"Plano"

349 1 1
                                    

" John Loyd anak, kaarawan mo nanaman sa susunod na linggo, matanong nga kita, ano ba talaga plano mo sa buhay?"

" E inay simple lang naman mga pangarap ko sa buhay e, makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho, makapag asawa, magkaroon ng maraming anak, maging mayaman at higit sa lahat makapag ipon ipon para makabili ng sarili kong bahay at kotse. Kapag natupad ko na lahat ng pangarap ko sigurado makakapag relaks na po tayo habambuhay."

Napaiyak na lamang si aling Josefa sa mga tinuran ng kanyang anak.

" Anak wag mo akong pinagloloko hindi pa naman ako matanda para makalimutang mag tatatlumpu't walong taong gulang ka na ring nagrerelaks dito sa bahay! Batang to.

By:Jasten Delo Santos

Filipino Dagli Ng 10 LeoWhere stories live. Discover now