KABANATA 6

142 0 0
                                    

- Sancha -

andito ako ngayon sa aking opisina at di pa rin makapaniwala na mag tiyahin pala ang dalawang pinatay ni Victoria

anong motibo ni Victoria para patayin din si Susan?

aalis na sana ako sa aking kina uupuan ng tumunog ang aking telepono pag tinggin ko number lang ang naka lagay walang pangalan

"Hello sino to?" tanong ko sa taong tumatawag sa akin

"maghanda kana dahil ikaw ang isusubod ko"sagot niya

"huh? pasensiya pero di kita kilala" ibababa ko na sana kaso

"sige subukan mong ibaba at tutuluyan na talaga kita magpasalamat ka di pa kita pinapatay" ani niya habang ako naman ay di maka sagot sa kaniyang sinabi

"handa ka na bang mamamatay?" sabi na, na ikinagulat ko naman

agad ko naman itong binaba at di pa rin ako maka paniwala sa narinig ko tumatatak pa rin sa aking isipan ang mga katagang handa ka na bang mamamtay

"sinong may gawa non?"

"kilala ko ba ito?"

"anong naging kasalanan ko?" mga tanong na namumuo sa aking isipan

napag planuhan ko balewalain dahil baka mag nagbibiro lang saakin pero sa isip ko na may nagbabanta talaga sa aking buhay pinapa kalma ko lang ang sarili gamit ang pag sisinungaling

- Victoria -

"maghanda ka na Sancha dahil ikaw na ang isusunod ko "

"sayang lang dahil wala ka naman talagang kasalan ang magulang mulang naman talaga ang may atraso sa pamilya ko pero nangko akong papatayin ko ang lahat ng mga kauri nila"

- Sancha -

Andito kami ngayon ni mark sa pinangyarihan ng krimen masyadong madilim dito kaya nahihirapan kaming makakita

gumamit kami ng ilaw para makakita pero ng ilawan namin ang isang bahagi ng pader ay may nakita kaming naka sulat dito

"handa ka na bang mamatay" pag basa ko sa naka sulat sa pader

bigla ko na mang na alala ang tumawag sa akin kanina at parehong pareho ang mga katagang ito sa sinabi ng tumawag sa akin

"kung si Victoria ang may gawa nito edi si Victoria din ba ang tumawag sa akin" di ko makapaniwalang sabi

"anong pong nangyari sa inyo miss Sancha?" tanong ni Mark

"may tumawag kasi sa akin kanina bina bantan nito ang aking buhay at ganito rin mismo ang mga katalagang kaniyang sinabi sa akin sa telepono" ani ko habang nakaturo sa naka sulat sa pader

"ano pong ibig sabihin nito konnektado po ba lahat ng mga pangyayari" tanong ni Mark

"di ko rin alam pero parang ganon na nga" sagot ko kay Mark

andaming mga tanong na gusto kong malaman ang mga sagot pa anong naging konnektado ang lahat ng mga pangyayari? saad ko s aking sarili

hahanapin kita Victoria at bibigyan ko ng hustisya ang mga taong iyong pinatay






Ang PaghihigantiWhere stories live. Discover now