chapter 31💓

365 3 0
                                    

Shanaya's POV

Kinabukasan ay start na naman ng klase kaya naman kahit ayaw ko pang harapin si third ngayon ay wala akong choice dahil syempre mas mahalaga parin ang pag-aaral noh baka kaltukan ako ng nanay ko kung nagpabaya ako .

    kaya naman nagsimula nako mag bihis at nagmake up , yes nagmemake up din naman ako noh lalo na at special ang araw ngayon dahil ngayon ay foundationday  sa school namin kaya naman kailangan natin magpaganda at baka makabingwit tayo ng fafa hahaha charot lang haha pero syempre ayoko naman magmukhang zombie sa harap ni thi- wait! bakit ba iniisip ko nanaman ung bakla nayon? kailangan ko na syang kalimutan okay!

so anyway fastforward na tayo yari na kong mag make up at magbihis kaya naman bumaba nako para kumain at sakto naman na nakita kong naka luto na si mama at syempre ang mga kuya kong busy sa mga pinagkakaabalahan nila ang alam ko kase may research sila kaya naman ilang araw na silang halos pakasalan na ang mga laptop nila .

"good morning people of the house!!" sabay sabay naman silang napalingon sa gawi ko at natigil sa kanilang pinagkakaabalahan 

"walang good sa morning okay? " masungit sa sabi ni kuya joaquin

"bakit naman?"tanong ko

"hay nako kaninang 5am pa andyan yan at deadline daw nila ngayon ng research nila. pabayaan mo muna yan at kumain ka muna dito baka malate ka sa school" sabi naman ni mama

Agad naman akong tumalima at kumain na ng umagahan .

Actually wala naman kaming masyadong gagawin ngayon dahil nga foundation day ,mag gagala na lang siguro kami ni cheska sa ang  mga booth . Marami kasing booth ngayon lalo na yung iba't ibang club para ipromote ang club nila , kanya kanya silang gimik na talaga  namang maakit ka na sumali . Pero kami ni cheska ay walang balak na sumali ng club ngayon tan dahil ayoko muna ng responsibility dahil gusto kong ienjoy ang unang taon ko sa highschool 

di ko naman sinasabi na pabigat ang pagsali sa club actually masaya sya dahil makakatagpo ka ng mga panibagong tao na pwede mong maging kaibigan pero syempre marami din mga activity ang ginagawa pagsumali ka sa club kaya naman wala pa kong balak sumali ngayon .

Natapos na kong kumain kaya naman napgpaalam nako na umalis dahil inaantay nako ni cheska sa school dahil may usapan kami ngayon na puntahan bago maglibot libot sa school kaya naman umalis na ko sa bahay at nagtaxi na lang papuntang Restaurant ... opo tama po kayo ng nababasa sa Restaurant ang usapan namin ni cheska na puntahan .

actually di pala sya Restaurant cafe sya na gustong subukan ni Cheska dahil masasarap daw ang mga drinks at desserts. 

Pag baba ko sa taxi ay nakita ko na agad si Cheska dahil nasa gilid sya nakapwesto sa tabi ng salamin. patingin tingin sya sa phone nya at tumiingin din sya sa paligid kaya naman pagtingin nya sa labas ay nakita nya agad ako 

Agad naman syang kumaway sakin kaya naman dumiretso nako at pumasok sa Cafe .

"hoy bakla ka ang tagal mo inugat nako dito kahihintay sayo" sabat naman agad ni Cheska 

" eh sino ba naman kase masyadong excited satin ? FYI  noh saktong oras ako dumating ikaw lang naman tong ke aga aga dumating" sabay irap ko sakanya

"eh sorry naman marami kase akong chika sayo " 

" ano ba kase yon at kelangan dito pa ?" tanong ko sakanya

"may bali-balita kase sa school tungkol kay thirdy"

kay third? bakit di ko yata alam yon?

"ano naman yon?"

"Kilala mo ba si Zadrach? kumakalat kase sa school na nalilink pala si thirdy don" kwento ni Cheska

"ANO?! A-ah i mean baka naman di totoo yon baka tsismis lang alam mo naman sa school may madikit lang kay Third iba na tinginan ng mga tao" pagtatanggol ko

shet wag naman sana di ko pa nga kayang tanggapin na wala akong pag-asa tapos malalaman ko may ibang lalake na kong kaagaw? NO WAY! i-i mean wag muna ngayon mag momove on muna ko

"eh yun ang balita eh kase nga may kumakalat na post ni Zadrach kasama si Third"

"Baka naman kaibigan lang buddy ganern" oo alam ko medyo nagiging martyr nako pero wala eh crush ko eh 

" buddy? eh kung makalingkis si Third para syang tuko? tsaka kung makita mo lang ang ngiti ni Third girl halos kita na gilagid nya kakangiti , yun ba yung kaibigan? tsaka girl remember... bakla si Third kaya hindi imposible " sabi ni Cheska 

napaisip naman ako sa sinabi ni Cheska at tama naman tlaga sya hindi imposibleng magka boyfriend si Third lalo na at gwapo na nga kapag binihisan pa ng pangbabae na damit eh mas maganda pa sakin huhuhu pano na to? 

hanggang dito na lang ba talaga ? ;(


------

fast forward na guys andito na kami sa school at hanggang ngayon hindi parin ako makamove on sa mga sinabi ni Cheska tungkol kay Third . Sobrang laki kase ng chance talaga eh lalo na at nung pinakita sakin ni Cheska yung picture nung Zadrach sobrang gwapo as in! 

Pero syempre mas gwapo parin si Third hiihihi. Pero anyways sabi sakin ni Cheska bagong transferee daw si Zadrach galing states at ang mas matindi pa eh kagrupo pa ni Third sa pagsasayaw huhuhu pano naman ako? 

kailangan ko na kayang matuto sumayaw?




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yan muna guys bukas ng maga naman yung next chapter at medyo inaantok nadin ang lola nyo noh .

Pero sana nagustuhan nyo ang update nato sorry medyo maiksi dahil medyo busy ako dahil sa online class lalo na at sobrang daming kailngan ipass na requirments .

By the way sa mga di nakakaalam ako po ay 2nd year College na at isang proud BS Nursing student kaya naman pag pasensyahan nyo  na kung bakit ngayon lang ulit ako nagka update 

so yun lang hope you enjoy reading ;) and intayin nyo lang update ko bukas ng maga 

CIAO!


Owned By A GAYWhere stories live. Discover now