Chapter 1

1K 48 18
                                    

"Why are you asking me ba kung saan nakatira si Josh?"

"Basta," I heard Kristy chuckle. "What?"

"That was quick. Are you interested in him now?" My eyes widened at what I heard and I quickly responded.

"Hey, it's not like that!" I answered, which made her laugh on the other end of the line.

I was currently on the phone with Kristy to ask her where Josh's house was. Bigla kasi nagkaroon ng early dismissal at hindi na 'ko nagkaroon ng chance pa na malapitan si Josh para sana isauli ang wallet niyang nahulog kanina dahil sa pagmamadali nito.

Actually, siya pa nga unang lumabas e. Excited much ang kuya mo.

"So?" Muli kong pagsasalita at muli na namang natawa si Kristy. Happy siguro siya.

"Alright. I'll just send his address through Messenger but make sure to spill the tea to Jules and me, okay?"

Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Mukhang wala akong choice, pero wala din namang masama kung sasabihin ko sa kanila yung nangyari, 'di ba? Nahulog niya lang naman yung wallet. That's it.

And well, nakita ko yung picture.

After my conversation with Kristy ended, I took another look at Josh's wallet. I know, I know. Mali ang ginagawa ko sa part na 'to pero gusto ko lang i-make sure ang nakita ko dahil baka namamalikmata lang ako kanina.

But no.

It was really her.

Nabalik ako sa wisyo nang biglang tumunog ang phone ko, senyales na may nag-chat sa'kin kaya dali-dali ko yung tiningnan. I expected it to be Kristy pero agad ding napakunot ang noo ko matapos mabasa ang notification sa Messenger.

"Matthew Josh Le Feuvre wants to send you a message.. Huh???" React ko at nagtataka man ay inopen ko na lang.

-

Matthew Josh Le Feuvre

Bring me back my wallet.
Right now.

Delete | Block

-

Oh.

"Paano niya naman nalaman na ako ang nakakuha?" Tanong ko sa sarili ko matapos mabasa ang chat niya.

Tiningnan ko ang wallet na nasa tabi ko. Oh well, isasauli ko naman na talaga. Mas maganda ngang aware siya para hindi na siya magulat after ako makita mamaya sa harap ng bahay nila.

But for now, I need to know their address. At sakto naman dahil biglang tumunog ulit ang phone ko at nakita ang chat ni Kristy. I immediately stood up, grabbed the wallet and started walking out.

Ito na wallet mo, Mr. Sungit.

-

My lips parted in awe as the taxi dropped me off sa isang malaking bahay. At kapag sinabi kong malaki, as in sobrang laki. It was like standing in front of a modern palace. Wow.

Hindi ko kasi alam kung saan ang address na sinend sa'kin ni Kristy kaya sinabi ko na lang sa taxi driver at dito niya 'ko ibinaba. Hindi din naman kasi naging mahirap dahil mukhang kilala ang pamilya nila Josh sa private subdivision na ito.

"Sino sila?"

May isang guard ang lumapit sa'kin kaya bahagya akong napaatras. Two more guards followed him. Nakaramdam naman ako ng tense sa pamamaraan ng pagtitig nila sa'kin.

Opposites CollideWhere stories live. Discover now