Mini Meet up with Binibining Mia

77 3 0
                                    

Naalala ko pa na ang saya-saya ko noong nalaman ko na may "mini meet up "with Binibining Mia sa Cebu. Sa La Plaza Independencia gaganapin at sa ika-lima ng Oktubre 2019. Bumili talaga ako ng libro noon sa National Bookstore na pinamagatang "Punto de Vista" para mapirmahan niya.

Noong ikaapat ng Oktubre, hindi talaga ako magkamayaw dahil sa sobrang sabik na makitaang paborito kong manunulat. At kinaumagahan, gumising talaga ako ng maaga at pinaghandaan ang araw na 'yon. Supposedly, matutulog pa ako ng mahimbing sa oras na 'yon dahil wala akong trabaho ngunit kailangan kong paghandaan ang araw na 'yon.

Pagkatapos kong mag-almusal,ginawa ko yung mga daily rituals ko. Malapit ng mag-alas otso noong sumakay ako ng dyip papunta sa La Plaza Independencia. Actually, walang dyip na dadaan malapit sa boarding house ko na diraktang papunta sa La Plaza Independencia kaya bumaba ako malapit sa Cebu Technological University-Main Campus (ang dati kong pinag-aralan sa kolehiyo). Mula doon, lumakad ako papunta sa plaza. Hindi ko makakalimutan na dasal ako ng dasal sa Panginoon habang tumawid sa kalye dahil matatakutin talaga sa bagay na 'yon. Hahaha
Pagdating ko sa plaza, hindi ko talaga alam kung saang banda nag-stay sina Binibining Mia at ang kanyang mga kasama kaya hinahanap ko yung may maraming tao (kasi napaisip ako na naroon si Binibining Mia kapag maraming tao). Kaya palakad-lakad lang ako sa plaza, hanggang mahagip ko sa aking mga mata na maraming tao ang nakapila malapit sa playground ng mga bata kaya pumunta ako doon. At tama nga nandoon siya!
Pumila rin ako para sa registration at hindi ko nakailangang isulat ang pangalan ko dahil nakapre-register na ako before. Pagkatapos kong pirmahan yong registration, binigyan ako ng dalawang bookmarks (yung isa may pirma na ni Bb. Mia at yung isa wala pa) at yung papel na may parang seal at number "38". So, ibig sabihin na maghintay ako na tawagin yong number ko. Habang naghihintay, umupo muna ako sa bench at nakipagkwentuhan sa mga tao na nakaupo rin doon. At take note, naging kaibigan ko sila in an instant😊

Ito ang conversation namin ni Bb. Mia. Verbatim po ito.

Bb. Mia: Ok. Number 39. Sino ang number 39?
Person #1: Oh! Ikaw na.
Person #2: Ha? Hindi pa. May 38 pa.
Ako: 38 pa po.(pout ng kaunti pero hindi ako cute ha? Medyo, nagpapacute lang😂) hahaha
Bb. Mia: Ay... 38 pa pala (sabay ngiti).
Ngumiti rin ako at pumunta na ako sa bench na inupuan niya at umupo doon.
Bb. Mia: Ay... kamukha mo si Pia Wurtzbach. 'Yong "I am confidently beautiful with a heart". Ganoon ka rin, tama ba ako?"
Ako: (tumawa) Hindi na man po.
Bb. Mia: (tumawa rin)
Binigay ko yung book na binili ko kay Bb. Mia at binigay ko yung cellphone sa bago kong mga kaibigan.
Bb. Mia: Anong name mo? (ngiti ulit)
Ako: Rhea po. (tapos pinakita ko yung ID ko)
Bb. Mia: (habang nagsusulat at nagpipirma sa book at bookmark ko)Ok ka lang?
Ako: Oo naman po.
Bb. Mia: Nag-aaral ka pa?
Ako: Hindi na po. Nagtatrabaho na po ako.
Bb. Mia: (ngiti) Ah... yung katulad nina Pia Wurtzbach?
Ako: Hahaha... Hindi po.
Bb. Mia: (tumawa rin)
Ako: Nagtuturo po ako.
Bb.Mia: Ah... Happy Teacher's day.
Ako: (biglang naalala na world teacher's day pala kapag Oct. 05)
Thank you po.
Bb. Mia: Alam mo, parang gusto ko ring maging teacher, eh.
Ako: Naku! Mahirap po.
Bb. Mia: Mahirap pero masaya.
Ako: Opo sobrang saya po.
Bb. Mia: (ngumiti)Salamat. (tapos binigay na yung book atsako bookmarks ko). Tapos, nagpicture na kami.
Ako: Thank you po.
Bb. Mia: (ngumiti)

Pagkatapos, kinuha ko na yung inorder ko na tote bag na may "I love since 1892" na nakasulat. At umuwi na ako na may ngiti sa labi. Grabe, ang saya ko talaga.
Gusto ko pa sanang mag-stay ng matagal at sumali sa raffle promo at kasiyahan ngunit nagmamadali kasi ako dahil uuwi ako sa aming probinsya. Kaya, ito ang wakas sa kwentong ito.

Binibining Mia with Rhea(10.05.19)



19)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Meeting Binibining MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon