Chapter 6

40 3 3
                                    

***
Chapter 6: Transferee

Windy's POV

Pagpasok ko palang sa room naririnig ko na agad ang mga kaklase kong parang bubuyog kung magsalita. Ano kayang meron? Ngayon lang ata sila nag-ingay ng ganyan, oo, madalas maingay talaga sila pero hindi ganto kaingay.

"Hey girl, narinig mo ba yung balita?" isa sa mga kaklase kong babae. Her name is Hannah. May pagka-girly siya at oa kung magsalita kaya medyo hindi kami close.

"Ano bang meron?" tugon naman ni Amber sa kanya. Madalas sila ang naguusap kahit pa magkaibang-magkaiba sila lalo na sa kapangyarihan nila. Magkababata kasi silang dalawa kahit pa magkaiba sila ng kaharian.

Si Hannah ay nabibilang sa Mermania Kingdom o kaharian kung saan may kakayahang mag-anyong sirena ang mga mamamayang naninirahan doon. Ang Mermania Kingdom ay kabilang sa Water Region. Ang Water Region ay nahahati naman sa dalawa: ang Mermania Kingdom at Oceana Kingdom.

Si Amber naman ay kabilang sa mamamayang naninirahan sa Pyreo Kingdom. Kabilang sa Fire Region ang Pyreo Kingdom at kasama na rin ang Fireus Kingdom. Madalas sa mga naninirahan sa rehiyon na yun ay may mga kakayahang may kaugnayan sa apoy.

Kaya nagkakilala silang dalawa ay dahil narin sa magkaibigan ang mga magulang nila. Madalas bumisita ang mga magulang ni Amber sa kaharian nila Hannah at sinasama narin siya nito.

Ang dami ko nang naki-kwento, masyado na ata akong nahahawa sa pagiging madaldal ng dalawang 'to. Makaupo na nga lang.

"May bagong transfer daw sa school natin. Kyaaaaaah!" kulang nalang takpan ko yung tenga ko para lang di marinig yung boses niyang sobrang talas.

Kahit ang layo ko na sa kanila ay rinig ko parin ang boses niya. Grabe. (-.-)

Kaya ba parang aligaga silang lahat kasi may transferee? Sino naman kaya yun?

"Ah talaga ba?" nababagot na tugon ni Amber. Natatawa nalang ako kasi sadyang ganyan si Amber. Parang walang pakialam sa mundo. Kahit pa sabihin nating magkasundo sila ni Hannah ay mapapansin parin ang pagkakaiba nila.

Napagdesisyunan kong tigilan na ang page-eavesdrop, wala naman akong mapapala eh.

Pagka-upo ko sa silya ko kinalabit agad ako ng katabi ko.

"May ideya ka ba kung sinong lilipat sa section natin?" himala't kinausap ako nito.

"Wala eh, ikaw ba?"

Umiling lang siya tapos hinarap na yung mukha niya sa desk. Hobby niya yan eh, matulog sa room. Hinayaan ko nalang siya dahil wala din naman akong masabi.

Kanina pa kami naghihintay sa guro namin. First time na na-late siya sa klase ah, may nangyari kaya? Nababagot nako kakahintay dito, asan na ba kasi si Ma'am?

Muntik ko nang makalimutan, ako nga pala si Windy Marquez. I'm one of the elementals, hindi sa pagmamayabang. Masaya ako't napabilang ako sa section na 'to kahit pa hindi ako nabibilang sa isang royal family. Iilan lang din naman kasi dito ang dugong bughaw.

Ang section namin ang may pinakamataas na posisyon sa paaralang ito, kaya masasabi kong isang karangalan ang maging elementalist.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet The N.E.R.D. (Slow Update)Where stories live. Discover now