Chaprer 4

151 7 0
                                    

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Biniba ko ang aking paa matapos ay inayos ang aking pagkaka-upo. Nakakailang pag-ngiwi pa ako dahil sa hindi na gaanong kasakitan sa aking paa. Hindi ko muna isinuot ang aking estilito at hinayaang damhin ang lambot ng pulang carpet sa living room na ito.

Sa gilid ng aking mata ay ramdam ko ang titig ni Drake sa akin. Nais ko sanang punahin ngunit nang may dumating na katandaang lalaki ay tumahimik ako at mahinang tumikhim. Ramdam ko ang pagod sa aking pakiramdam. Kahit anong reklamo ko na sana ay natutulog lang ako ngayon ay wala na akong magagawa.

Drake wouldn't mind about that. Sa paghila pa lamang sa akin palabas sa aming bahay ay hindi na niya pinansin ang sinabi ko. He prepared to listen to my parents than me. Uh, whatever. Nang umalis ang lalaki ay hindi ko na itinuloy ang pagpuna sa kanya. Hindi ko narinig ang sinabi ng lalaki at sa pag-uusap nila ni Drake dahil may kahinaan ito ay hindi ko na lamang pinansin.

Nakaupo lamang ako doon sa halos ilang minuto. May naglapag ng maiinom sa maliit na bilog na mesa. Malamig na tubig at juice ang naroon kasama ang mainit-init pang cookies. Bigla akong nakaramdan ng gutom. Kanina sa pag-alis ko sa bahay ay hindi man lang ako nakapanandaling nakakain dahil sa biglaang desisyon ng Mommy at Daddy.

Naaninag ko ang paggalaw ni Drake sa kanyang kinauupuan. Nilingon ko siya nang napagtantong tumayo ito at palapit sa direksyon ko. Umupo siya agad sa isang tabi. Sa mahabang sofa ay nandoon siya, nilalagyan ng juice ang dalawang baso doon.

"Let's have a snack for now. Mamaya pa ang dinner dahil maaga pa naman. I know you didn't eat breakfast this morning because of what happened." nagtaas siya ng tingin sa akin nang matapos magsalin ng juice sa baso. "But if you're hungry, I will asked them to cook now para makakain kana rin."

Agad akong umiling at bahagyang kinagat ang pangibaba kong labi. "No. Hindi na kailangan. I'm good in this." pagtanggi ko.

Matamang tumingin sa akin si Drake dahil doon. Ilang beses pa akong tumanggi at sinabing ayos na ang nakahain ngayon, hanggang sa huli ay siya na ang sumuko. Inilahad niya sa akin ang mga cookies doon at iyon ay hindi ko na tinanggihan. Kumain ako ng tahimik at ganoon din siya.

Sa mga sandaling iyon ay nakarinig kami ng kalabog mula sa kambal na pinto. Sabay ang pagbukas noon na itinulak sa malakas na puwersa. Nilingon ko ang parte at nakita ang dalawang lalaki na papasok habang mabibigat ang kanilang mga hakbang. Diritsyo ang kanilang tiningin sa kay Drake na prenta lamang ang upo sa kanilang sofa. Tila'y walang pakealam sa dumating gayunpaman ay nakatingin ito sa kanila.

"What's happened, Drake?" nahimigan ko ang katigasan sa boses ng isang lalaki nang binabanggit iyon.

I looked at him directly, fiercely and with amusement running into my eyes. Hindi ko mapigilang ngumisi nang hindi man lamang nito binalingan ang puwesto ko dahil abala ang kararating lamang na dalawang lalaki sa kay Drake. Matiim at matigas ang ekspresyon. Nanatili ang tingin ko sa isang lalaki sa mga ito.

"What?" patay malisya ang tanong ni Drake sa kanila. Nagpatuloy sa pagkain, may ngisi sa kanyang labi.

"Doon? Noong tumawag ka at sinabing i-trace ang lokasyon mo. Anong meron? I don't get any points in there! Hindi ko sila mamukhaan at ang dami nila!" pumikit ito at nagpakawala ng ilan pang mura bago muling dumilat.

Ngumiwi si Drake at inilapag ang baso sa mesa bago umiling. "Hindi ko rin alam ang punto nila. Ano sa tingin mo James? Naubos niyo bang lahat?"

"Really? E, ano ang meron doon? Trip ka at sinubukang paulanan ka lang ng bala?" sarkastiko na ang tono nito na parang ipinapaintindi kay Drake ang nangyari.

"Kind of." kibit balikat ni Drake at humalakhak.

Tumiin ang panga ng Kuya James dahil sa halakhak na ginawa ni Drake. Kuya James' didn't change in a bit, I guess. Dahil noong umalis ako patungong Korea ay ganoon pa rin siya at hanggang ngayon ay hindi nagbabago. Ngayon lamang na muli ko na siyang nakita ay hindi ko maiwasan ang mamangha. Wow! He may not change by his attitude but then, he changed a lot by his features. Naging malaki ang katawan nito at mas tumangkad pa.

Make You Mine (Sanchez Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن