Pero worth it naman! Nagustohan naman ng direktor!

Sa ngayon, heto kaming dalawa, sabay na naglalakad pauwi. Hay nako, si Kuya Aki kase 'di ako sinundo! Siguro busy sa school..... "Uyy! Siya nga pala, Connor!" Sabi ko sabay patong ng kaliwang siko ko sa kanyang kanang balikat, nakangisi na tila ba nang-aasar sa kanya. "Napapadalas yata ang pagsulyap-sulyap mo kanina kay Az~?" Natawa ako nung makita kong nag-iba ang ekspresyon ng nukha niya mula sa kadalasang naka-tawa niyang mukha hanggang sa namumula na siya at hindi makapagsalita.

Maya-maya pa ay marahan niya tinulak palayo ang aking mukha gamit ang kanyang kamay sabay sabing "Manahimik ka nga! Puro ka kalokohan!" "Gusto mo naman~!" "Nako, Katllen, lumubay ka't 'di naman totoo!" "Ayy sus! Sabi mo eh~" Tinanggi nya ang nasa-isipan ko 'pagkat alam ko na alam niya kung paano tumakbo ang isip ko. Pero halata naman kasi! Gusto niya si Azmaria!

Connor's POV

Hay nako! Itong si Katllen talaga o! Mabuti at walang gaanong tao ang nasa kalsada ngayon, kun'di ay issue nanaman 'to. Habang naglalakad, naalala kong may gustong ibigay si Ellis para kay Kat. Nahihiya daw siya kaya ako nalang daw ang mag-abot sa kanya. Saglit akong huminto sa paglalakad sabay kuha ng bag ko mula sa likod. Naramdaman kong huminto rin sa paglalakad si Katllen na noo'y mas nanuuna lang sa'kin ng isang hakbang. "Bakit?" Narinig kong tanong nya. "Kase-----" kinuha ko ang isang magarang paperbag mula sa loob at iniabot sa kanya "Galing kay Pinky" Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat at sinabi niya "Ha? Kay Ellis? Ba't daw? 'Di ko pa naman birthday ah!" Natawa nalang ako sabay kibit-balikat "Kunin mo na, nakaka-ngawit kaya!" Sabi ko na may halong pagkainis sa 'di malamang dahilan. Napansin kong medyo napa-ngiwi si Katllen, malamang dahil sa paraan ko ng pagkakasabi sa kanya. Sorry naman! 'Di rin nagtagal, kinuha nadin niya ito at bumuntong-hininga. "Salamat..... Pakisabi nalang sa kanya bukas..." Sabi nya habang hawak-hawak ang paperbag at nagumpisa na siyang lumakad muli.

Bakit gano'n? Parang biglang nag-iba ang mood niya?

Well, ano ba'ng magagawa ko? Nagkibit-balikat nalang ako at sumabay sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang parte ng kalsada na naghihiwalay sa aming mga landas. "Pa'no ba yan? See you tomorrow, Katllen!" Nakangiti akong nagpaalam sa kanya ngunit bumabagabag parin sa'kin ang pagiging malungkot ng kanyang mukha. 'Di ako sanay d'yan! Please naman o! "Uy? Okay ka lang?" Tanong ko habang iwinawasiwas ang kamay sa harap ng kanyang mukha, pilit na tinatawag ang atensyon niya.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 15, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Untold SecretsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant