Part 6

2.1K 41 0
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

fb: Michael Juha Full

----------------------------------

"Gusto ko... wala tayong lihim sa isa't-isa Toy..." ang sambit niya isang beses na nagkausap kami.

Tumango lang ako. "Uhm."

"Promise?"

"Sige. Promise." Ang sagot ko rin.

Sa paglapit ng aming mundo ni Carlo ay lalo pang nahulog ang loob ko sa kanya. Dahil dito, mas lalo pa siyang napamahal sa akin. Pakiramdam ko nga ay pag-aari ko na siya. Walang araw na hindi kami nagsasama. Umaga, tanghali, gabi, kahit minsan, hating-gabi na, kapag nasumpungan naming mag-aral nang sabay sa gilid ng kanilang swimming pool o kahit magkuwentuhan lang. Sobrang saya ko sa mga sandaling iyon bagamat sobra ring ironic sa pakiwari ko. Masaya ngunit nababalot sa lungkot ang aking puso. May naramdaman ako para sa kanya ngunit alam kong mali. Gusto ko mang kahit masabi ko lang ito sa kanya ngunit may takot din akong baka magbago siya, magalit, mandiri, at layuan ako. Sa oras na magkasama kami, magkuwentuhan, magharutan, maghabulan sa paglalangoy sa pool, pakiramdam ko ay napakasarap mabuhay sa mundo. Ngunit kapag nag-iisa na lang ako sa kuwarto, umiiyak naman ako, halos isusumpa ang buhay. At ang tanging outlet ko na lang ay ang toy soldier na bigay ni Carlo sa akin. Kinakausap ko ito, niyayakap, hinahalikan. Para akong isang baliw.

Isang araw, wala sa bahay ang mga magulang ni Carlo dahil ang daddy niya ay may isang linggong business trip sa Hongkong. Ang mommy naman niya ay dumalaw sa probinsya dahil namatay ang Tita niya sa side ng kanyang ama at dalawang araw siyang manatili roon.

"Toy... punta ka sa kuwarto ko daliiii!" sambit ni Carlo. Tinawagan niya ako sa intercom.

Dali-dali akong umakyat sa second floor kung saan naroon ang kuwarto niya. Nang buksan ko na ang pinto, bumungad sa aking paningin si Carlo na hawak-hawak ang isang pitsil na may lamang kulay orange na juice. Naka-boxer's short lang siya. Para akong nasamid nang makita ko ang hubad niyang katawan. Nahinto ako nang sandali at napatitig sa kanyang anyo. Hindi ko rin alam kung bakit kinabahan ako sa aking nakita. Bagamat nakikita ko naman palagi siyang ganoon kapag sabay kaming naliligo sa pool, parang may kakaiba akong naramdaman sa sandaling iyon. Siguro, dahil lang iyon sa malaswang bagay na naglalaro sa aking isip. Napatitig na lang ako sa kanyang dibdib pababa sa kanyang abs at sa balahibong-pusang nakahilera patungo sa ilalim ng kanyang boxers.

"Toy! Itong pitsil ang tingnan mo, huwag ang abs ko!" ang sigaw niya sabay bitiw ng nakakalokong tawa.

Mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagsasalita niyang iyon. Iyon bang nabigla. Kaya nakitawa na rin ako. Nang lumingon ako sa mesa sa gilid ng kanyang kama, nakita ko rin ang isang bowl na may mga hiniwang karneng inihaw. "Ano iyan?" ang tanong ko. "Miryenda mo?"

"Tange. Itong nasa pitsil, cocktail ito. Isang uri ng drink. Masarap iyan Toy, matamis... pero nakakalasing!" sabay kindat sa akin. "At iyan naman..." turo sa bowl sa ibabaw ng mesa, "...pulutan".

"M-mag-iinum ka?" ang tanong ko.

"Tayo... mag-inuman tayo." pag emphasize niya sa salitang "tayo"

"S-sure ka?" ang gulat kong tanong. "Baka mapagalitan tayo?"

"Kung magsusumbong ka, pagagalitan tayo." Sabay tumbok sa lagayan ng dvd at nang makapili na ng palabas, isinaksak ito sa player at pinindot ang play button. "Maganda ito Toy... pampainit habang nag-iinum tayo."

Nang lumabas na sa monitor ang paunang eksena, doon ko nalaman na x-rated pala ang pelikulang pinili niya. Napalunok na lang ako ng laway. Noon pa lang ako nakakapanood ng ganoong palabas. Lumaki kasi ako na walang dvd player, ni TV nga ay wala rin kami.

Wala na akong nagawa kundi ang pumuwesto sa ibabaw ng kanyang kama, ang likod ay nilagyan ko ng makapal na unan upang umangat ang aking pang-itaas na katawan. Nakaharap kasi ang TV monitor sa kanyang kama.

Nagtagay na rin si Carlo ng alak sa wine glass, iniabot ito sa akin, "Tikman mo." at nagtagay uli siya nang para sa kanya.

Tinikman ko ang cocktail na ginawa niya at tunay nga namang nasarapan ako. Matamis ito na maanghang bagamat naaamoy ko pa rin ang inihahalong alak. "Sarap!" sambit ko.

"Sabi ko sa iyo eh. Ako ang nagtimpla niyan." At tumabi na siya sa akin, nilagyan din ng makapal na unan ang kanyang likuran upang umangat ang pang-itaas niyang katawan. Dumampi ang balat niya sa aking braso sa sobrang lapit nang pagtabi niya. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

Tinungga ko pa ang buong laman ng wine glass. Nasarapan kasi ako at sa pagkakataong iyon, tila gusto kong malasing agad upang hindi ko maramdaman ang sobrang pagkabog ng aking dibdib.

Tawa naman siya nang tawa sa ginawa ko. At inabot muli ang pitsil na nakapatong sa lamesang nasa gilid niya at tinagayan muli ang baso ko. Pakiramdam ko ay mabilis na nag-init ang dugo sa aking katawan.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa sandaling iyon. Iyong sitwasyon na nagdikit ang aming mga katawan, nanood ng bold sa kuwarto niya, dagdagan pa sa kakaibang kiliti at init na dumaloy sa aking katawan dahil sa napanood na palabas. Noon lang ako nakakakita ng palabas na tunay na nagsi-sex. Noon lang ako nakakakita ng tirik na tirik na ari ng isang lalaki, kung paano ito nilalaro sa bibig, at kung gaano sila ka wild sa kanilang ginawa na kahit ang likuran ng babae ay pinasok din ng ari ng lalaki. Noon ko lang kasi napagtanto na puwede pala talagang pasukin ng ari ng isang lalaki ang likuran ng isang tao. Tila sasabog ang aking dibdib sa matinding pagkalampag habang ramdam ko naman ang pagpupumiglas ng aking pagkalalaki.

Ngunit wala akong imik. Kapwa naka-focus ang aming atensyon ni Carlo sa palabas. Nanatili lang akong nakahiga sa kama, paminsan-minsang iniinum ang binibigay niyang cocktail na lalo pang nagpainit sa aking katawan. At imbes na ang pulutan na inihanda niya ang aking pinapapak, nakontento na lang ako sa palihim na pagmasid sa kanyang gitnang-katawan na halatang-halata na ang paglaki ng bukol.

Nang naubos na ang laman ng pitsil, tumayo si Carlo upang magmix uli sa kusina. Alam kong lasing na siya ngunit gusto pa niyang uminum. Nang tumayo siya, kitang-kita ko ang malaking bakat sa kanyang harapan. Ngunit nagkunyari akong hindi ko ito pansin.

Halos maubos na ang laman ng pangalawang pitsil nang napansin kong nakapikit na ang mga mata ni Carlo. Sa isip ko, nalasing na siya. Sunod-sunod kasi ang pagtungga niya sa inumin na halos siya lang ang nakaubos sa buong laman ng pangalawang pitsil.

Tatayo na sana ako upang lumabas nang, "Toy... dito ka na matulog. Tabi tayo. Maligo ka na rin sa banyo kung gusto mo. Pumili ka na lang ng boxers o short sa kabinet ko para pantulog." Ang sambit ni Carlo, halata sa boses niya na lasing na lasing na siya, pinilit lang niyang magsalita.

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko kasi akalaing doon pa niya ako patulugin samantalang nasa ground floor lang naman ang kuwarto ko. Ngunit may dala itong excitement na hindi mawari sa puso ko. Imagine, pipili ako ng boxers niya at isusuot ko iyon? At magtabi pa kami sa higaan! "P-patayin ko na lang ang dvd player, Toy." Ang sagot ko na lang.

Nang napatay ko na ang dvd player, tinumbok ko ang cabinet niya at binuksan ito, pumili ng isusuot. Ang pinili ko ay isang boxer's short imbes na short na pantulog. At pinatay ko na ang ilaw. Ang tanging liwanang na lamang sa kuwarto ay ang sinag na nanggaling sa lampshade na nasa gilid ng kanyang kama.

Nag half-bath muna ako. Nagmadali. At dahil sa libog ko sa pinakaunang pagkakita ko ng x-rated, hindi ko maiwasang hindi magparaos sa loob ng banyo. Tila nilagnat ang aking katawan sa matinding libog, nanginginig. Nang makaraos na, nagsipilyo ako gamit ang gamit nang tooth brush ni Carlo.

Isinuot ko ang boxers, hindi na rin ako nagsuot nang pang-itaas na damit nang sumampa sa kama niya. Tumaglid ako paharap sa kanya. Himbing siyang nakatulog at nakatihaya. Tinakpan ko ng kumot ang kanyang katawan hanggang sa kanyang dibdib. Habang ginawa ko iyon, hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanyang mukha.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sa isip ko, napakalapit niya sa akin. Kung gugustuhin ko ay puwede kong isakatuparan ang matindi kong pagnanasang mayakap at mahagkan siya. Kung nanaisin ko, maaari kong gawin din sa kanya ang nakita ko sa palabas na bold.

(Itutuloy)

Toy SoldierWhere stories live. Discover now