CHAPTER 21 (Decision)

1.8K 94 3
                                    

''Jema anak di kaya sobra naman ang ginawa mo kay deanna..
Alam naman natin na wala siyang kasalanan diba?

Kahit na nay...makikipaghiwalay na ako ng tuluyan sa kaniya...

Basta anak pag isipan mo muna ha..

Nagdecide na ako nay ayoko na may mangyari pang mas malala sa pamilya natin...alam niyo naman di tayo titigilan ng mga magulang niya..

Basta kung ano man ang decision mo nandito lang kami ha..

Samanatala si deanna naman ay nakahiga na sa kama ni celine..

Tulog na tulog na ito...gusto sana kitang bihisan pero wag na baka kung ano pa mangyari...ang sabi ni celine habang papalabas na siya ng kwarto..

Sa kabilang room na siya natulog...mahal niya si deanna at ayaw niya na magalit ito sa kaniya kapag sinamantala niya ang kalasingan nito..

Kinabukasan maaga nagising si deanna nag taka siya kung bakit wala siya sa apartment bigla niya naalala na sa nalasing pala siya kagabi..

Paglabas niya ng kwarto naabutan niya si celine na naghahanda ng almusal..

Oh gising kana pala deanna almusal ka muna bago umalis..

Wag na may pupuntahan pa ako...yung susi ko?

Kain ka muna...nahanda ko na oh..

Wag na..thank you nalang tanggi ni deanna..

Walang nagawa si celine...ayon yung susi mo..

Alis na ako...sabay talikod ni deanna..

Naiwan naman si celine na napabuntong hininga nalang..

Bakit ba ang ilap mo...bulong niya...

Umuwi si deanna sa  apartment at nagbihis...balak niya na bumalik sa ospital para makausap si jema..

Pagbungad niya palang sa pintuan kung saan naka confine ang tatay ni jema ng makita niya na nasa loob din si mark habang masaya na nakikipagkwentuhan dito si jema...

Bigla napatingin sila jema dito ng makita siya...bakas sa mukha nito ang galit...

Uminit ang ulo bigla ni jema...ano ginagawa mo dito!!

Diba ako nga dapat ang mag tanong kung bakit nandito ang lalaking yan!

Mabuti pa jema alis muna ako...usap muna kayo..paalam ni mark..

Di ka aalis mark dito ka lang...usap lang kami sa labas...

Lumabas si jema at agad naman sumunod si deanna...

Ano ginagawa dito nun! Inis na tanong ni deanna..

Ano naman pakialam mo?

Pakialam? Kaya ba nakikipaghiwalay ka? Dahil dun?

Wag ka gumawa ng kwento!! Alam mo kung bakit ako nakikipag hiwalay sayo!

Yan ba talaga gusto mo? Hiwalay?letse ka jema kung ganun lang kadali para sayo sabihin yan....ok go!! Pero sana wag na wag mo pagsisihan kung ano man ang decision mo ngayon...

Pigil na pigil ang mga luha ni deanna...sobra siya nasaktan ng makita niyang masaya si jema kasama si mark..
Di tuloy niya lubos maisip na ganun lang sa kaniya kadali yun....

BAKA SAKALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon