b a k l a 20: General Cleaning

3.6K 119 2
                                    

La la la la la.

"Hoy bakla, ano na namang ginagawa mo dito sa bahay namin?"

Putik talaga tong baklang to,
Tatlong buwan na ang nakalilipas at ginawa na niyang tambayan tong bahay namin.OMG.

Nandito na rin sina mama at papa. Pero madalas wala sila dito.

"Saturday ngayon gurl." inirapan niya ako at humiga na siya sa sofa namin.

"Saan ang mga friends mo?"

"Papunta na sila dito." nakangisi pa siya

"Pwedeng doon nalang kayo sa bahay niyo, kasi maglilinis pa ako e."

"Tutulungan ka nalang namin."

"Ayoko nga! Baka lahat ng kurtina dito gawin niyong pink. Masyado namang girly yun."

Tapos tumawa siya at biglang pumasok sina Shelly, Chichu, Haeri at Shushu.

"Oh?" nagulat pa rin ako.

"Hi amigassss!" sigaw ni Shelly.

Inirapan lang siya ni Shimi.

"Where is Yannie?" si Shelly yan

"Naliligo pa." sagot ko

"Nice." nakangiti pa si Shelly

Ang creepy ng ngiti niya ah.

"Hoyshht! Shelly, anong gagawin mo?" kontra ni Shimi

"Wala." parang tanga siya

"Umupo nalang muna kayo. MAGLILINIS pa kasi ako." inirapan ko silang lahat.

Kumuha na ako ng walis.
Si Chichu kumuha ng mop.
Si Shushu kumuha ng feather duster.
Si Haeri kumuha ng mga sponge para sa mga pinggan.
Si Shelly at Shimi ang walang dala.

Binatukan ni Shimi si Shelly.

"Hoy, mahiya ka naman! Ang kapal talaga ng mukha mo."

"Gurl! Wala na akong gagawin pa. Titingnan ko nalang kayo,at kung maka-asta ka diyan Shimi ha! Wala ka rin namang dala!"nakangiti siya.

"Doon ka nalang sa kwarto namin maglinis. At teka? Sino bang may sabi na tulungan niyo ako?" -ako

"Nakakahiya naman kasi sayo," mahinhing sabi ni Chichu.

Si ChiChu lang talaga ang mabait sa kanila e.

"OMG gusto ko yan!" tapos tumakbo na si Shelly papuntang kwarto.

Ang creepy ng isang 'yon! Gustong puntahan si Yannie. Tsk.

Bumaling ang tingin ko kay Shimi na umiinom lang ng bubble tea.

"Hoy Shimi, maglinis ka na nga!"

"No way! Hindi ako marunong no!"

Silence. Ah bayaan na nga lang.

***

"Juice kong may ice! Ang lagkit ko na! Pwedeng makiligo sa inyo gurl?" tili ni Shimi

"Whhaaa! Ayoko nga! Tataas ang bill ng tubig namin no! At bakit ka naman malagkit e wala ka namang ginagawa diyan!" inirapan ko siya at umupo na

Umupo lang siya sa sofa namin at umiinom pa rin ng Bubble tea.

"Ah Kaylss, excuse muna, nag mo-mop ako." mahinhin pa rin si Chichu

"Ah, sorry," tapos tinaas ko yung paa ko. Naka upo na rin kasi ako sa sofa.

"Alam mo Chichu ikaw lang talaga ang mabait na bakla na nakilala ko!" nagpaparinig lang ako kay Shimi.

"Salamat Kaylss." tapos ngumiti si Chichu, nakita tuloy yung dimple niya sa kaliwang pisngi...ang cute lang!

"Kaylss daw.Kaylee ang name niya. Bobo." mahinang sabi ni Shimi na nakasimangot

Tiningnan ko nalang silang maglinis. Hayy. ,Nakakatuwa naman silang tingnan e.

Sinipa ni Shimi ang pwet ni Chichu dahil nakatalikod ito sa kanya.

Lumingon si Chichu with nagtataka face

"Ano ba Chichu! Ayusin mo nga ang pag mop!"

Hindi siya sinagot ni Chichu at nagpatuloy lang ito sa ginagawa.

Sinipa ni Shimi ulit.

"Ang tanga e! Ako na nga!" tapos tinulak ni Shimi si Chichu at si Shimi na nga ang nag mop with soooo muchhhh effort.

Masipag naman pala e! Tsk!

Kinuha ko ang camera ko at pinicturan silang lahat.

Nakaktuwa talaga, lahat nagpapacute!
Pero si Shimi hindi tumitingin sa camera,

"Stolen lang ang peg?" sabi ko at inirapan siya

Tiningnan ko siya ulit at nakita kong marami na siyang pawis.
Ikaw kaya ang maglinis na hindi nagpapahinga? Feeling ko first time niyang mag mop. Tsk!

Natapos na nga silang lahat.

"Walang refreshments?" malanding boses ni Shimi

"Ang kapal talaga." ako yan

"Duh! Effort ang nakataya dito no!" sigaw ni Shimi

"Tong baklang to, nakikipagtalo pa talaga!" sigaw ko rin

"Naglinis kaya ako! Ako pa nga yung nag effort sa lahat!"

"Hindi naman kita pinilit e at take note, ikaw yung kusang gumawa."

"Aba at! Kaylee naman! Dapat may reward!" sabi niya with iling iling!

"Shimi naman! Hindi lahat ng bagay may reward!" sabi ko rin na ginaya ang tono ng boses niya.

Tumawa silang lahat.

Nahinto ang tawa namin nang mapansin naming bumaba na sina Yannie at Shelly.

Nagtataka nga kami kung bakit pulang pula silang dalawa.

"Alams na." sabay na komento nina Shushu, Haeri, at Chichu.

Gangster ang Bakla!Where stories live. Discover now