Chapter 1

132K 2K 91
                                    

I'm three weeks pregnant, shooter ba ang gago?

"Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Pano na ngayon yan? Pano mo sasabihin sa mga magulang mo ang sitwasyon mo? Na buntis ka? Pano kung tanungin nila kung sino ang nakabuntis sayo? Anong sasabihin mo? Ash gray na buhok, na may tattoo sa kamay? Sa tingin mo ba maniniwala sila sayo?! Baka isipin nilang adik ang taong yun. Na-stress ang beauty ko sayo!", Panunumbat ng kaibigan kong si Gail. Hinilot ko ang ang sintido..

She's right. Sobrang madi-dissappoint ko sila mama at papa dahil nagbuntis ako ng isang tao na sa bar ko lang nakita. Lintek naman kasing lalaki iyon! Nalasing lang ako ay dinala na ako sa kama! Ano nga bang pangalan nun?

Aish! Basta alam ko ang buhok at tattoo nito! Humanda ka sakin, hindi pwedeng tatakasan mo na lang ako basta.

"I need to find that jerk!" sabi ko at umupo. Nagiisip kung ano ang plano ko.

Mapapatay ako ni papa pag nalaman niya na nabuntis ako, disgrasyada ka kasi. Hayyy! Ang tanga ko talaga! Kung hindi sana ako nag lasing ay wala sana ako sa lagay na ito!! Pero nangyari na eh!

Maibabalik ko ba sa kaniya ang semen niya? Paano naman aber, nabuntis na nga ako?

"Sige nga, saang lupalop naman aber?Hindi mo nga alam pangalan, jusmiyo!" sigaw niya. Minsan talaga dinadaig niya pa ang magulang ko sa panenermon sa akin,

"Basta! Hindi ko hahayaan na makampante lang siya! Pagkatapos kong manganak, hahanapin ko ang gagong yun!" sabi ko sa kaniya. Itaga niyo pa sa bato, bwesit.

Napapahawak na lamang ito sa kaniyang sintido, habang ako ay galit na galit. Humanda ka saking lalaki ka! Sige, magtago ka lang, wala ka kasing bay*g. Galingan mo lang sa pagtatago, dahil sa oras na mahanap kita, Patay ka talaga sa'kin!

Putol yang kinabukasan mo.

-------

"IKAW NA BATA KA! Nagkulang ba kami sa pagpapalaki ng papa mo sayo? Uuwi ka dito na umiiyak at sasabihing buntis ka?! Sino ang lintik na lalaking bumuntis sayo? Ipakilala mo samin!" sigaw ni mama, dumating na nga iyong kinatatakutan ko matapos kong ipagtapat sa kanila na buntis ako.

Si papa ay hindi ko malaman kung ano ang iniisip. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano mang iniisip ni papa ngayon, alam ko galit na galit ito.

I'm such a disappointment, pain in the ass, I know. Hindi ko naman na maibabalik, nagkamali ako, nagpatianod ako.

"Sino..."

Hala! Ito na.

"Sino ang lintik na gago ang bumuntis sayo?!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni papa. Sinasabi ko na nga ba eh, tinabig niya ang mesa, galit na galit ito. Nagsiunahan ng magpatakan ang mga luha ko.

"P-papa..." umiiyak na sabi ko. Natatakot man ay niyakap ko ito at paulit-ulit kong sinasabi ang papa. Niyakap ako nito at pinatahan.

"Tahan na. Tutulungan ka naming buhayin ang anak mo." sabi ni papa.

"Maraming salamat papa, mama."sabi ko at niyakap silang dalawa.

Humanda ka sa aking lintik kang hinayupak kang gago kang animal kang bwesit ka at lahat ng mga mura ay ikaw ang depinisyon! Kapag talaga nakita ko ang pagmumukha mo.

Titirisin ko yang napakagwapo mong mukha--wait, nakita ko ba ang mukha? Kahit pa, tignan natin! Galingan mo lang talagang magtago, dahil sa oras na manganak ako, lintik na lang ang walang ganti!

Nang matapos na ang dramahan dahil sa biglaang pagkabuntis ko, pinagpahinga na nila ako sa kwarto ko. Dahil mula raw ngayon, ingatan ko na raw ang sarili ko, dahil buntis ako, may bata na sa sinapupunan ko at hindi na lang dapat sarili ko ang kailangang intindihin, kundi ang bata na rin.

Nang mapakapask ako sa kwarto, umupo ako sa kama at hinaplos ang aking tiyan na hindi pa naman malaki.

"Anak, walang hiya talaga ang daddy niyo. Iwan daw ba ako matapos akong makuha. Paglaki mo, hahanapin natin siya,hindi pwedeng hindi niya gampanan ang pagiging tatay niya sayo anak." sabi ko.

Kung hindi ka ba naman tanga Caroline! Aish. Paano kasi, yung lintik kong ex-boyfriend, pinamukha ba naman saking mas sexy at maganda raw yung ipinalit niya sakin, eh mukha ngang pokpok yun! Sa sobrang daming kolorete sa mukha, daig ang nangaaliw sa bar! Sa sobrang inis ko ayon, naglasing ako.

Magsama silang dalawa, parehas namin silang mukhang clown.

KINABUKASAN, nag-ayos ako dahil kailangan kong maghanap ng trabaho, oo na, kung kelan ako nabuntis saka lang ako maghahanap ng trabaho, may trabaho naman ako talaga sa Resto ng E-boyfriend ko, dahil wala na kami, nag resign ako, ayaw kong ibaba ang dignidad ko.

At isa pa, hindi naman pwedeng aasa lang ako kila mama at papa. Ngayon pa at magkakaanak na ako, kailangan kong maging responsableng ina sa magiging anak ko, para paglaki niya, maging mabuti siyang bata, gusto kong ibigay ang lahat sa kaniya, ang pagmamahal, ang atensyon ko, as in lahat, my child will never feel that he's a mistake.

"SAAN KA magaaply niyan bessy? Sa panahon ngayon mahirap ng makahanap ng permanenteng trabaho, lalo na at buntis ka pa man din." sabi ni Gail, umupo kami sa tabing upuan na nakita namin.


Totoo nga, naglibot-libot na kami ay hindi parin kami makakuha ng magandang trabaho.

Napatingin ako sa kabilang building, napatayo ako at hindi ko akalain na katapat lang namin mismo ang magiging kasagutan sa problema ko,

CGC (Calvinder Group of Company)

Marami akong marinig tungkol sa kumpanyang ito, bukod sa mataas ang sweldo, mataas din ang expectation nila sa mga employees nila, kailangan ay College Grad, kung tutunganga lang ako kailan ako uusad?

Palay na ang lumalapit sa manok, hindi ko pa ba tutukain?

"Gail, I think alam ko na kung saan ako mag-aaply." sabi ko rito ng nakaharap pa rin sa napakalaki at taas na building.

"Don't tell me?" maang siyang tumingin sa akin,

"Yes, look, they are looking for a CEO's Secretary." sabi ko, natuwa naman ako roon.

"No way! This company is strictly have a high standard when it comes to their emplyoees, you're kidding right?" sabi nito. It ids like wala siyang tiwala sa kakayahan ko.

"For my baby, Gail, wala akong hindi kayang gawin as long as its for my baby's sake." sabi ko sa kaniya. Bumuntong hininga na lamangito at sinupurtahan ako.

"Alright, love your spirit girl, let's go, ang daming mga nag-aapply baka gabihin tayo kung di tayo agad kikilos."

Parehas kaming napanganga ni Gail sa sobrang lawak at ganda ng loob, of course it's CGC, what should we expect?

Inayos ko ang sarili at pumila, hanggang sa tawagin na ang pangalan ko, Gail cheer me up,

"You can do it Girl, got your back, break a leg!" tinawanan ko pa ito ng mag-flying kiss siya, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa loob.

I can do this.

JMworks
Joanna Marie

CAPTIVATED BY VASH CALVINDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon