Chapter 12

27.9K 888 70
                                    

Hi, to @VivianMaglapus.. Thank you for supporting me..😘😘


Kietlyn POV's:

"Good morning, Maam, Sir! Heto po ang order niyo." Nakangiti kong nilapag sa lamesa nila ang order nilang pagkain.

"Thank you, Miss."

"Thank you po. Enjoy your meal!"  Nakangiting pagtango ko bago bumalik sa kusina. Napasandal ako sa pader sabay hinga ng malalim.

"Kietlyn, ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Liezel ng pumasok siya sa kusina dala din ang tray niya. Isa din siyang waitress at sabay kaming nakapasok dito kaya naging magkaibigan kami.

"Ayos lang. Andami kasing customer ngayon." Lumapit siya sakin at napasang-ayon sa sinabi ko.

"Oo nga. Weekends ngayon kaya maraming pamilya at lovers ang bumabonding." Tumango ako sa kanya. Marami nga kaming customers kapag ganitong araw.

"Tara na marami pang order."

Naging abala na kami sa aming pagsisilbi hanggang sa sumapit ang tanghalian at oras na ng aming break.

Sa labas kami ni Liezel kumain. Sa isang karinderya. Dahil mura at makakatipid kami. May pamilya nadin siya at may isang anak na lalaki na nasa elementarya na. Kaya nagpupursigi silang magtrabahong mag-asawa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak.

Mapalad siya dahil may-asawa siyang kaagapay niya sa pagpapalaki ng kanilang anak. May katuwang siya sa buhay.

Napailing ako ng ulo ng pumasok siya bigla sa isip ko. Bakit ba naisip ko ang lalaking iyon. Masaya na siguro siya sa sarili niyang pamilya at si Maam Isabella ang malapad na babaeng minahal niya.

Napapitlag ako ng tapikin ni Liezel ang kamay ko.

"Kumain na tayo friend. Pansin kong nakatulala ka diyan. Ayos ka lang ba talaga?" Sunod sunod naman ang tango ko sa kanya. Nasa harap na pala namin ang inorder namin pagkain ng hindi ko napapansin.

Tinuon ko nalang sa pagkain ang pansin ko. Hanggang sa matapos kami at nag-ayos ng aming sarili. Bumalik nadin kami sa loob at muling ginawa ang aming tungkulin.

Akma na akong papasok sa loob ng kusina ng tinawag ako bigla ni Liezel kaya napatingin ako sa kanya. Mag-aayos na sana ako dahil malapit nadin ang uwi namin pero baka mag-overtime na naman kami.

"Kiet, ikaw muna ang kumuha ng order ni number 81!" Agad nadin siyang pumasok sa kusina kaya napalibot ang tingin ko sa paligid at tiningnan kung nasaan iyon banda. Nakita ko naman sa pinakadulo malapit sa pader. Hindi ko makita masyado ang customer dahil natatabunan ito ng isa pang customer.

Pumunta ako sa bandang iyon habang bitbit ko sa isang kamay ang tray. Ang isa kong kamay ay kinukuha naman sa bulsa ko ang papel at ballpen ko.

Nasa harap na ako ng customer pero nakatutok parin ang tingin ko sa papel at ballpen na kakakuha ko lang sa bulsa. Napasulyap ako sa customer na natatabunan ng menu ang mukha pero alam kong lalaki.

"Good evening, Sir. May napipili na po kayong order?" Naghihintay ako sa kanyang sagot pero hindi niya ako pinapansin. Nakatutok ang pansin nito sa menu.

"Sir? May napili na po kayong order?" Muli kong tanong pero hindi parin siya nagsasalita.

Bingi ba siya?

Nakakainis na ang isang ito ah! Naku, kung hindi lang customer ito ay iniwan ko ito kanina pa. Pero nangunguna iyon sa rules.

Respect your customer.

Darkness DesiredWhere stories live. Discover now