SIYA NA NAGLUWAL

25 1 2
                                    

Dinala mo ng siyam na buwan
Inaruga't minahal ng walang alinlangan
Inalay ang buhay ng walang katumbas
Pag-ibig ay tunay at wagas.

Sa babaeng naging dahilan
May ako sa lupang tinuntungan
Sa kanya na walang pasubali
Gabi ay umaga, umaga ay gabi.

May kirot sa puso sa iyong pagpanaw
Tatanggapin kahit isip ay umaayaw
Sa piling ni Bathala ang dalangin
Pagmamahal sa kanya'y iparating.

Patawad sa panahong di sapat
Sa puso"y mananatiling tapat
Hindi mawawalay, di magmamaliw
Sa kalooba'y magbibigay aliw.

Panginoon siya'y iyong tanggapin
Pakiyakap para sa amin
Wag mag-alala sa kanya'y sabihin
At mga luha ay iyong pahirin.

Maraming salamat Nanay
Sa buhay na ibinigay
Mula noon, hanggang ngayon
Maraming salamat sa habang panahon.

SIYA NA NAGLUWALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon