13

23.3K 541 9
                                    

"WE ARE supposed to be engaged," paalala ni Robb bago sila pumasok sa ICU. "Kailangang maging kapani-paniwala ang bawat kilos at salita natin."

Bukod sa pang-uuyam sa tinig nito ay nahimigan din niya ang pagbabanta. Pinigil niyang makapagsalita ng maanghang. Pinatatag niya ang sarili sa muling pagharap niya kay Lola Emilia. Iyon lang ang mahalaga sa ngayon.

Muntik na siyang mapabulalas ng iyak nang masilayan ang anyo nito. Maputla ito na tila wala nang dugong dumadaloy sa mga ugat. May ilang sandali silang nakatayo sa tabi nito, tahimik habang magkahawak ang mga kamay.

Finally she whispered. "Robb, I think she's sleep—"

Nabitin sa lalamunan niya ang sinasabi. Lola Emilia blinked, then she opened her eyes. Napasinghap siya. Noong una ay walang focus ang mga mata nito, hanggang sa matuon iyon kay Robb, pagkatapos ay sa kanya.

Yumuko si Robb at masuyong ginagap ang kamay ng abuela. "Lola, kasama ko si Serena," wika nito. "Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa inyo kahapon? Magpapakasal kaming dalawa..." Nag-angat ito ng katawan, then he snaked his arm around her waist and pulled her closer against him.

"O-oo nga po, Lola Emilia," she said huskily, conscious of his hand on her waist, ang mga daliri nito'y humahaplos-haplos sa baywang niya.

Umungol si Lola Emilia, kumislap ang mga mata.

"Magpapakasal kami, Lola," patuloy niya. "Isang en grandeng kasal na masasaksihan ng mga taga Sta. Fe. At dapat kayong magpalakas dahil kailangang naroroon kayo. Magkakaroon ng maraming magagandang bulaklak at magsusuot ka ng corsage na gawa sa mga orkidyas..."

What am I saying? she asked herself in bewilderment. Alam niyang imposibleng mangyari iyon pero kusang lumabas ang mga salita sa bibig niya. She was telling Lola Emilia her dream wedding. Sunod-sunod na parang humahabi siya ng isang panaginip.

Lola Emilia closed her eyes. Pero may bahid ng ngiti ang tuyot nitong mga labi na sa wari ay nakikini-kinita nito ang mga sinasabi niya. Pagkatapos ay muli itong nagmulat ng mga mata, bumuka ang bibig na tila nais magsalita.

"Hindi ninyo kailangang magsalita, Lola," banayad na awat ni Robb.

Pero determinado ito kahit sa napakahinang tinig. "N-natu...tuwa...ako... da...lawang taong mahal ko... ay magpa...pakasal..." she slurred, pero nanatili ang bakas ng ngiti.

"Ganoon din kami, Lola," ani Robb na puno ng emosyon ang tinig. Dumiin ang kamay nito sa baywang niya.

"H-hindi... ba...biglaan...?" patuloy na usal ni Lola Emilia.

Napatingin siya kay Robb. Naghahagilap ang isip niya ng isasagot. Sa kabila ng lahat ay gumana ang isip ng matanda; sa kabila ng kasiyahan na matutupad ang pinakamimithi nito ay umahon ang pagtataka.

"It was your idea, Grandma," ani Robb na sinamahan ng masuyong halakhak. "Itinanim mo iyon sa isip ko sa nakalipas na mga taon. Dapat ay kikilalanin ko pa sana si Serena nang husto pero naisip kong hindi mo siya irerekomenda kung hindi mo tiyak na siya ang babae para sa akin," he said smoothly then smiled at Serena lovingly.

Napahugot siya ng hininga habang nagsasalita ito at humahabi pa ng kasinungalingan. Mga matatamis na salita na kay sarap pakinggan. Other times, she would have believed he meant it.

Nang muling pumikit si Lola Emilia ay muli siyang nilingon. Nawala na ang masuyong titig. Matalim na mga mata ang humalili na tila hinahamon siyang pabulaanan iyon.

"Nasaan... sing...sing...?"

Serena almost groaned. Naghahanap ito ng singsing—bilang tanda ng pangako ng pag-iisang dibdib. An engagement ring. Hindi nga ba at sa kabila ng mga taon ay nanatiling suot nito ang engagement ring mula sa asawang namayapa katabi ng wedding ring nito?

"Iyon ang binabalak naming asikasuhin ngayong araw na ito, Lola," agap ni Robb. "Dumaan lang kami rito upang dalawin ka."

"Tama si Robb, Lola..." Buong pagmamahal niyang hinaplos ang noo nito. "Sa susunod kong pagdalaw sa inyo'y suot ko na ang engagement ring namin."

Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Pagkuwa'y, "Ang... mga halaman..."

"Hindi ko siya pinababayaan, Lola," ani Robb.

Lola Emilia closed her eyes. Nakita ni Serena ang kapayapaan at kasiyahan sa mukha ng matandang babae. May kung anong takot na bumangon sa dibdib niya habang nakatitig dito. Napahilig siya sa balikat ni Robb nang wala sa loob.

Takot na dagli ring naparam nang makita niya ang mabagal na pagtaas-baba ng dibdib nito.

"Time to leave," bulong ni Robb kasabay ng pagpapakawala ng hininga. She could hear the strain in his voice. Tulad niya, natakot din marahil ito.

Hinayaan niyang akayin siya nito palabas ng ICU.

"Salamat sa pag-aasikaso mo sa mga halaman, Robb," aniya nang makalabas na sila. "Bukod sa atin ay mahalaga sa kanya ang mga halaman niya."

Tumiim ang mga bagang nito. "I can get someone to take care of those plants."

Nahinto siya sa paglakad at tumingala rito. "You... you lied to her about the plants, too?"

Umangat ang isa nitong kilay. "Did you expect me to tell my grandmother that I forgot to water her plants?"

Umiling siya. "N-no, of course not. Pero hindi mo kailangang magsinungaling na—"

"At ikaw, Serena?" he countered. "Alin ba sa mga sinabi mo ang hindi kasinungalingan?"

"But—"

"Kunsabagay, parang totoong-totoo, 'di ba?" he taunted. "If I hadn't known, you would have me believed that you're so in love with me." He laughed, an empty laugh. "Pero mahusay ang performance mo, little one," patuloy nito, mocking her. "En grandeng kasal... mga bulaklak, hanggang sa orchid corsage. Mananalo ka ng 'Best Performance' award."

Kung wala ang ilang hospital personnel na paroo't parito ay baka hindi niya napigil ang sarili. She gritted her teeth. Bumilis ang mga hakbang niya palayo rito. "Uuwi na muna ako."

Subalit pinigil nito ang braso niya at iniharap siya. "Hindi ka pa maaaring umuwi, Serena. May ipinangako tayo kay Lola Emilia, 'di ba?"

"W-what—"

His smile was mocking. "We'll buy a ring."

Love Trap (COMPLETED) Published by PHRWhere stories live. Discover now