CHAPTER TEN

92 7 3
                                    

🌹🌹🌹

BUONG ARAW na nakatingin sa kanyang laptop si Marie. Pinilit niyang mabuhay ng normal pagkatapos nilang maghiwalay ni Kurt. At kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. She started working again. Sa cake shop niya ibinuhos ang oras para makalimot. Patuloy pa rin si Kurt sa pagsuyo sa kanya at hinayaan na lang niya ang binata. Alam niya na hindi ito titigil. She expects him to be mad at her after what she said but it didn't happen. Hindi daw ito naniniwala sa sinabi niyang hindi niya na ito mahal.

"Ma'am, hindi niyo pa po ba kakausapin si Sir Kurt," tanong ng assistant niya na si Jasmine.

Napatingin siya sa table ni Kurt di kalayuan sa kanya. Nagtagpo ang mga tingin nila ngunit siya ang unang nag-iwas. Hanggang ngayon ay hindi niya kayang salubongin ang tingin ng dating nobyo.

"Kawawa naman si Sir Kurt. Araw-araw po siyang nandito para kausapin po kayo."

Hindi siya umimik. Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng assistant niya. Muli siyang napatingin kay Kurt. Kanina pa ito naruruon, mula ng bumukas ang shop niya kaninang umaga. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa ngunit pagkalipas ng ilang oras ay makita niya ang sarili na naglalakad palapit kay Kurt.

"You should leave," sabi niya pagkatapos mailapag ang isang tasa ng kape sa table nito.

Natigil si Kurt sa ginagawa nito sa laptop at napatingin sa kanya. Nakita niya ang malungkot na kislap sa mga mata nito.

"Marie..."

"Inumin mo iyan at umalis ka na." Walang emosyon sabi niya rito.

Hindi nakapagsalita si Kurt. Nakita niya ang pagrehistro ng sakit sa gwapong mukha nito. Naramdaman niya ang pagtusok ng isang matalim na bagay sa puso niya. Tinalikuran niya ito at pumasok sa loob ng kanyang opisina. Inabala niya ang sarili sa mga papel na nasa harapan niya. Tumayo lang siya ng makaramdam ng gutom.

Lumabas siya ng kanyang opisina at patungo sana sa kusina ng cake shop ng makita niya si Kurt na nakaupo pa rin doon sa pinag-iwanan niya kanina. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagpasok sa kusina. Nakasalubong niya si Jasmine na may hawak na isang platong may pagkain.

"Ma'am nandiyan na pala kayo. Ihahatid ko na sana ito sa opisina niyo." Nakangiting sabi ng assistant niya.

"Ha! Wala naman akong sinabi na hatiran mo ako ng pagkain sa opisina ko." Salubong ang kilay na sabi ko.

Nakagat ni Jasmine ang ibabang labi nito at umiwas ng tingin. "A-ano po kasi m-ma'am---"

"Did Kurt told you to do that?"

Napaangat ng mukha si Jasmine at nanlalaki ang mga mata natumingin sa kanya. Napabuntong hininga siya. Kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga.

"From now on, Jasmine don't take any order or favor from Kurt. Hindi siya ang boss mo. AKO." Tinalikuran nita ang dalaga at lumabas ng kusina.

Hindi niya napigilan hindi tumingin sa kinauupuan ni Kurt. Naruroon pa rin ang binata. Mataray na umiwas siya ng tingin. She hates how much he cares for her. She is trying to be fine.

Muli niyang itinuon ang sarili sa ginagawa ng pumasok siya ng opisina niya. Hindi niya pinansin ang sinisigaw ng puso niya. Ang lumabas ng opisina at lapitan si Kurt. Nais niyang bumalik sa mga bisig nito.

KASAMA si Carlo, isa sa mga staff, na magsara ng cake shop niya. It's already 9pm and her other staff went home.

"Thank you, Carlo," sabi niya pakatapos maibalik nito ang susi sa kanya.

"Walang anuman po, Ma'am." Magalang na paalam ni Carlo.

Ngumiti siya at inilagay sa bag ang susi ng shop.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon