Chapter 1

21 1 0
                                    

"Miss,bumaba ka dyan!"
"Pigilan nyo sya"
"Tumawag kayong pulis!!"
"Baliw ba sya?"

May mga taong hindi mo maintindihan kung totoo ba silang may pakialam o nakikichismis lang. Tumingin ako sa baba kung saan may mga taong nakikiusap sa akin na huwag tumalon. I sigh and then close my eyes. Ilang beses ko na 'tong pinag-isipan. Ngayon pa ba ako aatras? Unti-unti kong dinilat ang mata ko sabay hakbang ng isa kong paa. Nagsigawan at tilian ang mga tao sa baba. As I take another step,a tear escaped my eyes. Handa na ba ako? Suko na ba talaga ako at hanggang dito nalang? Another tear escaped my eyes,until I can't count it anymore. Nagflashback lahat saakin. Kung bakit nauwi sa ganito. Kung bakit ngayon gusto ko nalang humantong sa ganito at tapusin ang buhay ko. I hate everything in this world. Why it's so unfair? I did everything that I can. Still,i'm not fvcking enough. I'm still worthless. Hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko. Lalo lang akong nasasaktan at gusto ng tumalon. I sigh for the last time. I calm myself down,dry my tears and look down. Hindi pa pwede.

"Maaari ka nang makauwi Miss." I just gave the police a nod and I stand immediately. Kinausap kasi nila ako pag katapos ng tangka kong pagpapakamatay. Mabuti nalang hindi lahat chismosa at may nagkusang loob pa ring tumawag ng otoridad kanina. Pero kahit hindi naman sya/sila tumawag ng otoridad,hindi ko itutuloy yun. Matagal pa,kahit sukong suko na ako lalaban pa din ako.

I walk silently as I enter the door. Sana hindi magising si Kuya.
"At saan ka galing?" Oh boy! I sigh before I face him and fake a cough.
"Nagwindow shopping lang Kuya." Sabi ko sabay ngiti ng tipid.
"Asan ang window aber?" I sigh
"Akyat na po ako." May sinabi pa sya pero di ko na pinansin. I went straight to my room. Lay myself down on my bed then stare at the ceiling. What a life.

"Find me and Help me"
That freaking dream again. Nakatulog pala ako ng hindi man lang nagpapalit. Tumayo na ako at tumitig muna sa salamin. Pag tapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung napapaniginipan ko. Bakit ako? Sino ba sya? Babae ba sya o lalaki? Anong koneksyon naming dalawa sa isa't isa? May alam ba sya sa nakaraan ko? Gusto ko syang hanapin dahil sigurado akong may parte sya sa nakaraan ko. Gusto ko syang hanapin para masagot lahat ng katanungan ko. Pero saan? Paano? I sigh. Lahat nalang hindi ko alam paano sisimulan. Tinapos ko nalang ang pagligo at bumaba na. Wala na si Kuya,siguro pumasok na. Alas syete na pala ng umaga,hindi na ako nakakain kagabi. Bwiset din si kuya hindi man lang ako ginising.

"You're late again?" Tinaasan ako ng kilay ng boss ko. I cleared my throat,
"I'm sorry po" yumuko ako ng bahagya. I heard her 'tsk' then walk away. I sigh. Buti nalang hindi na nya ako pinagalitan. Pero kailangan di na ako ma-late,she might fired me. Huminto ako sa pag-aaral dahil sa nangyare sakin. Hindi ako nakapagtapos,buti nga at tinanggap nya ako dito tapos palagi pa akong ganito? I sigh,just do your work self. Pumunta na ako sa locker room para magpalit. Isa pala akong cashier dito sa isang coffee shop. Malapit sa kilalang school,kaya minsan nakakapagod ang trabaho. Pero pag malaking kita syempre malaking sweldo. Kaya imbes na magreklamo,gora pa din ako.

Padami ng padami ang mga pumapasok sa coffee shop since break time ng ibang studyante. Mahaba ang pila at halos magpunuan na ang mga lamesa. Sa hindi malamang dahilan napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Hindi ko alam,basta napatigil ako sa pagtatanong ng order ng customer. Pumasok ang isang lalaking hindi siguro nalalayo sa edad ko.
"Miss?" I came back to my senses as the customer snapped me. I apologize sabay mas binilisan ko ang pag kuha sa order nya. What's wrong with me? Gustong gusto kong lingunin yung lalaki kanina. But I need to do my job. Minutes later,I found him. In front of me,telling his order. He got a stripped shirt and a faded jeans together with a converse shoes. He doesn't look like a student to me.
"One iced coffee, please." Napalunok ako ng nagsalita sya at napatingin sa mukha nya.
"For take out sir?" Muntik pa akong mautal. Damn this guy! What's with him?!
"Nah,I'll drink that here. And a slice of walnut cake,please. That's all." Nilapag nya ang bayad nya pag katapos makuha ang sukli ay umalis na sya para humanap ng lamesa.

It's my break time. I sigh and went to the locker room to change my clothes. Bago pa man ako makalabas nakasalubong ko ang boss ko.
"Wag kang magpapalate." tinaasan nya ako ng kilay bago tinalikuran. I nod kahit di nya na nakita. Kahit mataray sya minsan,I don't feel any anger towards her. She's being a boss,that's it. Binilisan ko nalang ang lakad ko at sumakay na ng tricycle sa may kanto. Pag kababa ko palang at lakad ng ilang hakbang,bumalik nanaman yung lungkot ko. Yung bigat na dinadala ko. I continue to walk,anyway. I stop right in front of their tomb. Mama. Papa. I cry as I sit,masakit pa din. Hindi ko pa din matanggap. The memory that I had with them will never vanish. Nalimutan ko man ang ibang alaala ko pero hindi ang alaala na kasama sila. Kaya masakit. Masakit na hanggang dun lang yung memories namin. Masakit na hindi na nadagdagan ng mas masaya at mas mahaba. I still want to spend more memories with them. How unlucky of me. Until now sinisisi ko ang sarili ko. Wala akong nagawa nung mawala sila. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sakanila. I wish i'm with them right now.

Pagbalik ko sa coffee shop onti na lang ang tao. Ngunit nahagip ng mata ko yung lalaki kanina. Bumagal ang paglalakad ko at kumunot ang noo ko. Kanina pa sya dito? Weird. But I ignored it anyway so I continue to walk towards the locker room. Hindi naman ako late,hindi rin maaga. Kumbaga sakto lang para hindi mapagalitan. Nakapagsuot na ako ng apron ng pumasok ang cashier na papalitan ko.
"Pinapabigay nung lalaking nakastripped na damit. Una na ako" abot nya sakin ng sobre. Kunot noo ako,as in magdidikit na. Yung lalaki kanina binigyan akong sobre? Para saan?

Soul FinderWhere stories live. Discover now