SANA

7.7K 75 22
                                    

Not Edited..

ADANNA's POV

Ilang araw na mula ng mamatay si Reden.. ilang gabi narin akong palaging nasa burol niya kasama si Dawe.

Ilang araw narin hindi lumilitaw si Claudette para makita man lang sa huling beses ang asawa niya..

Ito na ang huling gabi kaya maraming tao..

Nagluluksa ang lahat sa pagkamatay niya..

Alas onse na ng magbulungan ang mga tao sa paligid.. Hindi ko na inintindi pa ang pinaguusapan nila..

Kahit malayo ako sa Ataul ni Reden ay hindi ko naman maalis ang tingin ko duon.

Nalulungkot ang buong pagkatao ko. Hindi ko parin mapaniwalaang wala na siya.. Ako pa ang dahilan ng pagakawala niya. Napaiyak na naman ako habang sinisisi ko ang sarili ko..

Bigla kong naalala ang lahat. Si Renz ang bumaril sa akin, tapos ay hinarang iyon ni Reden kaya sa halip na ako ay siya ang tinamaan.. Pero binaril niya uli ako saka siya tumakbo. Talagang pinakita niya na ako ang target.

Napalingon ako sa babaeg parating.. itim ang buong suot niya at lumalakad siya ng mabagal habng palapit sa ataul at umiiyak..

Ang malditang si Claudette..

Siniringan ko siya kahit alam kong hindi niya ako napapansin.. Sa oras na malaman kong may kinalaman siya sa nangyaring ito ay baka siya ang mapatay ko.

Dahil sa kanya namatay si Reden, at dahil sa kanya magkakapeklat ang balikat ko.kaya lalo kong ikinangingit-ngit ang pagkakaroon ng peklat eh..

Lalagyan ko rin ng peklat ang mukha niya. Isang malaking peklat na araw-araw niyang pagsisisihan ang lahat ng ginawa niya.

Umiyak siya ng umiyak ng makalapit siya sa kabaong ni Reden.

Pakiramdam ko naiiyak na naman ako. Naramdamn ko ang pag-akbay sa akin ni Dawe..

Nagapapasalamat din ako kay Dawe na hinayaan niya akong nandito palagi gabi-gabi wala akong naririnig na pagtutol sa kanya.. Iniintindi niya ang pagluluksa ko. Alam niya na hindi lang isang ex si Reden sa akin kundi isa ring kaibigan.

"Ang kapal din naman pala talaga ng mukha mong pumunta pa rito matapos mong lokohin ang kapatid ko" galit na sabi ni Angelie kay Claudette..

Natuon lahat ng pansin ng mga tao sa dalawang nasa harap..

Natigil sa pag-iyak si Claudette pero hindi niya nilingon si Angelie.

"Paiyak-iyak ka pa, ang galing mong artista" mataray na sabi ni Angelie halata talaga ang galit sa boses niya.

"Asawa ko parin siya, at wala ka ng magagawa dun"  matapang na tugon naman ni Claudette..

Ngumisi si Angelie.. " Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na ang kuya ko" matigas na sabi ni Angelie sabay tumulo ang liha niya na agad rin naman niyang pinahid.. "ikaw ang pumatay sa kanya!" Nagulat ako sa sinabi ni Angelie.

Nanlaki naman ang mata ni Claudette sa diretsahang paratang ni Angelie sa kanya.

"Ikaw lang naman ang may galit sa kanya dahil iniwan ka niya ng pasabi ng malaman niya na hindi niya anak ang ipinagbuntis mo" Ngumisi si Angelie kahit tumutulo ang luha nito.

ADANNA (completed) Where stories live. Discover now