Chapter 12

2.1K 192 47
                                    

Zoey's POV

"Madam ano ba. Bumalik ka nga." Enoch said habang nakasunod sa  kanya.

Inis na hinarap niya ito. "Pwede ba wag mo akong sundan. Bumalik ka don sa babae mo." She said bago mas binilisan ang paglalakad.

Nasa lugar siya nila enoch and she was planning to surprise him pero siya ang nasurprisa nang makita itong nakikipagtawanan sa isang babaeng kinulang nang tela ang suot. At hindi niya alam kung bakit nagagalit siya.

"Zoey isa ha. Bumalik ka nga." Sabi nito kaya inis na huminto siya at galit itong tiningnan. "Lika na madam, uwi na tayo." Malambing nitong sabi pero nang maalala ang pakikipagtawanan nito kanina sa babae ay inis na hinubad niya ang suot na high heeled shoes at ibinato ito sa lalaki na agad tinamaan sa dibdib. "Aray ko madam."

"Tse wag mo akong sundan. Uuwi na ako." She said bago nagpatuloy na maglakad. And she's not comfortable na maglakad nang nakapaa sa kalsada. But she needs too dahil inis na inis siya sa di malamang dahilan.

Napatigil siya sa paglalakad nang humarang sa kanya ang binata nakadipa pa ito. "Alis nga." She said at itinulak ito pero matigas itong umiling.

"Naman madam bat ka ba biglang nagagalit? Kung ano man yun sorry na ok. Sige na suot muna ulit ang sapatos mo, nadudumihan na ang paa mo oh." He said bago ito lumuhod sa harap niya.

"Ayaw ko ok." She said bago inis na sinipa ang sapatos kaya napabuntong hininga ito. Sa inis na nararamdaman niya ang pagsusuot nang sapatos ang huling iisipin niya.

"Hays grabe naman to mag selos." He said kaya napasinghap siya.

"Ang kapal ha hindi ako nagseselos."

"Sinungaling pa oh."

Sa inis niya ay sinipa niya ang paa nito. "Uwi na ako." She said at mag lalakad na sana nang bigla itong maghubad nang tshirt at inilagay ito sa kalsada sa harap niya.

"Diyan ka maglakad madam para hindi madumihan ang mga paa mo." He said bago tumingin sa paligid. "Hoy hubarin niyo ang mga damit niyo nang may madaanan ang madam ko ." Sigaw nito sa mga tambay na nakatingin sa kanila.

Agad siyang namula nang makita ang anim na lalaking nagsihubaran nang tshirt at ibinigay ang mga iyon kay Enoch. Then enoch place all the tshirt on the ground one thing to another.

"Yan lakad na madam." Sabi nito. "Di na madudumihan ang mga paa mo."

Napakuyom siya bago humakbang at sa pagsayad nang paa niya sa tshirt na nasa kalsada at nakalatag ay hindi niya alam kung bakit pero napaiyak siya.

"Hala madam bat ka umiiyak." Natataranta nitong sabi. "Nak nang Zoey naman wag kang umiyak."

She stop walking at tiningnan ito sa mata. Damn bakit ganito ang lalaking to? Don't he know how his action stir so much emotion on her?

"Zoey, madam sorry na ok. Yung nakita mo wala yun. Kababata ko yun at may asawa yun. Kinikwento lang sakin  ang kabaliwan nang asawa niya na kaibigan ko rin. Wag na magselos ok?"

"Di ako nagseselos."

Napakamot ito nang ulo. "Di hindi. Basta uwi na tayo madam. Bati na tayo. Bati na tayo ha." Malambing nitong sabi kaya napanguso siya bago tumango na ikinangiti nito.

"Enoch."

"Bakit madam?"

"Kargahin mo ako." She said at napatawa ito bago tumango. "Pangkasal na karga ba madam?"

Umiling siya. "Sa likod mo ako sasakay enoch." She said total naka slacks naman siya.

Tumango ito bago tumungko sa harap niya. She then ride in his bare  back and hug her arms in his neck.

"Sorry." Bulong niya dito.

"Ayos lang madam. Basta kung galit ka wag kang umalis, mas gugustuhin ko pang suntukin mo ako kesa ang makita kang lumalayo sakin." He said kaya napabuntong hininga siya at isiniksik ang ulo sa pagitan nang balikat at ulo nito.

"Tell your friends I'll buy them clothes in return of their shirts that you put on the ground."

Tumawa ito bago umiling. "Oa madam. Alak lang solve na ang mga yun. At ako nang bahala. For now uwi na tayo at nang mahugasan ko na yang paa mong nadumihan kanina."

Heart please calm down.

——————————-####——————————

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon