:FIRST LOVE 37

55 6 1
                                    

BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22

37

Nicky


GALIT si Papa nang malaman niyang hindi makakauwi kagabi si Dean. Weekend naman bukas ang dinahilan ko para mapayapa siya,iniingatan ko kasi na magalit siya kay Dean para mawala sa isip niya ang tungkol sa pag-a-abroad ng anak ko. Pero umiilap sa akin ang pagkakataon na umayon sa gusto ko.

Sa kilos pa lamang ay malakas na agad ang pakiramdam kong umiiwas si Dean pag-uwi kinabukasan. Naka-suot ang hood ng asul na jacket at nagmamadaling pumasok ng bahay at umakyat sa itaas. Samantalang naroon lang ako sa may pintuan.

Hindi ko na tinawag at sinundan ko na lang. Nang maramdaman niya akong nakasunod ay lalong bumilis ang pag-akayat niya dahilan para lalo akong maghinala.

Halos maghabulan kami nang malapit na siya sa kwarto niya. Itinulak niya pabukas ang pinto sabay sulyap sa akin. Dean attempted to close the door on me but I was quick to swipe myself inside.

Ako na ang nagsara sa pinto dahil pakiramdam ko ay may itinatago siya na hindi maaring makita ng iba at ina ako na handang maging accomplice para sa kanya. But he keeps running away. Nang makita niya akong nakapasok ay tinangka niyang lumayo.

Hinablot ko ang braso niya at iniharap siya sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya kung kaya hinubad ko ang hood niya.

Parang inihip ang hininga ko nang lumantad ang mukha niya. Hindi ako nakapagsalita. My nag went at bay. Lalo nang hindi siya makatingin.

Nangilid ang mga luha ko. My fists balled. My teeth gritted.

"Sino'ng gumawa n'yan sa'yo?" Nanginig ang mga labi kong tanong.

"Kuya Jayson." Walang-pag-aatubiling sagot niya na nagpatigil sa mga luha ko kung nasaan ang mga iyon.

Hindi man siya makatingin sa akin ngunit sa hinuni ng boses at tono niya,I knew right there and then that my son didn't hurt himself. That there were maybe actual bruises and cuts,but my son stood right here infront of me practically 'unhurt'. At ipipapakita niya sa akin iyon sa pamamagitan ng kanyang tuwid at matapang na pananalita.

I never see my son involved in any kind of fight,especially a brawl. But it didn't mean that he couldn't. I mean,kahit kailan hindi ko siya tinuring na mahinang bata pero dahil sa bait niya ay natatakot naman ako na abusuhin siya ng iba at hindi siya lumaban.

But today,my boy proved me wrong.

Niluwagan ko ang pagkakakuyom ng mga kamao ko at inayos ang sarili habang nakatitig sa kanya.

Tanginang Jayson na yon. Una ko pa lang makita ay alam ko ng hindi magdudulot ng mabuti. Anuman ang ginawa niya kay Dean,sigurado naman akong naturuan na siya ng leksyon.

Kumurap ako at inabot ang mga braso ni Dean. Marahan kong hinaplos. Kumikirot man ang puso ko ngayon sa nangyari pero alam kong mawawala din yon. Mas mahalaga na malaman ko at makita na kaya niyang ipagtangol ang sarili niya kahit wala ako.

"Hindi ka pwedeng makita ni Papa." Mahinang sabi ko dahil sa biglaang panghihina.

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa kanya. Nakaabang naman ngayon ang tingin niya sa akin,nagtataka.

Bumaba ang tingin ko sa leeg niya. May mga galos at pasa doon na parang senyales ng pananakal. Tumiim-bagang ako para awatin ang sarili kong magalit.

Hindi na ako nagdalawang-isip na gawan ng paraan ang pagtatago kay Papa at agad kong inihatid si Dean kina Kuya Gibson. Doon muna siya habang nagpapagaling ng mga sugat at pasa niya.

DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ