19

205 5 0
                                    

"Bro! Bro! Bro! Narinig mo na ba ang balita!?" Nagulat ako kay Challace na humahangos. Nang makalapit siya sa akin ay agad kong itinuktok ang sandok sa ulo niya.

"Oh? Ano bang meron? Bwisit ka ang hilig mong manggulat!" Banas na sabi ko at nagpatuloy sa pagluluto.

"Ang Tito at Tita mong nakakulong, patay na." Sabi niya na ikina-hinto ko. Napa-tingin ako sa kaniya.

"Nagpatayan daw silang dalawa sabi 'nung pulis. Nauna daw umatake si Ingrid kay Derick. Nag-aaway daw kung sino ang may kasalanan kung bakit namatay at sinong pumatay sa mga parents mo. Parang nabaliw si Ingrid kaya ayun. Binawian naman siya ni Derick kaya nagkapatayan na ang dalawa sa selda nila." Lintaya niya na ikina-iwas ko naman ng tingin.

"Geh." Tipid na sabi ko. Mabuti na din siguro 'yon. Kung sa impyerno man ang diretso nila, masunog sila panghabangbuhay. Matatahimik na din naman siguro ang mga buhay namin. Condolence na lang sa mga natitira nilang anak. Mukha namang inaalagaan sila ng maayos ni Grandpappy, eh.

And speaking of Grandpappy, wala pa siyang ginagawang aksyon. Nagka-usap kami ni Frank, kinuha daw ni Grandpappy ang mga papeles sa kaniya. Ano namang magagawa ko? Edi hinayaan ko na lang. Hindi ako maghahabol. May mga naiisip na din ako para sa kinabukasan namin ni Eunice. Itutuloy ko ang nasimulan ni Daddy. Sa ibang kumpanya nga lang. Gusto ko ring magpatayo ng restaurants para maipamalas ko naman ang skills ko sa pagluluto.

Hindi pa naman kami naghihirap. After all, sa akin nakapangalan ang Henrichen University. 'Yun lang ang hindi kayang makuha ni Grandpappy. May mga nakukuha naman kaming pera doon at isa pa, marami akong sidelines. Sa gaming and modelling. Laking pasalamat ko talaga kina Mom at Dad at ginawa ako. Ang gwapo ko, eh. Napapakinabangan ko tuloy. #FeelingBlessed

"Hoy! Kakain na po mga Prinsipe at Mahal na Prinsesa!" Tawag ko sa kanila matapos kong maghain.

*Weeks passed*

"HOY! TAPOS NA BA KAYO!? LABAS NA! AALIS NA ANG EROPLANO ANG KUKUPAD NIYO PA DIN!" Bulyaw ko sa tatlo na nasa loob ng bilihan ng sweets. Lilipad kami papuntang USA kung saan gaganapin ang Worldwide Sports Fest. We will represent our school. We won in the National Games, at ire-represent din namin ang Pilipinas para sa gaganaping WSF.

Na-e-excite ako na kinakabahan. First time ko kasi 'to. Oo, nanalo din kami sa Palarong Pambansa pero hindi every year ginaganap ang WSF kundi every 4 years. Hakhakdog. Kinakabahan ako ng sobra na ewan. Ito namang si Lavoisier, easy-easy lang. Nagpumilit sumama para daw suportahan si Eunice. Tss. Magpapabigat lang siya, eh.

"Nom, nom, nom! Ang sarap!" Sabi ni Challace na puro na lang lamon at tawa ginagawa sa buhay niya. Nagdarabog akong pumunta sa counter. Kasama namin ang ibang mga coaches at ibang students from other schools. Ewan ko ba pero ilag sila sa amin. Siguro dahil nasaksihan nila kung gaano kahalimaw si Eunice. Pfft.

"Onii-chan! Onii-chan! Onii-chan!"

"Oh?" Ano na namang ikinakukulit ng batang 'to?

"I left my yogurt!" HA!?

"Bakit mo iniwan!?" Anak ng---! Huwag mong sabihing babalik pa kami!?

"Waaaaah! Akala ko dala mo, eh!" She pouted. Napa-hilamos ako sa mukha sa sobrang stress.

"Bumili na lang tayo sa ibang bansa. Mas masarap ang yogurts kapag imported." Pang-uuto ko para hindi na niya ako pabalikin pa sa penthouse. Mukha namang gumana.

"Okay." Phew. Buti naman.

*The next, next day*

"Welcome to Worldwide Sports Fest." Panimula ng Emcees na nagpakaba sa akin lalo. Ang alam ko live 'to, eh. At alam kong maraming manonood sa amin. And shit, napakaraming tao dito! Halatang handa sila sa araw na ito. Well, three-day sports fest naman ito ang kaso nakakakaba talaga, eh. Buong mundo ang makakapanood sa amin. Huwag naman sana akong sumablay sa pagshu-shoot. Nakakahiya kay Latina na nanonood sa akin!

My Paranoid Big Brother [𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 ✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon