3

215 7 0
                                    

Author's POV

Tatlong araw ang lumipas at nagmamaneho na sina Aldrex patungo sa mansion nila Hierra.

Nakatanggap sila ng tip na papasukin ang mansion ngayon ng ilang mga Mafia groups dahil kay Vryl.

Vryl's a traitor.

He asked Aldrex' help but he's not expecting the Mafia Boss because he knows that he will not come. It's out if business.

Nang makapasok sina Aldrex sa mansion ay agad silang nagtungo sa library ng mansion at nakita si Vryl doon.

"What's your plan?" Aldrex asked.

"Plan? Ubusin sila." Walang emosyong sabi nito habang inaayos ang baril na hawak.

"Tss. Baka tayo ang maubos." Sabi ni Ford habang umiiling iling.

"Kaya natin yan!" Puno ng determinasyon na sabi ni Kyle.

"But we still need a plan. If we want to kill all of those men, we should plan wisely to execute neatly." Aldrex said.

"Teka. Where's Hierra?" Tanong ni Aldrex at tumango sina Kyle at Ford bilang pagsang-ayon.

"She's sleeping."

"What?! Dapat pinalabas mo muna siya. You should've sent her to one of her friends!"

"Pagdududahan niya ako at babalik din sa mansion kung sakali. Mas mapapahamak lang siya."

"Tsk." Kumuha si Aldrex ng ilang mga bala para sa extra. Ganoon din ang ginawa nina Kyle, Ford, at Vryl.

Kinuha ni Kyle ang dalawang baril at isinuksok iyon sa pants niya. Si Ford naman ay kumuha ng isang baril at isang swiss knife. Si Aldrex ay kumuha ng isang sniping rifle at isn't baril. Dinampot naman ni Vryl ang isang pasabog.

"Bomb? Are you planning to crush your house?"

"Just in case." Sabi nito at kumuha ng baril at ilang mga extrang bala. Iniabot ni Ford ang mga earpiece sa kanila at isinuot nila ito.

"I'll be at the rooftop." Aldrex said and went to the rooftop.

Nang makaalis si Aldrex ay nakarinig sila ng kaluskos mula sa labas ng library.

"They're here." Mahinang sabi ni Vryl at naging alerto silang lahat.

Binuksan ni Ford ang pinto at sumenyas na walang tao. Lumabas silang tatlo sa mahabang pasilyo at sari-sarili na sila sa kung saan pupunta.

Nagtungo si Aldrex sa rooftop at inayos ang sniper rifle. Si Kyle ay nagtungo sa unang palapag. Si Ford ay nanatili sa ikalawang palapag kasama at si Vryl ay sa ikatlong palapag.

"Ten people entering." Rinig nilang sabi ni Aldrex na nasa rooftop.

"Gago. Shoot at them."

"Kung gusto niyo silang ubusin, papasukin niyo silang lahat." Napailing si Kyle sa sinabi ni Aldrex.

Mabilis na nagtago si Kyle sa madilim na bahagi ng unang palapag at ganoon din ang ginawa nina Vryl at Ford.

Nang may dumaan sa harap ni Ford ay hinablot niya ang kamay nito at tsaka binaril sa ulo. Mabuti nalang at may silencer ang baril niya. Hinila niya ito patungo sa isang kwarto bago hinubaran at isinuot ang damit nito.

"Baka mapatay kita dahil sa suot mo." Lumingon siya sa likod niya at nakita si Vryl.

"Tss. You know my face." Lumabas ito at saka naglibot libot na para bang wala sa panganib ang buhay niya.

The Mysterious Mafia BossWhere stories live. Discover now