the truth hurts

530 30 6
                                    

***jimenez' house

Anong problema ni roni? Tanung ni borj sa kanyang isipan.

Gusto man nyang kausapin ang kaibigan ay nahihiya naman ito, bagaman nasarapan sya sa ginawa ng kaibigan pero mali na hinayaan nalang nyang maghalikan sila ni roni.

Nahihiya rin ito kay basty, kaya wala pa syang mabuting tulog dahil sa pag iisip.

Ayaw nyang isipin na gusto nya parin si roni, alam nyang mahalaga sa kanya ang kababata subalit bakit hindi mawala sa isipan nya ang halik na ginawad sa kanya ng dalaga,  ito ba marahil ay lalaki lamang sya na hirap makatanggi sa tukso.

Samantala..bigla naman dumating si junjun, yuan kasama si basty..

Oh mga pare napasugod kayo??

Ito kasi si basty.. nagpapatulong satin.. - ani junjun.

Ano naman yun pare.. mukang seryosong laban yan pre? Tugon ni borj. Kahit may idea na sya dahil alam nya na nakipag cool off si roni kay basty.

Seryoso talaga. Ayaw sya kausapin ni roni at mukang may alitan yung dalawa. Alam mo naman magalit yun.. di ba borj.. sabat ni yuan..

Anu bang plano mo pare?? Tanung ni borj..

Nabanggit kasi ni junjun pre na gusto daw ni roni ng hinaharana sya..

Bigla naman nag throwback kay borj ang panghaharana nyang ginawa kay roni..

Ano borj.. ok lang ba dito tayo mag practice sa inyo..?

Oo naman pre.. kaw pa? Malakas kayo ni roni sakin.

inumpisahan na nila ang practice. Pero dahil walang hilig si basty sa pagkanta kinailangan syang sabayan ni junjun at borj. Hindi sasali si yuan dahil ayaw nitong pumagitna sa anumang alitan ni basty at ng kapatid.

Hindi gusto ni borj ang idea na kasama syang kakanta dahil parang hindi pa sya handa  na magkita sila ni roni, ngunit wala naman syang magawa. Ayaw nyang biguin si basty.

*** salcedo's house.

Kakatapos lang magdinner nila roni ng bigla silang nakarinig ng ingay.. alam ni yuan na sila basty na yun dahil sya nagbigay ng signal na pwede na sila mag umpisa.

(Sorry na by parokya ni edgar ang kinakanta nila.)

Unang lumabas ang mag asawang charlie at marite..

Ayaw man lumabas ni roni pero alam nya kung kaninong tipa ng gitara iyon at hindi sya pwedeng magkamali sa himig na naririnig.. dahilan para kumabog ang dibdib nya.

Dahan dahan syang sumilip at nasilayan ang muka ni borj sa labas.

Nagtama ang mga mata nila.. hindi maitatago ni roni ang kilig sa kisplap ng mga mata nya..
Habang tinitigan din sya ng napaka expressive na mata ng binata.

Nanaginip ba ako? Ano ang ginagawa mo borj? Para san to?

Samantala hindi na ipinagtaka ni marite at charlie ang panghaharana dahil may abiso na sila kay yuan.

Katulad ng napag usapan dahil sa hindi magawang kumanta ni basty..
Si borj ang unang kakanta then si junjun sa second part ng song.. lalabas si basty sa parteng last part ng song pero sasabayan parin nila sa pag awit ng lyrics..

🎵🎶🎶Mahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala
Sorry na...🎵🎶🎶

Tumayo si basty sa mismong harapan ni borj kaya natakpan nito ang binata.

Unti unti ay naglaho ang ningning sa mata ng dalaga. Hindi na ito galit kay basty pero ayaw na nyang balikan ito.

My One and Only❤Où les histoires vivent. Découvrez maintenant