Chapter 27: Training

553 28 2
                                    

Race's POV

"Ha! Ha! Huu! Sa-sandali..." natungkod ang mga kamay ako sa mga tuhod ko.

"Ang hina mo talaga. 6 th floor lang napagod kana?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba kasing gagawin natin dito sa rooftop?" salita ko ng maka move on na ako sa pagod. Hindi niya ako pinansin at naglakad sa dulo ng rooftop. Wala akong nagawa kundi sumunod at tumanaw din sa malawak na skwelahan namin.

Ang tagal kong naghintay na magsalita siya. Siguro hinihintay niya lang rin akong magsalita.

"Ah anong paguusapan natin?"

"Napakapayapa, napakatahimik. Kung sana nanatili na lang na ganito ang lahat" hindi ko alam kung bakit parang naging malalim ang mga salita niya.

"R-ray sapalagay ko kailangan ko ng umalis" hindi ko na gusto ang nararamdaman ko. Pano kung katulad nila Marvin ay magalit din siya sakin? Natatakot akong sabihin sakanya ang nangyari samin kanina.

"Nag away ba kayo?" tanong niya

"Oo" malungkot kong sagot "Ayaw na nila akong maging kaibigan"  pagpapatuloy ko

"Bakit?" napakagat ako ng labi. Sasabihin ko ba?

"Ahem.. 20 minutes na lng at tapos na ang lunch break. Babalik na ako sa room" tingin ko sa relo ko.

"Tss... Wag mong iwasan ang tanong ko"

Napapikit ako ng mariin saka tumingin sakanya...

"Oona!isaakongLettiere!Nasamagkabilangmafiatayo.Itmeansnamagkalabantayoatpwedeniyonaakonglayuan" walang hinga kong sabi sa sobrang bilis ng salita ko hindi ko alam kung naintindihan niya.

"Haay sakit mo sa ulo. Ano naman ang pinoproblema mo?"

"Hindi ka galit?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Bat naman ako magagalit? Ikaw parin yung Race na nakilala namin." na touch ako sa sinabi niya.

"Ray... Kung ganon di mo ako iiwan?"

"Silly" he genuinely smile at me. "Magkaibigan tayo bat ko gagawin iyon?"

"Pero bakit nung nasa Palawan tayo tinutukan mo ako ng baril?" nakita kong napahinto siya.

"Race yun ang trabaho ko. Ayokong makita mo kung gaano kadumi ang ginagawa ko. At isa pa yun talaga ang totoong ako. Hindi ako mabait. Pumapatay ako Race ..... Nang walang pag aalinlangan"

"Para sakin di ka masama" ngumiti naman siya ng nakakaasar.

"Akala mo lang yun. Anyway, I'm sorry"


"Bat ka naman nagsosorry?"

"Dahil sa ginawa ko sa Palawan. Muntik ka ng mamatay. Na giguilty ako dahil doon"


"Hindi naman ako galit"

"That's the problem. Hindi pa kita nakitang nagalit. Yung galit talaga. Abnormal ka ata eh." maka abnormal naman⊂( ̄(エ) ̄)⊃

"Anong magagawa ko kung mabilis mawala ang galit ko?"

"Galit at kasakiman ang bumubuo sa mundo natin. Hindi ka mabubuhay kung mahina ka. Nag aalala lang sila Marvin sayo dahil hindi ka lumaki kung pano kami pinalaki sa Mafia. Bata pa lng baril at patalim na ang mga hawak namin"

"Oo alam ko. Hindi niyo rin naman tanggap kung sino ako"

Pok

"Awwww" napatingin ako sa bumatok sakin. Masakit ah!

Loving SpadeWhere stories live. Discover now