Kay sarap bumalik
Sa mga masasayang alaala
Mailaw na pag-ibig nating
Akala ay pinagpalaNgunit 'di nagtagal ay nawala
Paulit-ulit nalang
Inaabangang magkamali'Pag wala na naman tayong nararamdaman
Ay mabuti pang itigil ang kunwa-kunwari lang
'Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na salamat
SalamatKapag ubos na ang mitsa
Anomang sindi'y mapupuksa
Ang galit ay lumipas na
Inanod ng mga luha
Damdamin ay lumaya'Pag wala na naman tayong nararamdaman
Ay mabuti pang itigil ang kunwa-kunwari lang
'Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na salamat
SalamatSa pagsapit ng gabi ng pinagsamahan
Ang puso'y tuturuan na tumahan'Pag wala na naman tayong nararamdaman
'Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na salamat
Salamat (Salamat)
Salamat (Salamat)
Salamat (Salamat)
Mahal