Chapter 8

21.2K 586 20
                                    

"Ano naman ang nangyari sa inyo?" Tanong ni Misha. Isa sa mga schoolmates namin noon ni Vins at alam na alam niyang hindi kami mapag hiwalay non ni Vins.

"Galit siya."

"Saan?"

"Sa 'akin."

"At bakit naman?" Naka kunot ang noo nito. Habang humihigop ng juice.

"Ewan ko, bigla nalang. Simula nong bumalik ako dito ayos naman na kami. Pero unti unti nalang siya nagbabago na parang ewan." I said.

"Sa tingin ko alam ko na."

"A-ano?" Na statuwa ako. Kahit maingay sa bar alam na alam ko at naririnig ko ang sasabihin niya.

"Na hindi na kaibigan ang turing niya sayo, na may something na girl." Pinalo ko siya ng konti sa braso dahil sa sinabi niya.

"Gaga, magkaibigan lang kami."

"Magkaibigan, saan ba pupunta iyan? Di 'ba sa love? Tapos sa pagmamahalan na.. aray naman Ellie."

"May boyfriend ako Misha, at alam mo 'yan."

Napatahimik siya. "Ni hindi nga alam ng jowa mong nandito ka sa bar. Si Vins pa tinawagan mo kanina para mag pa'alam."

"Kasi siya iyong nasa malapit at kahit na anong oras pwedi naman niya ako kunin." Saad ko.

"No Ellie, kailangan pa 'rin na mag paalam ka sa jowa mo. Jowa mo iyon eh. Ano nalang sasabihin niya na hindi ka nagpaalam? Na nag bar ka? Mawawalan na iyan ng tiwala sayo." Parang nang aakusa pa ang hayop.

"Misha.. honestly wala lang akong ganang kausapin siya. Basta naiinis ako.." pag aamin ko.

"Then what's wrong? Alam mo na ang sagot diyan at mukhang nag tatangatangahan ka lang."

Tinaas ko ang kilay ko. "What do you mean?"

"Ellie, you are in love.."

"Oo kay Zin.."

"Hindi, kay Vins ka in love." pinaikutan niya ako ng mga mata. "Minsan naman mag isip ka girl, kitang kita na nga ang galawan niyo na may something."

"W-walang something Misha, mahal ko si Zin."

"Ows? Mahal mo lang kasi sinasabi ng isip mo.. pero heto.." tinuro niya ang puso ko. "Hindi niya masabi sabi di 'ba? Anyway mararamdaman mo iyan eh. Saka tips.."

Napalunok ako.. "Kung may nararamdaman ka sa besfriend mo na iyan. Please iwasan mo na siya. Wag mong hayaang husgahan tayong mga kababaihan na tayo pa ang cheater."

"It's not going to happen, Misha. I love Zin."

"Yes naman, let's see.." ngumisi siya.

"S-stop na nga na topic iyan. Ginugulo mo utak ko eh."

"Sus, huli ka pero di kulong bwaah." She laughed.

Tumayo siya at iniwan ako sa table namin. Napa hawak tuloy ako sa ulo ko parang sumakit na naman at kagabi ko pa to nararamdaman. Hinatid ako ni Vins dito pero halata naman na galit siya. Susunduin daw niya ako ng mga alas dyes ng gabi.

Tumayo ako at nagsuka sa banyo. Ang dami ko na naman nainom, honestly di talaga ako umiinom ng ganito, ngayon palang. Tumunog ang alarm clock ko na sign ng alas dyes na. At sigurado papunta na siya.. ilang minuto ata ako sa banyo pag labas ko nakita ko siya. Naka plain white tshirt at hulmang hulma ang malalaking nag sisiputukang braso.

Naka jeans siya ng maong at bakat na bakat ang malalaking hita.

"I'll take her with me." Narinig kong sabi niya kay Misha na may kalampungan din naman.

That man 5: VINS TIBBLE(COMPLETED)Where stories live. Discover now