Fantasy #66

36 6 0
                                    

Dear Sweetie,

Hello, It's been a while my dear, sweetie.
Nakakabaliw lang isipin na gumagawa na ako ng letter para sa'yo. Parang kailan lang nung nakilala kita sa isang lugar na gustuhin ko mang puntahan ay hindi na pwede. Parang kailan lang 'yon pero ang lakas ng tama ko sa'yo. Pilitin ko mang 'wag nang isipin ka pero, bakit di ko magawa?

Nandiyan ako sa tabi mo sa lahat ng oras at problemang dumating sa buhay mo. Kahit na alam kong ni minsan ay hindi mo ako pwedeng makilala. Oo, tama ka. Hindi mo nga ako kilala pero ikaw... Kilalang-kilala na kita. Mula sa pagiging matatag mo sa labas hanggang sa kahinaan mo sa loob. Kilala kita. Kilalang-kilala.

Nandoon din ako nung araw na nakilala mo siya. Yung araw na ilang beses kong hiniling na sana ako na lang yung bumangga sa'yo at napansin mo, para sana ako na lang siya. Kaso hindi eh, hindi pwede. Kasi hindi ako siya.

Nasubaybayan ko ang lahat ng efforts mo. Nakwenta ko na din lahat ng nagastos mo sa panliligaw mo sa kanya. Naramdaman ko din kung gaano ka kaseryoso at kung gaano mo siya kamahal sa kung paano mo siya protektahan at kung gaano kalaki ang mga sakripisyo mo sa kanya.

Kasabay mo akong nagdiwang nung araw ng graduation mo at nung araw na naging kayo. Ramdam na ramdam ko ang labis na kasiyahan mo. Na imbes na magselos ako ay nagsaya na lang din ako katulad mo.

Naalala mo pa ba nung araw na iyak ka ng iyak dahil sa labis na pag-aalala sa kanya? Nung mga araw na di siya nagpaparamdam kasi may iba na pala? Kasama mo akong umiyak noon. Kahit na gustuhin kong sabihin sa'yo na niloloko ka lang niya at habang nagaalala ka ay nagsasaya siya, hindi ko parin magawa. Kasi hindi ako pwedeng makialam.

Inggit na inggit ako sa kanya. Kasi siya pwede kang maging kanya, pwede ka niyang yakapin, pwede ka niyang halikan at higit sa lahat... pwede mo siyang mahalin. Ako, hindi.

Sana ako na lang siya...

Kung sana'y na sa mundo mo ba ako eh mabibigyan mo din ako ng pansin? Ng kahit konting pag-tingin? Sana oo. Kasi ako minahal kita kahit hindi ka totoo. Dahil isa ka lang fictional character sa isang librong na basa ko at babasahin pa hanggang sa tumanda ako.

Love,
Reader

A hundred and one broken pieces (COMPLETED)Where stories live. Discover now