Kabanata VIII

92.1K 3.8K 543
                                    

"badass kisser"

TULOG NA BA SIYA?

  Is he already asleep? My head was rested on his chest. Nasa loob ako ng bisig niya habang magkatabi kami sa ibabaw ng kama.  Kakatapos lang naming maghalikan ilang minuto palang ang nakararaan. Tumagal kasi kami ng thirty-minutes. Kung paano nangyari iyon, hindi ko rin alam.

  Nababaliw na talaga ako. Sa ginawa kong ito, may lamat na ang samahan namin ni Z bilang pasyente at nurse. At kung malalaman lang ito ng ibang co-nurses ko ay malamang na pandirihan o pagtawanan nila ako. At kung malalaman ito ng heads namin, malamang ay sesante na agad ako.

  Pero bakit ganito? Bakit ayaw kong magsisi?

  Natatakot ako, kinakabahan ako pero ayokong huminto. Habang nagpapalitan kami ng halik kanina, habang natutupok ako sa init ng mga labi niya, at habang halos maging isa na lang ang laway naming dalawa, parang wala akong kasing saya. Para akong adik na nalulong sa droga.

  Nagsumiksik ako sa matigas niyang dibdib. Sa pagkakalapit namin ay amoy na amoy ko siya. Naalala ko na naman tuloy ang halikan namin kanina. He tasted so good, so fucking good. Just like the way he smelled.

  Marahan akong bumangon para pagmasdan naman ang nakapikit na lalaki sa tabi ko. Daig niya pa ang vitamins ko sa mata. Kahit dim ang ilaw ay lumilinaw ang paligid dahil sa kanya.

  I couldn't take my eyes off him because damn it, he was too good-looking. Hindi talaga ako magsasawa sa pagmumukha ng lalaking ito. Like ever! Hindi ako makapaniwala, sa isang iglap, nahulog na agad ang panty ko—I mean, ang loob ko sa kanya.

  Sandali akong natigilan. Ano nga ba ang meron sa 'yo, Zelos Mondragon? Who are you really?

  And what's so special about you that I couldn't resist you?

♚♚♚

HINDI ako mapakali sa nurse station. Pati hindi ko report ay gusto na ring pakialaman para lang malibang. I yawned and rubbed my right cheek. Saglit lang ang tulog ko dahil tuwing napipikit ako ay bumabalik sa akin ang eksena namin ni Z kagabi.

  Imagine that, nasa ibabaw kami ng kama habang naghahalikan at pinipiga ang isat-isa.

  Kung maglampungan kami, dinaig pa namin ang mag-asawang bagong kasal. Nasaan ang professionalism ko ron? Mabuti sana kung matinong pasyente si Z at talagang may unawaan kaming dalawa. Ang kaso, ako lang ang nakakaunawa sa amin pero ako pa itong nanunggab.

  Ginusto ko. Ako iyong nag-insist ng last kiss namin.

  Hindi ko alam basta para akong sinaniban ng siyam na malanding demonyita at sinamantala ko ang sitwasyon. Basta ko na lang nilusob ng halik si Z at hindi ko na siya pinakawalan pa. Halos daganan ko na rin siya kagabi.

  OMG! I felt so pathetic!

  Kulang na lang ay isubsob ko ang sarili ko sa mesa. Nakakahiya. Walang kasing sagwa ang ginawa ko! Hiyang-hiya ako sa aking kadesperadahan!

Ganon ba talaga pag wala pang boyfriend at experience? Parang sabik at hindi makapag-control kapag may nakahain ng guwapo sa harapan mo? Lalo na kapag helpless ang guwapo? Iyong tipong walang kalaban-laban kahit molestiyahin mo? Inis na sinabunutan ko ang sarili ko. Kailan pa ba ako naging manyak?!

  "Huy, okay ka lang?"

  I winced. "Ha?"

  Napalingon ako kina Denise at Jenina na nagpapahinga sa long chair sa loob ng nurse station. Kanina pa sila dito pero hindi ko sila pinapansin dahil busy ako sa pagkastigo sa sarili ko.

His QueenWhere stories live. Discover now