Kabanata 3

5 0 0
                                    

"Excitement"

"Mamaya pa daw magsisimula sabi ng MC" Yuri said.

"So antagal natin mag aantay dito? " pag rereklamo ni Ailyn.

" Pang ilang number tayo? " pagtatanong ni Joshua saken.

Kanina pa kami nakarating sa covered gym pero di pa rin nagstart ang Program.

Ang sabi kase ng Master of Ceremory ay 2 hours pa bago magsimula ang program.

Nakaka dismaya.

Edi sana kung alam namin na naiba pala ang time edi sana di muna kami dumiretso dito.

Ang init kase dito, kulang nalang ay magkaron ng apoy sa paligid namin at piprituhin na kami.

Nakakainis, kung mamaya pa magsisimula, edi sana itinulog ko nalang yung nalalabi pang 2 hours.

"Guys, dun muna tayo sa Kabayani, sobrang init dito" pag aya ni Yuri.

"Oo nga tara na! " pagsang ayon ni Ailyn.

" Pano kung hanapin tayo? " pagtutol ni David.

" Oo nga, baka mamaya hanapin tayo nung nag oorganize, tas matanggal pa tayo, gusto niyo ba yun?" pag dadahilan ni Joshua.

" Fine, edi hindi na." pagpayag ni Yuri na halata na labag sa loob niya.

" Aezakmi, Hesoyam, Asdjkl, Orgramnd, and G clet Bands, meron kayong isa't kalahating oras para makapag ready para sa inyong performance, pede kayong kumain at mamahinga para sa gaganaping performance nyo,  pero bawal kayong lumabas ng school, nagkaron lang ng conflicts sa time dahil mamaya pa after two hours dadating ang judge. Thank you and Good luck to all Bands! " pag papaliwanag ng Master of the Ceremony.

"Oh see, yun naman pala e! " masayang sabi ni Yuri.

Hindi magkamayaw ang saya ni Ailyn at Yuri dahil makakalabas ng Covered gym.

Nanatili lang akong tahimik dahil nanlalata ako at inaantok, na siyang napansin ni David.

Nakarating kami ng Kabayani at umupo sa ilalim ng mga Umbrella's .

"Guys, bibili lang ako ng snacks sa canteen" sabi ni Joshua.

"Sasama ko! "pag sama ni Ailyn.

"Wait me!"paghabol ni Yuri.

"Are you okay? " nagulat nalang ako dahil tinanong ako ni David.

" I am" tipid kong sagot sa kanya.

Nanatili ang titig nya sakin dahil ine examine niya kung nagsisinungaling ako.

"Okay lang ako David, don't worry" pag ngiti ko sa kanya sabay thumbs up.

" You sure? " nginitian niya din ako ngunit may mapanuri parin na tingin"

"Yes, inaantok lang ako kase di ako nakatulog kagabi" sabay pisil sa dalawa nyang pisngi.

"Hmmm, bat di ka nakatulog?" seryoso niyang titig.

"Kinakabahan kase ko para sa performance natin" I explained.

"Ehem" pagpaparinig ni Robert.

Sabay kaming napatingin ni David kay Robert na nakamasid pala samin.

"Kanina pa ko nandito" di nyo manlang ako sinasali sa usapan nyo.

"Wanna sleep? " pag tanong sakin ni David at pag tap nya sa lap niya na sinasabi na gawin unan ang lap nya.

" Thank you David, kaso wag na" sabay ngiti ko sa kanya.

"Di mo manlang sinagot si Robert may sinasabi" dagdag ko.

"Tsss, nonsense kausap yan" pagbibiro nya.

"Hoy, Dave! Narinig ko yun ha! " pag duduro kay David ni Robert.

"I know" sabi ni David na may pang aasar.

"Mapang asar ka talaga" pag siko ko sa kanya.

"Pero si Aliah di mo naman ginaganyan! Ganon ba talaga pag best friend? " he pouted.
"You're being childish, stop that dude! " David said.

Natawa nalang ako sa kakulitan nila.

Dumating sila Joshua na may dalang mga pagkain.

Idadaan ko nalang sa kain baka mawala na yung antok ko.

"

I ThoughtWhere stories live. Discover now