1 ~ TARPAULIN

17.9K 494 19
                                    


RISH's POV


"Be friendly, hija.."

"Remember to call your friends' names.. and stop using codenames.."

"Hindi mo kailangang ma-pressure hija, wala kang kailangang patunayan, enjoy, okay?"


Paulit-ulit na nag-eecho ang mga bilin ni Lolo habang nasa biyahe kami..


"Try to mingle with everyone.."

"Smile.."

"Make sure to bring your phone.."


Parang kusang narecord ito sa utak ko.. hindi ko tuloy namalayan na malapit na kami..


"Kuya Larry, stop the car.." 


Kaagad namang itinigil nito ang pagmamaneho at itinabi ang sasakyan malapit sa gate ng bago kong school. Bahagya ko pang ibinaba ang salamin ng sasakyan upang mas makita ang isang tarpaulin na nakaagaw ng pansin ko at maging ng pansin ng mga estudyanteng kasalukuyang nagkukumpulan sa labas ng gate.


"WELCOME AIRISH KAITE MONTIVEROS!" 

- From XYZ board & faculty members


-____-


Seriously? First day of school, tapos ito ang sasalubong sa'kin.. ito ba ang tinatawag na special treatment?

Isinara ko na lang ang salamin ng sasakyan at naiiling na naupo ng maayos, muli kong binuklat ang folder na nasa kandungan ko.


Information about XYZ Univesity..


Kilala itong unibersidad na pinanggalingan ng mga kilalang tao sa lipunan. Kabilang na si Autumn na siyang Presidente ng CGS Group of Company, si Akohe na siyang nagpatayo ng AK University at maging si Numbheart na kilalang artista ng henerasyon ngayon. Ito rin kasi ang itinuturing na top university pagdating sa business courses. Hindi rin ito pahuhuli sa seguridad at karangyaan ng mga pasilidad.


Pero hindi ba nila alam na sa ginawa nilang ito pwedeng mabahiran ang pangalang iniingatan nila?


Pinasadahan ko ng paningin ang mga pangalan ng Board Members nang may mahagip akong pamilyar na pangalan.


Mr. Christian Santos


Napakunot-noo na lang ako. He's one of those investors na nakausap ko when I was in the company at for sure siya ang nasa likod nito.


Pero bakit kailangan pa nyang gawin 'to? Kung kailan gusto kong maging isang normal na estudyante saka naman may mangyayaring ganito. Is it that big deal na isa akong Montiveros? Kung mga anak ng kilalang tao ang nag-aaral dito, wala naman siguro akong pinagkaiba sa kanila.


Gusto ko sanang tawagan si Lolo o si Mr. Jackson but I decided to let it pass. Hindi naman siguro 'to big deal, hindi naman siguro maaapektuhan ang pag-aaral ko dahil lang sa isang tarpaulin.

COLLEGE NA Si MiSS PERFECTWhere stories live. Discover now